Chapter 5:

2 0 0
                                    

Bea's POV

--present--

Mula ng araw na yun, hindi ko na ulit nakakasama si Mike. Kung dati ay sabay pa kami pumapasok, ngayon hindi na. Kung dati ay sabay namin lagi ginagawa ang mga assignments namin, ngayon ay hindi narin.

Mula ng araw ring iyon, nagsimula na kaming mabuhay ng KANYA-KANYA. Hanggang sa lumipas ang mga araw na walang AKO para sa kanya, at walang SIYA para sa akin.

6 na buwan.

6 na buwan para masanay na wala siya sa tabi ko. 6 na buwan para tanggapin na nasira ang pagkakaibigan namin na aabot narin sana ng 6 na taon ng ganun nalang kadali. 6 na taon na kasiyahan kapalit ay 6 na buwang kapighatian.

Sobrang naging lantang gulay ang katawan ko nang lumipas ang 6 na buwan na wala manlang siyang paramdam. Wala na ba siyang pakialam sakin? Ganun narin ba kadali para sa kanya na baliwalain ang ilan taon naming pagiging matalik na magkaibigan?

hayys. Malapit na ang Christmas. So ang ibig sabihin, malapit narin ang birthdays NAMIN.

Oo. Parehas kami ng birthday. Kaya nga naging close kami ehh. And you know what? Our birthdays was on the exact date of Christmas. Yes! December 25 to be exact.

Lagi kami DATI nagse-celebrate ng birthday namin ng sabay. Salitan kami ng venue mula nung grade two. Nung una samin namin ginanap yung celebration. Tapos nung grade three, sa kanila naman. Nung grade four, samin at nung grade 5, sakanila naman ulit.

Ngayon, saamin naman. Pero iba na ang sitwasyon. Pupunta kaya siya? Siguro hindi.

"hayss! Tama na nga Bea! Wag ka na umasa sa isang pangyayari na imposibleng maganap. Wag mo na paasahin ang sarili mo okay ??" sabi ko sa sarili ko.

Pero...

"Argh!!!!!"

bigla akong sumigaw. Siguro dahil naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

"Siguro may problema yung Babae"

"Ano kayang nangyari sa kanya?"

"Kawawa naman siya"

Nagulat ako nung narinig ko yung mga taong nagsalita. Sh*t! Nalimutan nasa park pala ako! Nakakahiya tuloy. Dami nang nakatingin.

"he-he" mahinang ngisi ko ng nakayuko. Haha minsan talaga pag problemado ka di mo napapansin ang mga nasa paligid mo.

--December 23--

2 days nalang birthday na namin. Pero wala parin siyang paramdam. wala na ata siyang balak ehh. Tss

Bukas na ang uwi ni mommy. Dapat masaya ako ehh, kasi di lang si yaya Lot ang kasama ko sa birthday ko kundi pati ang mommy ko na uuwi pa galing sa America. Pero wala ang pangalawang tao na pinakamahalaga sakin (syempre si mommy ang una^__^). Si Mike.

Mabilis lumipas ang mga oras. Gabi na pala nung tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Gutom nako kaya bumaba nako para magpahanda ng pagkain.

Pababa na ako ng hagdan ng narinig kong may kabulungan si yaya Lot (siya yung yaya ko mula nung bago umalis si mama para magtrabaho sa ibang bansa).

Sino kayang kausap ni yaya Lot? Hindi ko naman sila maintindihan kasi masyado silang mahina magsalita na parang may tinatago.

Bumaba na ako ng tuluyan. Dumiretcho ako sa salas para tignan kung sino kausap niya pero wala sila roon. Marahil nasa kusina siya.

"Alam mo ma'am, sobrang nagbago si Bea. Di man niya sinasabi ang problema niya, alam kong meron."

Dinig kong sabi ni yaya Lot.

Badly Inlove with my Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon