Pagkatapos magtanong ni JB kung ano ang proposal sa tita niya...Ngumisi ito nang napakalaki.
" May kutob ako Yeng na makakatulong ito sa iyo. Parang magaganahan ka sa business proposal ko" sabi ng tita ni JB.
" Eh ano nga po? Hindi ko pa nga nalalaman eh parang kinakabahan na'ko." Sabi ni JB ng pabiro.
" Promise mo muna Yeng na hindi ka mabibigla sa sasabihin ko." Sabi ng tita niya.
" Ang childish. Oo na! Sabihin mo na at pinapatay na ko ng kuryusidad ko!" Sabi ni JB na halong kutiting na inis.
" Um ano.Gusto ko sanang iarrange marriage-" sabi ng tita niya na pinutol sa pagkagulat ni JB.
"ARRANGE MARRIAGE!???" Napasigaw si JB sa pagkagulat.
"Sabing wag magulat eh." Sabi ng tita niya.
"Nababaliw ka na ba Tita? Gusto nyo ba akong mawala sa buhay mo at sinet-up mo ko sa churva na yan? Gusto niyo lang ba akong ipamigay sa hindi niyo gaanong kilalang tao? Tita,may mga pangarap pa po ako. Marami pa po akong gustong gawin at puntahan. Bata pa ako! Sana sinabi nyo ng maaga para hinanda ko ang sarili ko sa katotohan. Grabe naman kayo tita." Sabi ni JB na para bang paiyak.
Nakapoker face ang tita ni JB "Tapos ka na ba Yeng?" Sabi nito habang naka cross armed.
Nagtikom bibig nalang si Yeng dahil alam niyang walang silbi ang drama na ginawa niya.
"Yeng. Diyos ko po, 20 years old ka na. Graduate of Fine arts and Architecture ka. Pinabayaan kitang mag-aral na naman ngayon ng HRM. Ayoko lang naman na ikaw ay magiging miserable. Alam kong dinaan mo lang sa pag-aaral ang pagka HB mo sa past Boyfie mo,gusto ko lang naman na maging masaya ka. Bilang pamilya,tita at second mom mo." Sabi ng tita niya sabay hawak nito sa kamay niya. Makikita talaga ang pag-alala sa mukha at mas lalo na sa mga mata nito.
Hindi umimik si JB at nagtikom bibig. Inalala niya ang masakit na nakaraan nila ni Michael,ang ex niya.
Ayaw niya ang mabanggit ang pangalan nito dahil hindi pa siya nakalimot sa poot at sakit na ibinigay nito sa kaniya noon.
"Yeng. Alam kong natatakot ka na magmahal at masaktan ulit,pero what harm could be done if you didn't try?" Sabi ng tita niya.
Habang sinabi iyun ng tita niya. Nag isip siya kung tatanggapin niya ang offer nito o hindi.
Ayaw niya namang maging miserable habang buhay.
Gusto niyang sumaya at maging masaya sa piling ng isang lalaki.
" Napagdesisyunan ko tutal na mag isip muna. Ayaw kong mag madali sa desisyun ko. Sana naintindihan niyo po." Sabi ni JB.
" Naintindihan kita Yeng. Pag-isipan mo ng maayos ah? Anak na ang turing ko sayo at ayaw kong masaktan ka lang habang buhay. Lalaki lang yan Yeng,marami pang mabingwit sa sandamakmak na lalaki. Maganda,masipag,matalino at mabait kang bata. Alam kong may nakalaan diyan sa iyo" Sabi ng tita niya at hinalikan siya sa noo.
" Tita,para akong mamatay dyan ah. Kinakabahan ako sa inyo ah." Sabi niya habang siya ay nag-iisa. Nag isip siya kung tatanggapin ba nya o hindi.
" Alam kong dinadaan mo lang sa biro ang sitwasyon mo ngayon. Yeng,pag isipan mo ah?" Sabi ng tita niya at umakyat na itaas para matulog.
