Hi po sa inyong lahat! ^_^ Finally, natapos na din ang mga FRUSTRATING exams namin. WALA NG STRESS!!! At dahil diyan, eto po. Mag-uupdate ako! Yahoo! Umm, magso-sorry muna ako dahil matagal akong hindi nakapag-update so... (sabay sabay tayo) SORRY PO! Okay? Okay.
____________________
-Kath's POV-
"Uh-- Dad."
"Ginabi ka ata ah." Sabi niya sabay tingin kay DJ.
"Good evening po." Sabi ni DJ. Tumango lang si dad.
"Bakit ginabi ka?"
"Ang dami ko pa po kasing tinapos sa school."
"Eh bakit hindi mo kasama si Nadine?"
"Wala naman po siyang tinapos."
"Eh bakit siya walang tinapos at ikaw meron?"
"Hindi naman siya Council member."
"Eh bakit iba yung kasama mo?"
"Timing lang kasi nasa school siya."
"Bakit nasa school siya sa ganitong oras?"
"Basketball player po siya."
"Eh bakit kasama mo siya?"
"Akala kasi ng driver nila na may practice pa siya kaya mamaya-maya pa siya i-susundo."
"Eh bakit nakasakay ka sa kanya?"
"Antok na antok na po kasi ako at pagod. Muntik na nga po akong mahiga sa kalsada eh. Baka hindi nga po ako nakaabot sa bahay."
"Eh bakit ka pagod?"
"Kasi nga po marami pa po akong ginawa."
"Eh bakit si Nadine hindi mo kasama?"
"Kasi wala nga, wala naman po siyang tinapos."
"Eh bakit--?"
"Dad. Paulit-ulit lang naman 'tong convo natin eh."
"Ah. Okay. Nice to meet you, hijo." Ngumiti siya kay DJ na parang magkaibigan lang ang peg.
Grabeh. Mas bipolar pa pala si Dad kesa sa akin?
"Nice meeting you din Sir."
"Tito nalang."
Aba? Tito?
Kelan ba si Dad nagpatawag ng tito, aber?
Eh, halos lahat ng lalaking napakilala ko sa kanya, ay SIR ang pinapatawag.
As if maraming lalaki ang napapakilala ko.
All of the guys he met were here for school works.
Si DJ ang first na dumating dito na ang pakay ay hindi related sa school kundi na ihatid ako pauwi.
"Sige po, tito. Una na po ako ha?"
"Akala ko mamaya ka pa susunduin. Halika, mag juice ka muna." Alok ni Dad.
"Dad." Sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Hijo, I won't accept 'no' for an answer." Deadma sakin si Dad.
"Uh. Sige po, tito." At inakbayan pa talaga ni Dad si DJ.
Hala. Anong nakain 'nun?
At teka, si Daniel? Papasok sa bahay?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Wish
HumorDaniel John Ford Padilla. Gwapo, bad boy, sikat, mayaman. Kathryn Chandria Bernardo. Nerdy, good girl, a nobody, normal. What happens when these two collide? Isang explosion na maglalagay ng Big Bang Theory sa kahihiyan? O isang super kilig love sto...
