01 - The Encounter

176 11 4
                                    

Date Published : May 21, 2014

Time Published : 3:09pm

Multimedia : Tyrone Thomson

External Link : Death Film

01 - The Encounter

[ Ashley's POV ]

'You failed. Next please.' Yan ang kadalasan kong naririnig sa tuwing nag a-audition ako. At ngayong araw, narinig ko na naman yan ng ilang beses. Haaaaay.

"Yes, Pa. Okay naman ako. Sa katunayan, naglalakad na po ako pauwi." Sabi ko sa phone. Kausap ko kasi si Papa, nangangamusta.

"Wala ka bang balak umuwi dito samin ng Mama mo?"

"Eh, Pa. . . Alam nyo naman yang si Mama. Tutol sya sa pag a-audtion ko. Kaya nga ho ako kumuha ng sariling apartment, di ba po?"

"Oo nga pala. Pero anak, pagpasensyahan mo na lang ang Mama mo, ah? Ayaw nya lang namang nakikita kang nare-reject sa mga pinag a-auditionan mo. But remember, she's very proud of you."

Napangiti ako sa sinabi ni Papa. "Alam ko naman ho yun, Pa."

Kanina pa naka-green ng stoplight para sa mga taong tatawid kaya tumawid na ako kasabayan ang ibang tao.

"Mahal na mahal ka namin, anak. Tandaan mo yan."

Habang tumatawid, natanaw ko ang isang misteryosong lalaki na nakasandal sa malaking puno sa kabilang banda ng tawiran na to. Gwapo sya pero ang weird. Bakit ba sya nakatayo lang dun at ako ang tinitingnan?

ASHLEY         |         TAWIRAN         |         WEIRD GUY

"Salamat, Pa. Mahal ko rin ho kayo."

Patuloy ko syang tinitigan habang naglalakad hanggang sa. . .

Biglang huminto ang mga paa ko sa paglalakad!? O______O

Teka. Anong nangyayari sakin? Bakit ako na-stuck sa gitna ng daanan!? 

"Oh, pag may kailangan ka, anak. Sabihin mo lang sa Papa mo, ah?"

Turatos Chains 1: The Resurrected Lover (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon