Chapter 17

9.7K 198 18
                                    

"Let's go?"

Nang mapansin ang dami ng mga dinadala ko ay kaagad niya akong dinaluhan at binuhat ang ilan sa mga ito.

"Sir—"

"Let's go."

Atat nga talaga umalis siguro si Sir Lexus. Tinapunan ko ng huling tingin ang mga magulang ko at tumango silang dalawa sa akin. Sinundan ko na si Sir Lexus palabas ng mansyon. Nilisan na namin ang sala at pagkababa namin ay nakahanda na ang sasakyan ni Sir Lexus.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinundan ako nila Nanay at Tatay. Nakita ko rin si Sir Xander na walang emosyong nakatingin sa aming dalawa ni Sir Lexus na sumasakay ng kanyang sasakyan. Lihim akong nagpaalam kila Nanay at Tatay na may bahid pa rin ng pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Itinatatak ko din sa utak ko na hindi ko bibiguin sila Nanay at Tatay na hindi na nila kailangan na masyadong mag-aalala sa akin dahil tatawagan ko din sila palagi. Mami-miss ko silang dalawa pero naisip ko din si Sir Lexus na gustong mawala sa ganitong sitwasyon niya kaya kahit na hindi pa sapat ang nalalaman ko sa pamilya nila ay pilit ko pa rin siyang iintindihin.

Pinasibad na ni Sir Lexus ang sasakyan at nagmaneho palabas ng mansyon.

"Sorry about the urgent call earlier, Rannaya," sinserong sinabi ni Sir Lexus sa akin.

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Wala akong magagawa, Sir kasi, amo ko pa rin naman kayo. Kayo pa rin ho ang dahilan kung bakit nakakabili kami ng mga pangangailangan namin pati na rin 'yung pangkain namin sa araw-araw."

"Still..." Parang nanghihinayang siya sa bigla niyang tawag sa akin kanina. "If you don't want—"

"Ay, hindi po, Sir! Ayos na ayos lang po talaga. Pinangako naman kasi ni Sir Xander kanina sa akin na makakabisita naman sila sa akin kahit na hindi araw-araw."

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "I know you will miss your parents a lot but you can visit them whenever you want to too, Rannaya. Just tell me about it, okay?"

"Makakaasa po kayo, Sir."

Mga ilang minuto pa nag-drive si Sir Lexus at ang lugar na paglilipatan niya ay isang jeep lang ata papunta sa RU. Mataas na istruktura ito at kulay puti at asul ang karamihan sa kulay nito.

"Here. Take this." May inilabas si Sir Lexus sa kanyang bulsa at ibinigay iyon sa akin. "It's a duplicate of the entrance card to get inside my condo. Swipe it before entering the elevators. Keep it safe, Rannaya."

"Opo, Sir," maagap na sagot ko sa kanya at kinupkop ito sa akin.

Mabuti na lang nakitaan ko ito ng tali na pwedeng ikabit sa I.D. ko.

"I know we have some days that we don't have the same schedule at school so I know I must give you one."

Tumigil ang kotse at nasa isang medyo madilim na parte kami ng parking lot ng malaking gusali na ito. Unang lumabas si Sir Lexus at ako naman ay tinanggal na muna ang seatbelt ko at saka bumukas ang pinto sa gilid ko.

"Na'ko, Sir, hindi na kailangan," sabi ko sa kanya.

"You're still a girl, Rannaya. My mother said that no matter what is the girl's position in life is, be a gentleman."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Aaminin ko, may kaunting kilig din naman akong naramdaman kaso kailangan kong wakasan 'yon dahil madami-dami kaming kailangan na buhatin. Kahit na mga damit lang naman namin ito at mga personal na gamit.

"I'll carry yours and mine. Just carry the bag that contains some personal things."

Binuksan ni Sir Lexus ang likuran na parte ng kanyang sasakyan at ako naman ay sa upuan sa likod ng sasakyan niya kinuha ang mga dapat buhatin. Nang makuha na namin ang mga kagamitan namin ay sinarado na rin niya ang sasakyan niya at may kung ano'ng pinindot sa malaking susi na hawak-hawak niya para umilaw ang sasakyan niya.

Defying The Impossible (Los Herederos Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon