Chapter 11

11.5K 194 7
                                    

Facebook: Zamerra WP

Facebook Group: Zamerra's Stories 

Twitter: @zamerraWP

Instagram and Snapchat: zamerradelvalle 

---

Alas otso na ng gabi nang matapos din kami sa mga dapat gawain sa mansyon. Meron pa nga dapat na gawin kaso sinabi sa akin ni Nanay na magpahinga na daw ako dahil pagkadating ko kanina ay trabaho kaagad ang inasikaso ko pagkatapos kong magpahinga ng saglit at naligo rin.

Umakyat ako sa taas na parte ng double deck kung na saan ang kama ko at nanghihinang sumalampak doon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko para sa buong araw.

Kahit namang walang ginawa masyado sa mga klase namin kanina dahil pangalawang araw pa lamang ng klase ay grabe na ang atake ng pagod sa katawan ko. Hindi kaya dahil ito sa nag-trabaho kaagad ako?

Pero, 'de bale ang pagod kung para naman ito sa pag-aaral ko. Kung kapalit naman ito ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo ay titiisin ko para lang maiahon sa kahirapan ang pamilya namin. Darating din ang araw na hindi na kailangang magtrabaho nila Nanay at Tatay para sa akin. Ibabalik ko din sa kanila ang lahat ng sakripisyo na ginawa nila para sa akin.

"Maibabalik ko din ang lahat kila Nanay at Tatay," pangako ko sa aking sarili at pumikit ng mariin at itinatak sa isipan ko 'yun.

Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral giginhawa na ang buhay naming tatlo at mababayaran rin naming lahat ang mga utang namin sa mga kapitbahay namin balang araw. Makakabili na rin kami ng gusto naming kainin. Makaka-ipon na rin kami para sa sariling bahay na hindi na namin kailangan pang makitira kahit kailan at kotse para sa aming tatlo para makapunta kami sa mga gusto naming lugar na gustong puntahan.

"Anak?" Narinig kong bumukas na ang pinto ng kwarto kung saan kami tumutuloy nila Nanay at Tatay.

Umupo ako sa kama at ngumiti kay Nanay na kakapasok lamang. Sumunod din si Tatay na hinihilot ang kanyang batok. Na'ko, paniguradong mahaba ang naging biyahe nila ni Sir Xander kanina.

"Bakit po, 'Nay?"

"Matulog ka na at magpahinga ka na, ha? Mamasahiin ko lang itong Tatay mo dahil mahaba ang naging biyahe nila ni Sir Xander kanina. Mga halos apat na oras tapos sa loob ng isang araw, biyaheng Maynila sila hanggang Pangasinan. Halos walang pahinga."

Inalalayan nang umupo ni Nanay si Tatay sa isang silya at tinanggal ang sapatos nito at kumuha ng langis na kadalasang ginagamit ni Nanay kung sakaling sumasakit ang kasu-kasuhan ni Tatay at kung may nararamdaman kaming sakit sa aming katawan. Epektibo naman ito at idagdag pa ang galing ni Nanay sa pagmasahe sa mga katawan namin.

"Opo, 'Nay," sagot ko naman kaagad at humiga muli.

Huminga ako ng napakalalim at ipinikit ang aking mga mata. Pagkadilat ko muli, ang dilim na ng paligid ko.

Nakakarinig na ako ng munting hilik ni Tatay at mga insekto na gumagawa ng mahihinang tunog. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking gilid at pinindot ang flashlight nito. Dahan-dahan akong bumaba sa double-deck na kama at lumabas ng kwarto namin sa may maid's quarters.

"Tubig," bulong ko na parang may nakakarinig.

Mabuti na lamang at nakasindi ang ilaw sa may kusina kaya pinatay ko na ang flashlight ng cellphone ko at inilagay ito sa aking bulsa. Naglakad ako papalapit sa malaking refrigerator ng mansyon at kumuha ng nakahandang baso sa gilid nito bago buksan ito para kumuha ng isang pitsel ng tubig.

Isinalin ko naman ito sa baso at kaagad na ininom ng mabilisan dahil sa uhaw ko. Nakahinga ako ng maluwag at walang ingay na ibinalik ang pitsel at saka mabilis din na hinugasahan at pinunasan ang baso na ginamit ko.

Defying The Impossible (Los Herederos Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon