Prosidyural.
Hi its me Ryan Jhon!
Isa nga pala akong Junior high school, hindi naman kami mayaman, sakto lang.
Dahil malapit na kaming grumaduate kadalasang pinag uusapan sa room namin ay kung saan ka mag aaral sa Senior high school.
Napaisip tuloy ako....
Sa malayo ba na pwedeng gumimik? O Sa malapit para di sayang ang pamasahe.
Biglang pumasok sa isip ko na kahit saan na lang dahil pwede pa rin naman akong gumala. Haha.
Sa kalagitnaan ng aking pag iisip napadaan ang tropa.
"Pare anong balita?" Si Ivan isa sa tropa ko.
"Okay lang ako, e kayo?"
"Eto maayos pa naman"
At biglang pumasok sa isip ko na tanungin ko kaya sila kung saan sila mag aaral ng Senior high school? Haha tama tatanungin ko sila baka sakaling makatulong.
"Hmmm tol! May tatanong ako"
"Ano yun ryan?"
"Pagkatapos nyo ng Junior high school san na kayo mag aaral?"
"Hmmm pinag iisipan ko pa nga tol e" sabi ni eddy na kasama ni ivan
"Sus kala mo naman makaka graduate ka?! HAHAHAHA" pang aasar ni ivan kay eddy.
"Pero seryoso san nga kayo mag aaral?" Tanong ko ulit
"Hindi rin namin alam tol e' try natin mag tanong sa iba nating classmate baka may i-reto silang eskwelahan"
"Tama magandang ideya yan"
-
"Oyy ryan dun nalang tayo magtanong kay Lyka sa crush mo""Loko ka ivan ah ikaw may crush dyan eh wag mo ipasa sakin"
"Sige nga kung wala kang gusto sa kanya dun ka magtanong"
"Ikaw din dapat"
" ihhh may gusto ako sa kanya pano ak- - -"
"Hahaha nadulas ka na ivan haha inamin mo din, sige ako na bahala"
"Lyka! Lyka! Tawag ka ni ivan"
"Oyy ryan wag ka magulo dyan kokotongan kita mamaya malaman nya e"
"Oy hi ivan,eddy at ryan" masayang bati ni lyka.
"Hi lyka" nahihiyang sabi ni ivan.
"Hmm lyka may ire-reto ka bang school dyan na pwedeng pasukan sa senior high natin?" Tanong ni eddy
"Madami akong alam na school na pwede nyong pasukan, pero mas ire-reto ko sa inyo yung school na aking papasukan"
"Talaga? Anong school yan?" Tanong ko sa kanya.
"Daehan college of business and technology. Isang private school at korean school"
"Korean school? Edi puro oppa dun" sabi ni eddy na may pa finger heart pa
"Saan naman yan lyka?"
"Yun nga din yung inaalam ko ee. Tara puntahan natin yung babae na yun" May itinuro syang isang babae na nasa edad 35
"bakit sa kanya?"
"Isa sya admin ng school e"
"Ah ganun ba, sige tara na!"
At sabay sabay na naming tinahak ang direksyong kinatatayuan ng babae.
"Excuse me po" panimula ni lyka.
"Yes student's?"
"Ma'am gusto po namin pumunta sa school nyo" sabi ni eddy
"Ah ganun ba? Taga san ba kayo?"
"Galing po kaming Anak pawis Cainta" sabi ko naman
"Una pagkalabas ninyo ng highway sumakay kayo ng tricycle na kulay blue, pagkatapos ibababa kayo non sa fishport pag andun na kayo sa kaliwa may makikita kayong dilaw na tricycle, nasa sa inyo yun kung gusto nyo maglakad na lang o sumakay pa 7pesos lang naman. Tapos sabihin nyo sa driver na ibaba kayo sa road20 at pagnandun na kayo pwede nyo na iyong lakarin, diretsuhin nyo lang yun hanggang sa may makita na kayong daan pa kaliwa at yun, isang sementadong daan lang ang sundan nyo"
"Edi dalawang sakay lang pala yun" sabi ko
"Malapit lang pala sya at hindi hassle" sabi naman ni lyka
"Oh bat ganyan mukha mo eddy?" Tanong ni ivan
"Di ko gets e."
" hahahahaha" sabay sabay kaming nag tawanan
"Ay ganun ba? Wag kayo mag alala dahil may shuttle naman yung school, street by street kayo susunduin sa halagang 5pesos lang makakamura na kayo"
"TALAGA PO?!"
"wow dyan na talaga ako mag aaral!"
"Ano ivan dito na tayong tatlo mag aral!"
"Syempre dito na ako mag aaral andito si lyka e."
"AAyiiieeeee kaya naman pala"
Haist nakakapagod tong araw nato, pero okay lang atleast may first school nakong pwedeng pasukan, salamat sa mga tropa ko at kay lyka na din hahaha. Ss sa kanila ni ivan.
YOU ARE READING
Ibat-ibang Uri Ng Teksto
No FicciónIbat-ibang uri ng teksto mula sa Humss 11-A pangkat tatlo. Yna katleen Montealto Merryfil Rey Leah Bagarinao Ryan john Labandero Gio Brient Remapillo