Chapter 2
Ang pagpapatuloy...
Ang nakaraan sa Chapter 1 : pakibasa na lang ulit ang Chapter 1 ^____^
*Luna Moonfang POV
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
Huuuuh?? Sino yun?
Nakita ko si huklubang Kardel na tumatakbo at sumisigaw.
“Oh Kardel, anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya..
“Blood” sagot niya
“Ano? Nafirst blood ka na agad? Wala pa nga tayong limang minute sa laban? Ang weak mo naman!” uyam ko sa kanya
“Hindi.. blood lang, tinagusan kasi ako nakalimutan kong bumili ng napkin, sige ikaw muna bahala dito.” Sabi niya at tumakbo na papunta sa Sentinel town. Sakto namang dumating na ang Chicken Courier ko.
“Master, ipagpaumanhin niyo po kung natagalan ako, muntik nap o kasi akong gawing Chicken Curry ng isang neutral, narito na po ang tatlong divine reaper, isang mask of death, isang green butterfly at isang boots of Speed..” itinransfer niya na ito sa inventory ko.
“Sige, umuwi ka na at pagnafistblood ako, imemake-over kita” sabi ko kaya dali-dali siyang umuwi.
“Ayan ready na kong harapin ang kalaban!!” so lumabas na rin ako. At dahil nasakin ang divine, 1 shot lang sa mga tuod at 2 shots sa leader nila.
“Luna Moonfang...” sigaw ng bungo na mukhang shadow.
“Sino ka?” tanong ko
“Ako si Nevermore!” sagot niya sakin
“Hindi!! Froglet ka! Gwapo daw si nevermore, siya ang aking ex bago ako nagka-amnesia” sabi ko sa kanya
“May amnesia ka aking mahal? Hayaan mong ikiss kita para ibalik ang iyong ala-ala” Yaaak haa...
“Ayoko nga!!” dahil sa inis ko ay pinatamaan ko siya ng Eclipse ko. Malaki ang nabawas sa life niya ngunit hindi pa siya patay kaya ginamit ko sa kanya ang Lucent Beam para i-stun siya. Dahil dun may nagsalita, at nagsabing “FIRSTBLOOD”.
Sinunod kong tirahin ang Tower, dahil nga sa mask of death, ay nananakaw ko ang life ng kalaban kaya hindi ako masiyadong naapektuhan ng atake ng tower.
Ginamitan ko siya ng Isang lucent beam at isang eclipse, Sumabog ang tower at natalo ang mga sundalong tuod ng Scourge. Ang susunod na tower naman ang aming wawasakin ngunit nagpaiwan ako upang hanapin ang aking sarili pagkat naaalala ko na ang lahat.
Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko ang Roshan. Malaki ito at mataas ang level ngunit nakadivine ako kaya naglakas loob akong kalabanin siya.
“Roshan, kailangan ko ang Aegis of immortal” sabi ko sa kanya.
“Ibibigay ko yun sa isang kondisyon..”sabi niya
“ano yun?”
“pataasan tayo ng score sa flappy bird” sabi niya
Natapos namin ang laban
ROSHAN score: 325
Luna Score: 3
At dahil natalo ako, napagpasyahan kong daanin na lang siya sa Santong paspasan kaya Dalawang lucent beam ang ginamit ko upang matalo ang Roshan.
Sa pagkatalo niya ay nadrop niya ang kanyang item. Nag-isip ako kung anong item ang ipapalit ko sa item na iyon, at dahil tatlo ang divine ko idinrop ko yung isa para makuha ang Aegis of immortal.
*Fasforward
Narito na kami sa Scourge town. Nakabalik na rin si Kardel.
“Kardel ikaw na muna ang bahala kay nevermore at Akasha, ako na bahala sa ancient” sabi ko sa kaniya
“Ngunit malakas ang dalawang tower” sabi niya
“nasakin ang aegis of immortal, sige na.. itext mo na din sina Traxex at Alleria para tumulong satin” sabi ko at tumakbo na papuntang Ancient ng Scourge. Napapalibutan iyon ng dalawang tower. Inuna ko ang tower sa left.
Dalawang Lucent beam lang ang nagamit ko at sumabog na yun. Isang Eclipse naman sa right tower. And Now ang Ancient naman ang papasabugin ko...
“Luna, mahal ko..” si Nevermore
“nevermore.. buhay ka!” sabi ko
“Oo mahal ko at hindi ko papayagang gawin mo ang bagay na iyan!” sabi niya
Ginamitan niya ako ng ShadowRaze at malaki ang epekto noon sa aking sistema. Masakit man sa akin ay ginamitan ko siya ng Lucent beam at Eclipse. Hindi na problema sakin ang mana dahil naka-WTF si pinuno.
Madami ang umatake sa akin kaya narampage sila. Huli na nang napansin kong malapit nang mapasabog ng sundalong tuod ang Ancient at hindi ako papaya dahil ako dapat angg bida kaya tinira ko iyon ng isang Eclipse.
-----Blackout------------
“Walastik naman dre, anday----ehh? Babae ka?”
Tanong sa akin nung lalaking nasa likod ng pc na inooccupy ko sa CHeniiiizz computershop,.
“ anong tingin mo sakin lalaki?” sarkastikong sabi ko
“ako nga pala si Mcdo, ikaw?” sabi niya sabay ngiti.. Ang gwapo nung ngiti.
“Jollibee..” sagot ko
“Gusto mo lunch tayo?” sabi niya
“Sure, saan ba?” tanong ko
“Sa .. KFC na lang” sabi niya
“uuhhh Jollibee.. bakit si Luna favourite Hero mo?” tanong niya
“Pangarap ko nga kasing sumakay sa buwan...” sagot ko... Tumawa naman siya.
Simula noon nagging close kami ni Mcdo. Hindi naming inaasahan na magiging kami sa huli. Kaya ito may mga anak na din kami...
Si Chowking , si Maxx at si Mang Inasal...
*The End
Hahaha tinatamad na kasi ako ehh, sorry haa....
(A/N: salamat sa pagsakay sa trip ko haa..love kita.. muahhh)
BINABASA MO ANG
DEFENCE OF THE ANCIENT (Trip Story)
FantasyWala lang talaga akong magawa at bored na bored na kaya natripan ko lang gawin ang kalokohang ito ^____^