Bea's POV
Malapit na kami sa school. Halos 30 mins din ang byahe mula samin hanggang school pag nakakotse.
Araw-araw mula pa nung grade 1 kami ganito na ang routine namin ni Mike. Susunduin niya ako sa bahay bago pumasok sa school. Sabay kumakain, sabay gumagawa ng assignments, at sabay naglalaro. sabi ng ni tita Polly, mommy niya, kulang nalang nga daw pati pagligo sabay pa kami ehh. haha
At nasa school na nga kami. First day of school kaya wala pang masyadong ginagawa. Same level kami ni Mike pero mas matanda siya sakin ng Isang taon.
Dumaan ang isang linggo. Kaming dalawa lang ang laging magkausap ng best friend ko. Hanggang isang araw habang kunakain sa cafeteria may lumapit saaming babae.
Maganda siya. Maputi. Matangos ang ilong. Maganda rin ang hubog ng katawan niya.
ehh ako? maganda rin naman ako ahh. Matangos din ang ilong ko. Maputi din ako. Sexy rin. Mahaba rin ang buhok ko. Pero nakasalamin ako.
teka, ehh Bakit ko nga ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya ?? hayy Ewan.
"Hi there!"--the girl
"Hello @_@"-- Mike
bat kaya kung makatitig 'tong Si mike sobra sobra??
-____-x <-- ako
"you are Angelo right?"--the girl
"yes. and you?" -- mike
sige mike tulala pa. HELLO!! nandito po ako..
"Yvette Soriano dear. Please excuse us. I just want to talk to him"
And they left me. Eto ba talaga ang kapalaran ko? laging iniiwanan??
nakita ko pa siyang tumingin sakin at nag thumbs up na parang sinasabing "PANALO!!"
TSS
Ano kayang paguusapan ng dalawang yun ?? hayss
Mike's POV
Hi! I'm Michael Angelo Park. I'm half Chinese half Pilipino. Maputi, matangos ilong, matangkad, matikas ang katawan, at ang asset ko sa lahat CHINITO :)) hahaha
Since grade 1 best friend ko na yang si Bea. Sa totoo lang mula noon hanggang ngayon crush ko yan.
Pero nahihiya akong sabihin or rather NATATAKOT akong sabihin sa kanya. Kasi baka mamaya niyan masira friendship namin dahil lang sa childish feelings ko for her.
I find it childish kasi bata pa kami noon nung nagsimula yun. Pero ang status ng naratamdaman ko para sakanya ngayon??
I don't know.
Hindi ko na talaga alam pero habang tumatagal hindi nalang crush ang Meron ako para sa kanya.
One morning, habang kumakain kami sa cafeteria, may lumapit sa aming isang anghel.
ahh! Mali! Isa palang babaeng mukhang anghel.
Ang ganda ganda niya sobra! Dream girl kung maituturing.
"Hi there!"--the angel in front of us
"Hello @_@" ako yan. Grabe talaga nakakatulala siya.
"you are Angelo right?"
oh the angelous voice stated my name right?? OH MY GOD! I'm gonna melt!!
"yes. and you?"
nakatitig parin ako sa kanya.
"Yvette Soriano dear. Please excuse us. I just want to talk to him"
hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Napatayo naman ako at bago tuluyang makalayo ay tumingin muna ako kay Bea at nag thumbs up. Ang nasa isip ko nun ay "okay lang" kasi ayaw nun ng nakikita akong nasasaktan ng pisikal ng ibang tao.
huminto kami sa may roof top ng building namin. Umupo siya sa mahabang kahoy na nakatumba at tumingin sa malayo. Tumingin naman ako sa kanya.
Mukha siyang malungkot. Ano kayang problema niya ??
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit alam ko ang pangalan mo??"
bungad na tanong niya.
"Well I'm the only son of the owners of this academy so everybody knows me. Kaya di nako nagtataka kung kilala mo ako." halos lahat naman kasi talaga kilala ako. Minsan nga naiinis na ako kasi bigla bigla nalang may kumakausap sakin na Hindi ko naman kilala.
"Ang pinagtataka ko ay kung bakit tayo nandito sa lugar na 'to. May sasabihin ka ba ??" patuloy ko.
"You still have no idea huh?" sabi niya
"Idea?? idea saan??" tanong ko
"I think you must know from your parents."
"Look miss Yvette. You drag me here and left my best friend in cafeteria having no idea what's the matter between us. Now if you don't have any business with me then excuse me."
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Bago ako tuluyang umalis ng roof top bigla siyang sumigaw.
"WE'LL BE ENGAGED ON THE DAY I REACH 18! AND THAT'S 7 YEARS FROM NOW!!"
I faced her.
"You know what? I think you should stop DREAMING because youre pretty yet quite a little CRAZY!"
Diin kong sinabi ang 'dreaming' pero mas pinagdikdikan ko ang 'crazy'.
Pagkatapos nun ay tumakbo na ako papuntang cafeteria upang balikan si Bea. Pero pagdating ko doon, wala na siya.
Napansin ko namang wala narin palang mga istudyante. Time na pala. Sh*t! Nalate ako dahil sa babaeng yun.
//
VOTE. COMMENT. LIKE
GOD BLESS ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/16654589-288-k919875.jpg)
BINABASA MO ANG
Badly Inlove with my Best friend
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa 2 magkababatang lumaki ng magkasama sa lahat ng oras at nagdadamayan sa lahat ng problema. Pero paano kung umamin ang isa sa kanila na may gusto siya sa kaibigan niya? Tatanggapin kaya siya? o tatanggihan para mas tu...