Date Published: September 01, 2014
Time Published: 7:50pm
Multimedia: Ashley and Tyrone!
08 - Hidden Secrets
[ Ashley's POV ]
Ano to?
Nasan ako?
Nakatulog ba talaga ako??
Bakit parang nasa panaginip ako ng kung sino???
"Nay, wag kayong mag-alala. Mabubuhay pa ko ng matagal." Wika ni. . . Senna!? O_____O
Oh, ba't sya nakahiga sa kama sa ospital?
Bakit sya naka-confine?
Pero bago ang lahat, bakit ako nandito???
Teka.
Nasa panaginip ba ko ni Tyrone?
Ibigsabihin. . . nagamit ng kusa ang powers nya dahil nanghihina sya ngayon at nawawalan ng kontrol?
So yung mga nakikita ko ngayon. . . mga memorya ni Tyrone na ipinapakita sakin through his dreams???
"Sana nga, anak ko. Sana nga. Alam mo namang may pera tayo kaya may kakayahan akong ipaospital ka. Pero tandaan mo, anak. Mahaaal na mahal ka ng inay. Kaya sa oras na mawala ka sa piling ko? Tiyak, sa kangkungan ako pupulutin. Sakitin ka pa man din." Pabirong paalala ng matandang alalang-alala sa kanya.
Teka. Eto yung pulubing parang baliw na nakasalubong namin ni Tyrone! Yung nanay ni Senna!
"Oo nga nay eh. Lagi akong nao-ospital. Buti na nga lang at--" Natigilan si Senna. Pero bakit naririnig ko ang iniisip nya?? 'Buti na nga lang at hindi ako tinuluyan ng Death God na naatasang kumuha sa kaluluwa ko. Buti na lang at inililigtas nya ko paulit-ulit sa tuwing nasa binig na ako ng kamatayan. Thank you, Tyrone. Thank you, my dearest Death God.' Ginawa yun ng asawa ko para sa kanya!?? O___O
"Mahal ka pala talaga ni Tyrone, Senna." Sabi ko sa kanya kahit na alam kong hindi nya ko maririnig dahil isa akong tao mula sa kasalukuyan, habang ang pangyayaring ito ay nangyari sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Turatos Chains 1: The Resurrected Lover (Short Story)
Romantizm"I died once but I lived twice. Not as human but as a death god's lover!?"