Chapter 2

8.1K 159 3
                                    

__________


_____

"ANAK come here." tawag ko sa anak ko. Lumapit naman ito sakin. Natawa ako dahil nakabusangot ang mukha nito.

"Mukhang malaki ang problema ng anak ko ah?" sabi ko habang binubotones ang uniform nya.

"Mom sabi mo babalikan tayo ni dad? But where is he now?"

Napatigil ang ako sinabi ng anak ko. Umaasa kasi siyang makikita niya ang tatay niya. Katulad ko, Hinihintay ko parin ang pagdating niya. Hinihintay ko pa rin siya kahit walang kasiguraduhan na magpakita siya.

"Anak sabi ko naman sayo ehh. May importanteng ginagawa lang ang dad mo. Kaya wala dapat tayong gawin. Kundi ang maghintay."



Sa totoo lang paulit ulit ko na yang sinasabi sakanya. Pero ang kulit niya talaga ehh. Kaya paulit ulit ko rin siyang sinasagot ng ganyan.



"Mom kamukha ko ba si dad?" sabi nya habang nakangisi.

Hindi ko alam

"Oo anak. Gwapo sya katulad mo." nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos ko siyang bihisan ay umalis na kami patungo sa eskwelahan.




Kahit hindi ko naman talaga alam kung anong itsura ng tatay niya. Wala talaga akong ideya ehh.



Pagkatapos ko siyang ihatid sa eskwelahan. Pupunta na sanang akong kwarto para sana umidlip ng may kumatok mula sa pinto.




Si Felix lang pala. Kaibigan ko siya. Siya ang tumutulong saming mag-ina ngayon.



Nahihiya na nga ko sa kanya ehh. Dahil tinutulungan niya parin kami hanggang ngayon. Gusto ko na nga rin magtrabaho para hindi naman hindi kami palamunin sa kanya. Pero sabi niya kaya naman daw nya.




"Kumain kana?" sabay pa talaga kaming nagtanong. Kaya napatawa kami parehas.


"Mamaya na ko kakain. Ikaw kumain kana ba?" tanong nya

"Oo kumain na kami ni Justine. Teka! Ipaghahanda kita!" akmang pupunta na kong kusina ng pigilan niya ako.


"Ahh hindi na. Salamat na lang." sabi nya at ngumiti.


"Ang kulit mo talaga! Alam mo, umupo ka na lang dyan. Alam kong pagod ka sa trabaho. At gutom ka na. Kaya hintayin mo ko dahil ipaghahanda kita ng pagkain." magsasalita pa sana sya ng nilagpasan ko na sya at pinaghanda ng pagkain.


Malaki ang utang na loob ko sakanya. Kaya labis labis na lang pasasalamat ko sakanya. Kung wala sya, hindi ko na alam kung saan kami pupulutin ngayon.

***


"MAY lead na po kame kung saan nakatira si Ms. Joan" Sabi ng tauhan Kong inutusan ko upang hanapin si joan

Napakunot ang kanyang noo sa nalaman. Excited na excited na siyang makita ito.

"Siguradong hindi nanaman kayo papalpak dyan. Dahil humanda kayo sakin pag pumalpak nanaman kayo." wika nito sa malamig na emosyon.

"Y-yes Mr. Ramirez Siguradong sigurado na kami." kinakabahang saad sa kabilang linya

Hindi na ito sumagot pa at agad agad kinuha ang susi ng sasakyan saka umalis papuntang parking lot.


***



Pregnant by Mr. Unknown(part 1)Where stories live. Discover now