hayy. sorry ngayon lang nakapag UD. medyo naging busy kasi ako kasi nagkaroon kami ng party. by the way, bawi ako ng UD sa June 9. Yup! June 9 na po ang susunod kong update dahil walang supply ng WiFi ngayon sa bahay. Sa pasukan nalang para sa school nalang ako makikiconnect. haha
short UD muna. Pasensya na kung chacharat ang kwento. gaganda rin to tiwala lang :))
-----
Bea's POV
--December 25--
"Bea! Sorry na! Miss na miss na kita!! Patawarin mo na ako please??"
Kanina pa niya ako hinahabol. Kanina parin ako tumatakbo.
Humihingi siya ng tawad pero di ko alam kung papatawarin ko siya. Masyado akong nasaktan. Kaibigan niya ako pero nung panahon na dapat karamay niya ako ay siya namang araw na pinagtabuyan niya ako.
"Beatrisse PLEASE!!"
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako na siya namang dahilan para mapaharap ako sakanya. Muntikan pa akong matumba sa katawan niya nang hilain niya ako buti nalang at naitukod ko agad ang kaliwang paa ko sa unahan ng aking katawan.
"Bakit? Akala ko ba hindi lahat ng pagkakataon pwede kong panghimasukan sa buhay mo?"
"Ahmm, Bea naman. Nadala lang ako ng emosyon ko. Forgive me, please" nangigilid na ang luha niya
"Nadala? ha-ha! Galing naman. Ganun pala pag nadadala ng emosyon no? Tinataboy pati kaibigan. Binabalewala ang matatag na samahan."
"Alam ko nagkamali ako. Kaya nga eto ako oh. Nagsosorry sayo. Hindi ko kayang mawala ka sakin Bea."
"Kung alam mong nagkamali ka, bakit ngayon ka lang nagpakita para humingi ng tawad?"
"May inasikaso lang ako."
"Ehh bakit hindi mo ako kayang mawala?"
"D-dahil... D-dahil..."
"DAHIL ANO??!!" napasigaw na ako
"DAHIL MAHAL KITA BEA! MAHAL KITA! At ayaw ko nang itaboy ka palayo sakin" nakatingin siya sa aking paanan. Hinihintay kong tumingin siya sa mga mata ko pero hindi niya magawa. Marahil dahil sa hiya.
Natigil ako at nagulat. Biglang may tumulo sa aking pisngi. Nasasaktan ako, pero alam ko eto ang gusto ko. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko akalain na sakanya rin manggagaling ang mga katagang iyon. Sobrang saya ko.
"A-anong sabi mo??"
"Sabi ko mahal kita. Ako ba? Mahal mo rin ako hindi ba?
"ahhm... Oo Mike. Mahal rin kita. SOBRA SOBRA!!" umiiyak narin ako.
Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Diniin ko ang mga braso ko sa likod niya bilang hudyat sa kanya para yakapin ako ng maigi.
Unti-unti siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Nagkatitigan kami ng mata sa mata. Hinalikan niya ang noo ko, bumaba sa ilong ko, tapos sa kanan kong pisngi at sinunod naman niya ang kaliwa kong pisngi, tapos sa ilong ulit. Tinitigan niyang muli ang mga mata ko. He touches my lips using his thumb. By this time, I feel like we're floating in clouds. Again, he looks in my eyes like he was trying to seduce me.
And finally!
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Badly Inlove with my Best friend
Novela JuvenilAng storyang ito ay tungkol sa 2 magkababatang lumaki ng magkasama sa lahat ng oras at nagdadamayan sa lahat ng problema. Pero paano kung umamin ang isa sa kanila na may gusto siya sa kaibigan niya? Tatanggapin kaya siya? o tatanggihan para mas tu...