Nung nag bell na nagbalik na ako sa room namin at doon nakita ko si Mia kasama si Tuod, nag tatawanan sila. Tinitigan ko sila, ang saya naman ni Mia, muka talagang napapasaya sya ni Tuod Haizt! Kailangan ko ng mag move on.
Nakita ako ni Mia na nakatayo sa may pinto at nakatingin sa kanila, nung Makita ko syang nakita ako agad ko namang iniiwas ung tingin ko sa kanila at naglakad na papunta sa upuan ko. Nakipag kwentuhan nalang ako sa mga seatmates ko pero nakikita ko pa rin sila sa gilid nang mga mata ko
Nag uwian na at nakita ko naman si Rechel na nag iintay sakin doon sa may gate. Nilapitan ko sya at umalis na kami. Nung nasa mall na kami hinila agad nya ako sa mga boutique dun at pagkatapos nyang mamili nang mga kung ano ano eh nag diretso kaming salon, napagupit sya. pag tinatanong nya ako kung bagay daw ba sa kanya ung ayos nya o ung damit na isinusukat nya, oo lang ako nang oo. Bagay naman sa kanya lahat eh… Maliban SAKIN!
Nung matapos na syang ayusan nag libot na ulit kami sa mall “hon, star bucks tayo dali!” hinila nya ako papunta dun at sakto naman na nung nasa loob na kami, nakita ko si Mia at si Tuod na magkasama at masayang nagtatawanan. Nakaramdam ako ng galit >_____< pinilit ko si Rechel na sa iba nalang kami pumunta pero mapilit sya kaya wala akong nagawa. Umupo kami dun sa likod nung table nila Arrrg! asar!
Si Rachel ung nag order at naiwan akong nakaupo dun na hindi malaman kung saan titingin
“Ohh pare! namamasyal din pala kayo ng girlfriend mo? Wow! totoo palang perfect match kayo! hehe gandan nya eh” Gusto ko syang sapakin! Kasama nya babaeng mahal ko tapos pinupuri nya ibang babae sa harap pa nya huh! Palit nalang kaya kami?
“hoy! Ipinag paplit mo ba ako?” sigaw ni Mia sa kanya na nakataas ung isang kilay
“Hindi! hinding hindi kita ipagpapalit! sinabi ko lang naman na maganda girlfriend nya pero ikaw pinakamaganda para sakin peksman!” tapos itinaas pa ni tuod ung kanang kamay nya at nag mark syang nag cross sa dib dib nya
“Siguraduhin mo lang! Kasi nakikita mo tong kape na hawak ko? Ibubuhos ko to sayo pag tumingin ka pa ulit sa iba!” kapit ni Mia ung kape sa kamay nya pero nakangiti naman sya at sarcastic ung pagkakasabi nya nyan
She really looks so happy! Not all the people around her knows the real her, coz’ she’s not that showy when she’s with other people. Those who are really close and special to her know her childish attitude but, this guy here… His been an exception. Why do I feel so ugly compare to this guy? When he makes her laugh, I feel something inside me ache. Why do I feel so hopeless when it comes to her? I’m really good at everything I’m doing but with her… I never had been right! Life is so ironic!
Natapos ang araw na hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero alam ko hindi ako Masaya! Inihatid ko naman si Rechel sa kanila at umuwi na agad ako. Habang nakatingin ako sa ceiling ng kwarto ko, hindi pa ako nag papalit ng damit nyan, ni hindi pa nga ako nag aalis ng sapatos eh… basta nahiga nalang ako sa kama at tinitigan si ceiling pero, lampasan naman ung tingin ko dun. Sa sobrang layo halos lumampas na ung tingin ko sa roof top nang building
“Bakit kailangan pang makakilala ka ng iba? Bakit wala akong lakas ng loob na sabihin sayo na mahal talaga kita? handa naman akong patunayan yan sayo eh, just give me a chance. Hindi ba tayo pwede? best friend nalang ba ang role ko sa buhay mo? Hanggang dun nalang ba talaga? Pag dating sayo ang dami kong tanong na mukang hindi na masasagot pa! Masaya ka na ba talaga sakanya? kung ganun nga… Magiging MASAYA AKO para sayo! BEST FRIEND MO AKO EH!” ang sakit aminin sa sarili mo na hanggang dun nalang kayo ng taong mahal mo! >___< kailangan ko nang mag move on! hindi nalang siguro muna ako makikipag usap sa kanya, iiwas nalang siguro muna ako!
Ipinatong ko ung braso ko sa mga mata ko at sa unang pagkakataon, umiyak ako ng dahil sa babae. Isang babaeng hindi ko kayang saktan, ang nag iisang babae na gusto kong protektahan… Maliban sa magulang at relatives ko syempre
BINABASA MO ANG
Bestfriend Love [short story]
Novela JuvenilHirap mag mahal ng Bestfriend! Hindi mo alamkung pano sasabihin, kung pano sisimulan, nakakatakot din kasi kung may nag iisang tao na kilala na ang buong pagkatao mo syempre sya na un! >_____< eh pano mo pa sasabihing mahal na mahal kita kung bawat...