Chapter 13

9.8K 236 13
                                    

At dahil sa huling subject na namin para sa araw na ito ay nakuha ni Sir Lexus ang pagkakataon na pilitin akong sumabay sa kanya pauwi.

"It won't do you any harm, Rannaya. C'mon, it's just a ride and it's safer—especially when you're with me."

Lumapit ako sa kanya ng kaunti. "Po?" Hindi ko kasi narinig ang mga huli niya nang sinabi.

Umiling-iling kaagad siya at tumalikod na. Tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng unibersidad. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya at may pinindot doon para mag-ilaw ng ilang sandali ang magara niyang sasakyan.

Nagulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Hala, Sir, hindi na po kailangan."

"We're still inside the university grounds, Rannaya," parang medyo pikon na niyang sinabi sa akin.

Kaagad naman akong nagpakita ng peace sign sa kanya bilang paumanhin. "Sorry na, Lexus. Ayan, okay na?"

Umiling-iling siya sa sinabi ko at saka ngumiti ng kaunti. Pumasok na ako sa loob ng magara niyang sasakyan. Sports car nga ito.

Hinintay ko siyang pumasok sa loob. "Basta 'yung magiging tawag ko sa pangalan mo, ay kung nasa labas lang tayo ng mansyon, tama?" Komportable kong sinabi sa kanya kahit na medyo nag-aalangan pa ako sa paggamit ng gano'ng klaseng tono sa kanya.

"Yes," kaagad niyang sagot.

Tumango naman ako at sinulyapan siya na inilalagay ang backpack niya sa likurang parte ng sasakyan niya. Nang matapos siya doon ay lumipat naman ang tingin niya sa akin.

Huminga siya ng malalim at dumukwang para may abutin na kung ano sa gilid ko. Napaatras ang kalahati ng katawan ko sa kinauupuan ko at litong-lito na tinignan siya.

Pwede naman niyang ipaabot na lang sa akin?

Ang sunod ko na lang na narinig ay ang pag-click ng kung ano. "Seatbelt. To keep you safe."

Napakurap ako. Seatbelt lang pala! Akala ko kung ano ba ang inaabot niya na bagay na kailangan niya. Bakit ko nga ba hindi kinabit sa akin kaagad 'yon?!

"S-Salamat..." Ayan tuloy, nanginig pa ako sa pasasalamat ko sa kanya.

Nang umalis na siya sa harapan ko ay sunod na niyang minaobra ang sasakyan niya. Napa-paypay ako sa aking sarili sa naramdaman kong tensyon kanina. Paano ba naman kasi, ang lapit-lapit niya sa akin na para bang...

Paulit-ulit kong tinampal ang sarili ko sa aking isipan.

Maganda naman ang intensyon ni Sir Lexus, Rannaya. 'Wag ka nga!

Pinalobo ko na lang ang pisngi ko at kinuha ang bote ng tubig sa bag ko at saka ininom 'yon.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa mansyon.

"Salamat po, Sir," pasasalamat ko sa kanya.

Una siyang ngumiti pagkatapos ay tumango sa akin. Tinanggal ko na muna ang seatbelt ko at nauna nang lumabas ng sasakyan.

"Rannaya, anak!" Inangat ko ang tingin ko at mabilis na umakyat sa pahabang hagdan papunta sa main door ng mansyon.

"'Tay!"

Halos hindi ko siya nakita buong araw kaya isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

"Hindi ka ata nakapag-text na makaka-uwi ka na." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko.

"Ay, pasensya po, 'Tay. Nakalimutan ko. Oo nga pala, sinabay na naman ako ni Sir Lexus pauwi," imporma ko sa kanya.

"Gano'n ba?" Tumango naman ako sa tanong niya.

Defying The Impossible (Los Herederos Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon