Kinagabihan, naghapunan na kami. Biglang pumasok sa isip ko si Macky. "Gelai, may gusto ka pa?" tanong ni Tita Ika. "Macky po." sabi ko. "Ano yun?" "Ay! Maggie po. Pakiabot yung maggie.". Ano ba yan. Nawawala ako sa sarili ko.
Pagkatapos naming kumain, niyaya kong magbaraha si Camille at Ronron. "Unggoy-unggoy lang, yun lang kasi ang alam ko na laro." habang binibigay ko yung baraha. "Gelai, narinig ko yung sinabi mo kanina." asar ni Ronron. "Ano yun?" tanong ko. "MAGGIE." sabay ngiti niya. Hindi na ko sumagot, medyo nahiya kasi ako. Inabot kami ng 8:00 ng gabi sa paglalaro. "Mauna na ko sa inyo, pagod kasi ako." sabi ko.
"Goodmorning!" sabi ni Camille sabay talong sakin. "9 na. Maligo ka na, ipapasyal kita sa plaza." . Nagready na ko tapos kumaen. Nilakad lang namin yung plaza since medyo malapit-lapit lang din naman. Kasama ko si Camille, Joan at Tricia, isa sa mga kapatid ni Joan at Macky. "Magbubunutan na raw tayo ng pangalan bukas sabi ni Mama." sabi ni Camille habang sinasawsaw ang isaw sa sauce. "Oo pala! Kris kringle!" sabi ni Tricia. Siya yung pinakabata sa amin kaya siya yung medyo excited. "Ayokong mabunot si Gelai. Mataas standards niyan, baka tsinelas lang mairegalo ko jan. Hahahaha." sabi ni Joan kay Camille. "Ano ka ba, okay na yun! Di naman ako mapili." ngiti ko.
Pag-uwi namin, nakasalubong namin si Macky. "San kayo pumunta?" tanong niya. "Pinasyal si Gelai sa plaza." sabi ni Joan. "Ba't di niyo ko sinama. Naman oh." sabay pout kay Joan. "Girls only" sigaw ni Tricia kay Macky.
Pag-uwi namin. Nag-lunch na muna kami tapos nag-kwentuhan sa kwarto nila Camille. Biglang pumasok sa loob si Ronron. "Gelai, tawag ka ni Macky." sabi niya. "Busy pa ko" sabi ko. "Dali na! It's important daw.". Paglabas ko, wala namang tao. "Asan na siya?" tanong ko habang tumitingin sa paligid. "Wala. Hehe.". Ronron talaga. Ang kulit kulit. Okay lang, bata pa yun sakin, parang baby brother ko na rin yun.
Nung time na yun, uso pa yung Boys Over Flowers. First tim kong mapanuod yun. Nung nakita ko si Jun Pyo, gwapong-gwapo ako sa kanya. "Ang gwapo naman ni Jun Pyo." sabi ko sabay hampas kay Camille. "Akin na siya, ano ka ba!" sabi ni Camille. "Ano ba kayo, pinag-aagawan niyo ko." Paglingon ko, si Macky pala yon. "Pangit mo!" sabi ni Camille tapos tumawa lang siya. "Bumalik ka na sa inyo, i-lo-lock na yung door niyo.". "Dito ako matutulog, sa kabilang kwarto." sabi ni Macky.
Nung gabing iyon, dun nga siya natulog. Wala ng gumagamit sa kwartong yun. Comforter tsaka electric fan na lang, walang ilaw. Inalok niya kami na samahan siya kasi pinagchichismisan yung kwarto na may multo daw dun. Dun naman kami natulog, 2 ng umaga na kami nakatulog. Nagkwentuhan pa kami ng ghost stories. Nasa gitna naman si Camille, so walang malisya.
(skip to tomorrow lol)
"Bunot na kayo ng name." sabi ni tita, hawak hawak niya yung fishbowl na may mga maliliit na papel na nakaroll. Pinauna ko na si Camille tapos ako. Pangalan ni "Pj", isa sa mga pinsan ko. "Tita, hindi po kami close. Di ko alam ireregalo ko dito." sabi ko. Close naman talaga kami, pero gusto ko talagang mabunot si Camille. "Sige, bumunot ka ulit." sabi ni tita. Sunod na bunot ko, "Macky". Ngumiti ako. Okay na to.
"Sinong nabunot mo?" tanong ni Camille. "Secret" sabi ko. "Clue nga!" sabi niya. "Hindi pwede, secret nga eh." sinisilip-silip ko yung pangalan, tapos napapangiti ako. "Pleaaase!" habang yinuyugyog balikat ko. "Crush ko toh" sabi ko. Nagulat ako, CRUSH KO? "Ay hinde! Ano .. " "Crush mo?! may crush ka dito sa bahay?" nakita ko mukha ni Camille. Shock na nakangiti. "Wala noh! Dumulas lang yun sa dila ko." dinidefend ko na sarili ko, nakakahiya na eh. "Dumulas kasi yun yung gusto mong sabihin. Sino nga?" Pilit niyang tinatanong. Hindi na ko nagsasalita, malalaman din naman niya eh.
sorry kung walang kilig factor ... soooooooon. btw, short story lang toh. so, comment po kayo .. pleaase? read my stories po.

BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig
Short Story"Mahirap magmahal, lalo na't kung alam mo na hindi pwede." Grabe naman tong si Kupido, kung sinu-sino ang tinatarget. Pati yung mga taong hindi mo ineexpect, tinatamaan. Hindi ko naman plano ma-inlove sa kanya eh. Nangyari lang talaga. Ako nga pala...