Halos isang oras akong kulitin ni Camille. Pero napagod din siya. Tinawag siya ni Tita Ika para bantayan yung baby sister niya. Mamamalengke pa kasi si tita. Favorite spot ko sa bahay yung balcony. Nakakpagisip-isip kasi ako dun. Pumunta ko sa balcony, nakita ko si Macky, nakatambay lang sa harap ng bahay nila. Nagnanakaw tingin ako sa kanya, napapasulyap kasi siya sa pwesto ko.
Pinag-isipan ko yung nasabi ko kay Camille. Paano ko naman nagustuhan si Macky? Eh hindi naman kami masyadong nagpapansinan. Pero na-attract ako sa kanya ng bonggang bongga. Pero mabait din naman eh, pano kung panindigan ko na nga yung sinabi ko? Pinuntahan ko si Camille.
"Camille!" tumakbo ako papasok sa kwarto nila. "Shh! Tulog pa si baby!" pabulong niyang sinabi. "Ay sorry. May sasabihin kasi ako sayo." "Chichi?" "Oo." sabi ko. "Crush ko si Macky." pumikit ako pagkatapos kong sabihin yun. Sumilip ako, nakita kong nakangiti lang si Camille. "Hindi ka yata nashock or something?" tanong ko. "Halata ko naman eh." sabi niya. Tuwing nag-uusap daw kami, halos lumalabas sa dila ko Macky. Madalas daw akong magtanong tungkol kay Macky. Ba't di ko naisip yun?
Kinabukasan, niyaya ko si Joan na samahan ako sa Bazaar, maraming bilihan dun ng mga damit atbp. Maghahanap kasi ako ng regalo para kay Macky. Bumili ako ng cap tsaka t-shirt. Bumili na rin ako ng gift bag para don. Pag-uwi ko, sinalubong ako ng asar ni Ronron at Tricia.
"Anong problema niyo?" tanong ko sa kanila. "Uyy!" Yan ang naririnig ko sa dalawang batang yon. Pumunta ko sa guestroom para ilagay yung regalo sa bag. Paglabas ko, hinihila na ni Ronron at Tricia si Macky. "Kulit niyo!" sabi ni Macky. Tumakbo ako papunta sa kwarto nila Camille. Pero wala siya. Tumambay na lang ako sa balcony. "Omg!" Narinig kong sumigaw si Camille. Sumilip ako sa loob ng bahay, nakita ako ni Camille kaya pinuntahan niya ko. "Crush ka daw ni Macky." sabi niya. "Hinde ahh." sabi ko. "Oo nga! Tinanong ko kaya siya.".
Nung gabing iyon, tumambay ako sa guestroom. Nandun si Mommy, Tito Dan, Tita Ika at Camille. "Gelai, crush mo si Macky?" Tanong ni tita. Ang bilis naman yatang kumalat?! Ba't naman sinabi ni Camille. Tinitigan ko si Camille. Binigyan niya ko ng "hindi-ako-yun" look. "Hindi po aah .. di nga kami close nun eh." Deny ko. "Baka siya may gusto sayo, noh?" tanong ni tita sakin. "Ewan ko po." . "Ba't mo tinatanong yan?" tanong ni mommy kay tita. Nako po, bad news toh. "Naririnig ko si Ronron tsaka Macky minsan mag-usap, crush crush daw." sabi ni Tita. "Parang kelan lang, dati bata-bata pa nila, ngayon, binata't dalaga na!" sabi ni tito. Hay, buti hindi nagalit.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig
Short Story"Mahirap magmahal, lalo na't kung alam mo na hindi pwede." Grabe naman tong si Kupido, kung sinu-sino ang tinatarget. Pati yung mga taong hindi mo ineexpect, tinatamaan. Hindi ko naman plano ma-inlove sa kanya eh. Nangyari lang talaga. Ako nga pala...