Kaya pumunta na si JB sa photoshoot at nabigla suya kung sino ang makapartner niya sa photoshoot...
Si Takahiro Moriuchi ba naman. Ang vocalist ng "One Ok Rock". Kilala si Takahiro bilang Taka. Avid fan si JB sa One Ok Rock.
(P.S. Sa hindi nakakaalam sa One Ok Rock. Ang pic nila ay nasa itaas. Ang lalaki na may pahid sa thumb sa lip pose;ay si Taka. Ang gwapo nga eh 😍❤)
Sa ka over excite niya ay napatakbo siya patungo ni Taka at sumigaw ng pakilig.
Sa ginawa niyang iyun ay nabigla si Taka. Kung babasahin mo ang mukha ni Taka ay para bang sinsasabi nito na may baliw na babae sa harapan niya.
"TAKA!!!!! WAAAAAAH!" Sigaw ni JB sabay yakap kay Taka. Hindi lang yakap ah. May pasimpleng singhot ng pabango ni Taka.
"Woah. Okay" Parang natatawang sambit ni Taka. Sanay na sanay na si Taka sa mga fans kung gaganitohin sya. Ang nakakabigla lang ay may nakakaalam pala sa kaniya dito sa agency.
"TAKA!!! OMFG. This is so surreal!!" Sigaw ni JB na nakayakap parin kay Taka.
"JB!. Oi JB! Tigilan mo ang special guest natin! " Sigaw ng manager niya.
"Manager! Sya ba maging kapartner ko sa photoshoot?!! OMG talaga!!!" Tili ni JB.
Excited na excited si JB sa magiging kapartner niya. Dati napapanood niya lang ito sa t.v. at sa mga screen lang,ngayon ay nakasama niya na.
Pero nanlumo siya nung sinabi ng manager niya na hindi si Taka ang magiging kapartner niya sa photoshoot.
Parang bumagsak ang langit at lupa. Nanlumo talaga siya nun.
Kaya pinapasok ni manager ang TUNAY na kapartner niya sa photoshoot.
Pumasok ang matangkad,maputi at gwapo na lalaki. May messy hair ito at nakasuot ng kaparehas na suot niya.
Mas lalo siyang nanlumo nung nakita niya sa mga mata niya ang tunay na ebidensya. Sila nga ang mag-photoshoot together.
Napasimangot nalang siya.Gustong-gusto niya talaga makapartner sa photoshoot si Taka my labs niya.
Pero wala talaga siyang magawa dahil guest lang pala si Taka at magsisimula na ang photoshoot nila.
Pero bago iyun pinaretouch sila ng konti. Kaya may konting chance sila JB at partner niya na magpakilala.
Pero walang nag imikan sa kanila. Dahil na siguro sa kapikonan niya at sa panlumo niya na hindi si Taka ang kapartner niya.
Ang tanging maririnig lang sa room ay mga utos ng manager sa setup ng set nila sa photoshoot,mga beki na nagchismisan at iba pa;pero walang maririnig na bigkas sa kanilang dalawa.
Hanggang sa matapos ang retouch nila at tinawag sila ni manager.
Pumunta sila sa set na sa harap ng camera kaya nag umpisa ng nag utos si manager.
"Okay guys. Sa cover ng mag ngayon gusto ko may chemistry sa inyu. Kasi valentines is fast approaching and couples are an item this year. Kaya mas mabuti ng magpakilala muna kayo para sa pag take ng pics ay at least man lang nagkakilala kayo sa pangalan niyo. That's a start right? So go. I'll give you 5 minutes to get to know each other." Sabi ni manager Rico at umalis saglit dahil may tumawag sa kanya.
Aangal pa sana si JB pero nawala na si manager.
As before, wala paring imikan ang dalawa.
Until....
"Ganyan ka ba talaga palagi?" Biglang tanong ng kapartner niya.
Nabigla si JB sa pagsalita nito bigla. Pero napahanga siya bigla sa boses nito.
YOU ARE READING
Take The Picture
Teen Fiction"My friend was pushing me to take a picture with him. Well he is undeniably handsome but I am not that head over heels with this guy" she thought to herself. Meet Jeyen Beat Alopre a.k.a. JB. A boyish girl who brings around spice powder/chili flak...