Chapter 3: Move closer and look into my eyes

15 2 0
                                    

Chapter 3: Move closer and look into my eyes

[Shane's POV]

Isang buwan......

Isang buwan na rin ang lumipas. Hanggang ngayon wala pa ring paramdam si Rog. Nagkakamabutihan na rin sila David at Denice. At ako......

Nakukuntento na sa pagtingin kay David mula sa malayo.

August na pala ngayon at magsisimula na ang mga practices para sa Buwan ng Wika.

"Okay class, ngayon magpipilian na tayo ng mga partners nyo. I already prepared a list and this will not be changed. So whether you like your partner or not, you must do your best." Sabi ni Ma'am.

"May I call on Mr. Dela Fuente and Ms. Takashi, Mr. Delos Reyes and Ms. Finique, Mr. Evans and Ms. Cabanilla. You 6 will form the steps and lead the class in the performance." Sabi ni ma'am.

Di naman maipinta ang mukha ni Denice dahil syempre ayaw nya sa ka-partner nya. Ako naman di ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Of all people, bakit si David pa. Ang awkward tuloy para saakin.

[the next day]

Nakapag-isip na si Gab at Cygrid ng steps. Kaya naman nagsimula na kami sa practices. Tinuro na nila ito sa class.....

"Okay. Formation muna tayo." -Gab

Pwinesto na nila ang mga magkakapartner sa dapat niling kalagyan. At syempre dahil mabait si Gab , pinaghiwa-hiwalay nya ang 5S.

"Okay ngayong nasa formation na kayo. Ang unang step is you face your partner. Yung kamay ng babae nakahawak sa palda at yung sa lalaki naman nasa likod. Remember you must look your partner in to the eyes." -Gab

Hindi ko alam kung paano ko titingin ng diretso sa mata ni David. It's so----------awkward......

Kaya sa ilong nalang ako tumingin. Pero ang tangos ng ilong nya. Di ko rin kinery kaya sa bibig nalang ako tumingin. Pero ang kissable ng lips nya. Huwaaaaa diko kery! Pababa na ng pababa ang tingin hangang sa above the belt. TAMA NA! Di ko na kaya. Baka kung saan pa mapunta ang mga virgin eyes ko!!!!!

"Ahh, Shane...." -David

"Huh? Ahh? Bakit?" -Ako

"Are you done staring at me?" ;) -David

"Ha? Ahh ehh....." NAKU PO!!!!! Can Earth swallow me now? Nakita nya ko? O_O

Di naman mawala ang mga nakakaloko nyang ngiti.

"Shane, just move closer and look into my eyes." -David

Lumapit ako ng konti sa kanya. Pinilit ko rin na tumingin sa mata nya. Buti nalang kinaya ko.

Tinuro pa namin yung ibang steps. Lumipas narin ang ilang lingo ng preparation. Tapos narin kami.

[Buwan ng Wika]

Nagdasal na kami at Kumanta ng Lupang Hinirang. Nag-opening remarks narin si Mrs. De Guia.

Tinawag na ang section namin at nagperform na kami. Naging successful naman ang performance namin.

Pagkatapos ng performance namin, tinawag na ang ibang section hanggang sa matapos lahat.

"Salamat po sa lahat ng mga magulang na sumoporta ngayong araw. Sana po ay samahan nyo po kami sa iba pang mga aktibidad na magaganap sa buong taon. Salamat at magandang umaga." Sabi ni Mrs. De Guia.

Haaayyyy......... Tapos nanaman ang practices. Pero parang gusto ko pa. Di ko nanaman malalapitan si David. Di ko nanaman sya makaka-usap. En-enjoyin ko muna ang araw na to dahil bukas,

Back to normal nanaman.......

A/N: Salamat po sa lahat ng mga sumusuporta. Sana po mag-vote at mag-comment po kayo. Para matama ko ang mga mali ko.

To Infinity and Beyond [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon