"Nasa Pilipinas na rin tayo, sa wakas!" Pasigaw ni kuya. Nasa NAIA na kami, hinhintay si mommy at tito. "Gelo! Gelai!" nakita kong patakbo si mommy samin. Tumakbo agad si Kuya kay mommy sabay yakap ng mahigpit. Sumunod naman ako. Niyakap ko rin si Tito Dan. "Ang laki ng pinagbago mo, Gelai." compliment ni tito. "Puberty po." sagot ko. Tumungo na kami sa kotse ni tito.
Nakarating rin kami sa bahay. Tama lang ang laki. Maganda ang interior design. "May merienda sa kusina, tara kain tayo." alok ni Tito Dan. Tumayo agad si kuya, sumabay kami ni mommy. "Gelai, gusto mo bang sumama sa probinsya ni Tito Dan? Dun kasi kami magcecelebrate ng Christmas. Tsaka namimiss ka na rin siguro ng mga pinsan mo dun." tanong ni mama. "Sige, sama ko. Malalakas sila sakin eh.". "Ma, di po ko sasama, dun na po ko kila lola." sabi ni Kuya Gelo. Umoo na lang si mama.
Umaga ng December 18, hinatid namin si kuya sa bahay ni lola. Pagkatanghali, sumakay kami ng barko papuntang probinsya. 2 ng hapon kami nakarating. Sinalubong ako ng yakap ni Camille, ang pinakaclose ko sa lahat. "Ang ganda mo na, Gelai!" sabay kurot sa pisngi ko. "Ikaw, cute parin as usual." reply ko. Pumasok kami sa guestroom para ibaba yung bag na dala ko. Laging puno ang guestroom tuwing darating kami. Minsan lang din kasi kami makita kaya ganun. Walang sawang chikahan ang mga mommies sa guestroom. Ang mga daddies, nasa sala.
Marami ng tao sa guestroom kaya pumunta kami sa kwarto nila Camille. Halos sumunod lahat ng mga STEP-cousins ko. "Wait lang ha, naghahanap kasi ng pagkain yung kapatid ko, papakainin ko lang." sabi ni Camille. Pagkaalis ni Camille sa kwarto, lumabas rin ako. Pumunta ako sa balcony ng bahay. Yung bahay sa tapat, bahay ni Tito Dave, kapatid ni Tito Dan. Nakita ko si Joan, ang isa ko pang step-cousin. Nagulat siya nung nakita niya ko, may tinawag siya sa loob ng bahay. Parang sinasabi niya na "Si Gelai, nandito!"
Si Macky ang lumabas, kuya ni Joan. Nagulat ako nung nakita ko siya. Ang laki ng pinagbago niya. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng medyo matagal kaya tumakbo ulit ako papunta sa kwarto nila Camille. "San ka nanggaling?" tanong ni Camille. "Nagpahangin lang." sagot ko. Maya't maya, biglang may pumasok, si Ronron at Macky. Si Ronron yung isang kapatid ni Camille. "Gelai, si Macky oh." parang asar ni Ronron. "Hi" sabi ko. Ngumiti si Macky at lumabas ulit.
Thank you sa pagbabasa ng first story ever ko. Don't forget to fan, comment, and vote! Very much appreciated ko yun. Magfeedback po kayo. Give me any suggestions para pwede ko pa pong i-enhance yung writing skills ko or yung grammar. Thank you po sa pagbabasa. (:

BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig
Historia Corta"Mahirap magmahal, lalo na't kung alam mo na hindi pwede." Grabe naman tong si Kupido, kung sinu-sino ang tinatarget. Pati yung mga taong hindi mo ineexpect, tinatamaan. Hindi ko naman plano ma-inlove sa kanya eh. Nangyari lang talaga. Ako nga pala...