Habang siya ay nag-iisa,pinag-isipan niya ng maayos kung ano ang desisyon na gagawin.
Pagkalaan ng mga limang minutos,tinanaw niya ang orasan at lagpas alas'diyes na pala,kaya umakyat na si JB at pumunta sa room niya.
Pagkapasok niya sa room niya,dretsong humiga siya at nag-isip isip.
*Nakakapressure naman ang sinabi ni Tita Rosa. Kung papayag ako sa prposal ni tita,hindi naman alam ang lalaki na pinagkasundo sa akin. Baka mapano pako,I trust naman tita.
Pero...ayaw ko pa talaga ma involve sa love love na yan. Masakit pa ang ginawa ni Michael noon.
Takot pakong mag meet ng ibang lalaki.
Pero,kung sasaya bako sa proposal nato...mas okay nga. Mas madali akong makalimot kay Michel Gago na yun.
Pero...
Ay bahala na si batman,mamatay man si superman!*
Kaya agad bumangon si JB sa kama niya at kumaripas patungo sa isang kuwarto.
Pagkarating niya sa room na yun agad niya pinihit ang knob at agad pumasok,kasabay sa pagpasok niya ay pagsigaw niya ng "TITA ROSA!"
Sa pagsigaw ni JB ay agad napabangon ang tita niya na naka face mask na may cucumber pa sa mga mata at curlers sa buhok nito.
" Yeng?! Bakit? May nangyari ba?" Sabi ng tita niya na may halong pag-alala. Sabay nito ang pagkahulog ng mga cucumber sa mga mata niya kaya ang facemask nalang ang natira.
" Ha? Wala tita. Look,I'll get straight to the point. Papayag nako sa prposal niyo." Sabi ni JB na may seryosong tono.
"Talaga Yeng? OMO! you made me proud." Sabi ng tita niya na may malaking ngisi sa mukha kaya sanhi nito ang pagkabreak ng facemask niya na yari sa cream.
" Pero may kondisyon ako. Kung hindi ko type ang inarrange marriage mo sa akin. The arranged marriage would be cancelled." Reasonableng sabi ni JB.
"That's fair enough. Pero Yeng,may kondisyon din ako. Kailangan mo muna syang kilalalin at least give 1 week, siguro mga 2-4 dates na yan tapos kung hindi mo talaga type ang lalaki,pwede kang umayaw.Okay?" Sabi ng tita niya sabay hawak sa kamay niya.
" Okay po. Basta,a deal is a deal ha?" Sabi ni JB.
Nag nod lang tita niya at umalis na si Yeng para matulog.
*Tama siguro tong ginagawa ko diba? Ikabubuti naman tong Yeng diba?Para naman ito sa kasiyahan niya. Gusto kong maging masaya siya.* sabi niya sa utak ng tita ni JB.
Tomorrow is a new beginning kaya natulog na si Rosa hoping na tama ang desisyon niya para kay Yeng.
Malalim man iniisip niya ay pinilit niyang matulog at isinabukas nalang ang ibang bagay.
Malalim ang gabi at pagod ang mga tao at oras na rin sigurong ipikit na ang mga mata at kalimutan ang nagawang, pagkakamali?
Hindi parin maalis sa isipan ni Rosa ang pagkakamaali na nagawa niya noon at alam niyang mabubunyag at mabubunyag rin ito at di magtatagal,malalaman din ni JB ang lahat na katotohanan.
Ayaw man sana ni Rosa na malaman ni JB ang lahat,pero wala ng makakapigil sa tadhana kung iyun ay itinadhana man.
Kayaa tuluyon siyang dinalaw ng antok at natulog na.
Tomorrow is another day...
YOU ARE READING
Take The Picture
Teen Fiction"My friend was pushing me to take a picture with him. Well he is undeniably handsome but I am not that head over heels with this guy" she thought to herself. Meet Jeyen Beat Alopre a.k.a. JB. A boyish girl who brings around spice powder/chili flak...
