3 years old ako nung naghiwalay si mommy at daddy, 7 naman ang kuya Gelo ko. Nagtrabaho sa America si daddy sa isang hospital. 3 months after ng 5th birthday ko, nagpakasal si mommy sa highschool boyfriend niya, si Tito Dan. Simula nun, every summer akong sumasama sa probinsya ni Tito Dan. Maraming pamangkin si tito kaya enjoy na enjoy ako.
Nung 8th Birthday ko, ibang klase ang regalo ni mommy sakin. Nasa maliit na envelope ito. "Mommy, ano toh?" tanong ko. Nag-expect kasi ako ng dollhouse. "Buksan mo.". Pagkabukas ko, dalawang airline ticket. "San po ko pupunta?" nalilito na ko nung mga oras na yon. "Sa America na kayo mag-aaral ng Kuya Gelo mo."
Ang saya ko nun dahil first time kong lumuwas ng Pilipinas. Mahirap din ang buhay sa America. Minsan hindi namin makasama si daddy dahil super busy siya. Naiiwan na lang kami sa kashare niya sa apartment, si Kuya June. Biglaan ding nag-iba ang itsura ko. Slim na ko at maputi. Medyo matangos na ang ilong ko. Nag-enroll kasi ako sa Dance class kaya nawala na yung baby fats ko.3 years rin akong hindi nakauwi. Nag-ipon pa kasi si daddy para sa ticket namin ni Kuya Gelo. Buti na lang, December 2009, uuwi kami.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig
Short Story"Mahirap magmahal, lalo na't kung alam mo na hindi pwede." Grabe naman tong si Kupido, kung sinu-sino ang tinatarget. Pati yung mga taong hindi mo ineexpect, tinatamaan. Hindi ko naman plano ma-inlove sa kanya eh. Nangyari lang talaga. Ako nga pala...