Chapter 30

8.5K 152 14
                                    

Hindi kaagad ako makagalaw nang makita sa mga mata niya ang pagkagulat at pagkalito. Hanggang saan ang nakita niya? Nakita niya ba ang nagawang paghalik sa akin ni Lexus?

Kung gano'n, lagot na.

Masyadong maaga itong panahon na ito para siya ang makaalam. Delikado. Alam ko naman sa umpisa pa lang ay malaki na ang pagkagusto niya kay Lexus.

"Melissa..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at nagmamadaling naglakad sa harapan ko. Huli na nang mapagtanto ko na mabilis na siyang makakalayo sa akin.

"Melissa!" Tawag ko sa kanya pero mas lalo lamang niyang binilisan ang paglalakad.

Natataranta na ako. Baka may masabi siya at hindi pwedeng mangyari iyon!

"Melissa!" Tumakbo-takbo ako para abutin siya pero sa dami ng estudyante ay nahihiya ako para sa sarili kong pagtinginan nila ako.

Naabutan ko na lang siya na pumapasok sa una naming klase. Pumasok na rin ako sa loob ng classroom at tinignan siya na ngayo'y naka-upo na kasama ang mga kaibigan niya.

Nahuli ko pang tumingin siya sa akin at nagtagis lamang ang bagang niya. Kinabahan na ako sa gano'ng ipinakita niya sa akin.

"Rannaya!" Nalipat ang atensyon ko nang tawagin ako ni Hadley.

Itinaas niya ang kamay niya at lumapit na ako sa kanila ni Monica.

Pagka-upo ko pa lang ay ramdam ko na kaagad ang matinding kaba. Ang naiisip ko ngayon, kailangan makahanap ako ng paraan para hindi kumalat ang tungkol sa amin ni Lexus.

Hindi pa panahon para malaman ng lahat.

"Rannaya? You're spacing out."

Napasinghap ako at pumikit-pikit. "Pasensya na." Huminga ako ng malalim.

"Uy, ang lalim niyan, ah. May problema ba, Rannaya?"

Pinalobo ko ang pisngi ko at may pag-aalala sa mukha kong tumingin sa kanilang dalawa. "Si Melissa..." Umpisa kong bulong at ang atensyon nila ay nasa akin kaagad.

"What? What about her?" Nagmamadaling tanong sa akin ni Hadley.

"N-Nakita niya kasi kami ni Lexus kanina." Natigilan sila. "H-Hindi ko alam kung hanggang saan ang nakita niya—"

"Fuck. That is big problem!" Natatarantang bulong ni Hadley. Malaki na rin ang mga mata niya at natatakot na rin siguro sa posibleng mga mangyari.

"Ano ba ang sa tingin mong nakita niya, Rannaya?"

"Hinalikan ako ni Lexus."

Napabuga sila ng hangin ng takot. "The thing is, Melissa has a big social reputation here. And we're in big trouble if she will spread it all over the campus, Rannaya. She's good at spreading those kinds of news to everybody."

Napapikit ako. "Ano'ng gagawin ko?" Tinignan ko silang dalawa. "Pwede kayang maka-usap siya, Hadley? Na 'wag ipagsasabi sa kahit sino ang nakita niya sa amin kanina?"

Nalaglag ang balikat niya. "Maybe you can try, Rannaya. I hope the talk guarantees it."

Napatakip ako ng buong mukha ko sa pag-aalala. Sana madaan sa usap ang magiging resulta nito kasi kung sakaling hindi... mababaliw na ata ako.

Natapos ang klase at kaagad akong tumayo. Lakas-loob akong lumapit sa grupo nila Melissa sa bandang likod. Maski ang dalawang kaibigan niya ay nagulat sa biglang pag-sulpot ko sa harapan nila.

"Melissa..." Tawag ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tamad na tumingin sa akin. "Yes?"

Defying The Impossible (Los Herederos Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon