-DJ's POV-
"Mr. Padilla. First day na first day nandito ka sa office ko?" Sabi ng principal namin.
I just sighed in my seat.
I've been through this a thousand times before.
Ito na yata ang routine ko.
Since first year pa lang kasi ako, I've been a rule breaker.
Siguro na violate ko na ang lahat ng rules sa rule book namin.
But, they can't do anything about it.
They can't expel me 'cause I'm a potential to the school's basketball team.
Tbh, ako nga yung Captain eh.
"I'm sick and tired of this! Everyday na yata kita nakikita dito sa office ko. Next time you are sent to the prinicipal's office, dun ka dumiretso sa Council Office. Ang Council President na ang bahala sa'yo. Sige, you are dismissed." Bakla ba tong principal namin? Makaspeech parang OA. Pasalamat nga siya araw araw niya makikita ang kagwapuhan ko. Maraming babae ang maaga pang tumatambay sa labas ng kwarto ng section ko para lang makita ang mukha ko.
Dirediretso akong tumayo at lumabas sa Principal's Office.
Paglabas ko, dun ko naman nakita ang magaling kong bespren.
"Uy, DJ. Kamusta ang heart to heart talk niyo ni principal?" Makulit na tanong ni James.
"Boring as usual. By the way, kilala mo ba kung sino ang Council President?"
"Hindi. But I'm sure she's not one of us. Bakit ba?" Sabi niya sabay wink sa mga girls.
"Eh, sabi kasi ng principal sa susunod, dun na lang ako dumiretso instead sa kanya. Sawang sawa na daw siya sa gwapong pagmumukha ko." Biro ko naman.
"Paano hindi magsasawa yun, eh naging consistent visitor ka niya for 3 consecutive years." Tumawa naman kami dun.
We passed by the canteen at dumiretso na din sa GYM.
May basketball practice pa kasi kami eh.
"Hoy, Padilla, Reid! Hindi dahil Captain at Vice Cap kayo, ay pwede na kayong pa late late ha? Saan kayo galing?" Nagbibirong tanong ni Coach.
"Coach, kasi itong si DJ, nag violate naman ng rules. Eh, dahil supportive and caring bestfriend ako, hinintay ko siya."
"Coach, eh kasalanan ko bang hindi ko alam na bawal pala magdala ng softdrinks dito sa school?" Sa totoo nyan, alam ko naman talaga eh. Pasaway lang talaga ako.
"Sus. Sige na, 150 laps."
Agad naman kaming sumunod.
Our practice lasted for an hour.
Finally, natapos na din.
*****
"DJ, I make hintay for you alam mo yun?" Pangungulit ni Liza.
Hay naku.
Eto na naman kami.
"Ah. Eh, bakit nga ba? Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Ikaw." Nakangiti niyang sagot.
"Liza." Sabi ko nang seryoso.
"Eh kasi, maybe I can make sabay with you pauwi?"
Ewan ko sa babaeng ito kung bakit desperado siyang makasakay sa sasakyan ko.
Eh, meron naman siya nyan eh.
"Sorry Liza ha. But may kasabay ako pauwi eh. No more room for others."
Liar.
Hindi kasi ako basta bastang nagpapasakay ng girls.
Boys, palagi.
But girls, wala pa.
Tumingin ako kay James na kinukulit naman ni Julia.
Hay. Kawawang bata.
"James! Halika ka na." Sigaw ko sa kanya.
Nag goodbye ako saglit kay Liza at sabay namin ni James tinakbuhan ang dalawa.
"Argh. Nakakastress na talaga ang dalwang 'yon." Sabi ni James.
I just nodded my head.
Makulit naman talaga ang dalawang yun eh.
Since 1st year pa.
"Oh, pare, sabay ka na saken?" Tanong ko.
"Oo pre, teka lang. Text ko lang si Manong Sandy na mauna na dun sa bahay."
Tumigil kami para makapagtext siya, actually nag call din siya eh.
Lumayo siya ng saglit for privacy.
Tong lokong to oh.
"Shocks. Bes, dito ko talaga last nakita ang I.D. ko." Narinig ko ang isang boses.
Hinanap ko kung saan galing pero bago pa ako makatingin sa likod ay may bumangga sa akin.
"Aray!" Sigaw niya. "Sorry. Sorry talaga." Pahabol niya pa.
Actually, di ko makita ang itsura niya kasi busy siya sa paghahanap ng I.D.
"Yan kasi, di ka tumitingin sa dinadaan mo." Sabi ko ng pabulong.
"Sungit." Sagot niya.
Grabe.
Makapagsabi ng sungit.
Sasagutin ko na siya sana nung may isang babaeng sumigaw sa kanya.
"Bes! Baka andun sa cafeteria, diba kumain tayo dun before tayo pumunta dito?" Nagmadali namang umalis ang dalawa.
That's when I saw it.
Napangiti ako.
Sungit pala ha?
Tingan natin kung anong masasabi niya kapag malaman niyang nandito ang I.D. niya sakin.
Yan kasi, di naghahanap ng maayos.
Tiningnan ko ang I.D. picture niya.
Tss. Panget.
May eyeglasses.
What a nerd.
Agad ko namang tiningnan ang name.
Kathryn C. Bernardo
Inilagay ko ang I.D. niya sa pocket ko.
Bahala na siya sa buhay niya.
"Uy, pare, nandyan ka pa ba?" Tanong ni James.
"Hindi pare. Imagination mo lang to. Multo ako noh." I said sarcastically.
"Eh, kasi naman pare, parang kanina ka pa diyan tulala ah."
"Tss. Tara na nga." Time to go home.
____________________
Hi guys! Sorry po kung walang masyadong action sa first chapter. Intro pa lang po kasi ito. Hope you keep reading. Salamat!

BINABASA MO ANG
Once Upon A Wish
HumorDaniel John Ford Padilla. Gwapo, bad boy, sikat, mayaman. Kathryn Chandria Bernardo. Nerdy, good girl, a nobody, normal. What happens when these two collide? Isang explosion na maglalagay ng Big Bang Theory sa kahihiyan? O isang super kilig love sto...