Chapter 5

7.8K 129 1
                                    


______________________________________
*Flashback

Isang waitress sa isang restaurant si Joan.






Mahirap lamang sya. Wala na syang mga magulang. Dahil namatay na sila, lumubog  barkong sinasakyan nila noon.






Nasa sinapupunan palang sya ng kanyang ina. Nang mangyari ang trahedyang yan.





Kaya napunta sya sa lola nya. Ngunit 15 years old pa lang ito ng mamatay ang kanyang lola. Hindi nya na nagpatuloy ang pag-aaral. Hanggang highschool lamang.







Kaya binuhos na lang nya ang sarili sa pagtatrabaho para sya ay mabuhay.







May mga oras na nagkakamali sa trabaho si Joan. Nakakabasag din sya ng pinggan.






"Ano ka ba naman Joan? Simple na nga lang ang trabahong pinapagawa sayo. Pumapalpak ka pa!? Anong katangahan ba ang meron ka!?"






"Pasensya na. Sorry po." paulit ulit na paghihingi nya ng tawad at yumuko.




"Kahit kailan talaga! Ang tanga tanga mo!!" muli nitong sigaw sakanya





Kasabay nito ang pagbisita ni Sean sa restaurant.





Nakarinig sya ng ingay kaya hinanap nya kung saan sa paligid.




Nakita nyang may pinapagalitan ang manager nila na isang babae.






Hindi nya kilala ang babae.
Ngunit sa hindi inaasahang pagyayari. Bumilis ang pintig ng puso nya.






Napatitig sya sa ganda nito. Hindi lang sa ganda. Pati sa maputi ang makinis na kanyang balat.






"What happened? Bakit mo sya pinapagalitan? You heard it. Paulit ulit na syang nagso sorry." sabi ng kakalapit na si Sean.

"S-sir k-kasi po---"

"Your fired." malamig na wika nito sakanilang manager





Gulat na gulat naman napatingin sakanya si Joan.



"S-sir, p-pasensya na po talaga. H-hindi na po mauulit. B-basta huwag nyo lang po kong ipatanggal sa trabaho."



"I said your fired! Kunin mo na ang mga gamit mo!"



Wala itong nagawa kundi ang magmadaling umalis.



Nang makaalis ito. Silang dalawa na lang ang natitira.


"Are you okay?" tanong ni Sean sakanya


Hindi nya ito napansin. Naaawa sya sa kanilang manager. Dahil napaalis ito sa trabaho dahil sakanya. Parang sinisisi nya ang sarili.



"S-sir bakit nyo naman po yun ginawa? Kasalanan ko naman po ehh. Ako po ang may kagagawan kung bat nya ko nasigawan."


Napakunot ng noo ang binata. Napakabuti din pala ng kanyang loob.


"Ganun ba ms. Joan? Okay... makakaalis kana rin" wika nito at ngumisi. Akmang tatalikuran sya nito ng hawakan nya ang braso ng binata.



"S-sir h-hindi ko po sinasadya. S-sorry" paumahin nito sakanya. Napangiti na lang ang binata.


Tumango lang sakanya ang binata bago sya iwan.


Dumaan ang mga araw. Hindi nya sinasadyang mapamahal sa dalaga.


"Good morning." bati ni Sean sakanya.


"Good morning din po sir." bati din ni Joan sakanya at ngumiti.



"Ang landi naman ng Joan na yan!" Ani ni Jessa


"Yeah! Masyadong assuming! Akala mo papatulan sya ni sir! Duhh! Ang baduy nya kaya!" Marie


Napayuko na lang si Joan sakanyang narinig.



"Don't mind them, okay?" mahinahon na sabi nito sakanya



"Okay lang po sir." nakangiting sabi lang nito sakanya




Maya maya nagkita ule ang dalawa.


Ngunit gulat na napatingin sakanya ang binata. Nang makitang, gulo gulo ang buhok nito, may marka pa ng kalmot ang mukha nya. At halata ring kakagaling rin nya sa iyak.




Labis na nag-alala si Sean sakanya kaya tumakbo ito palapit sakanya.



"What happened?" punong puno ng pag-alala na sabi nya. At akmang hahawakan sya ng umiwas ito sakanya.



Unang una sa lahat ayaw nya itong nakikitang nasasaktan. At humanda ang taong may gawa nito sakanya. Dahil inding hindi nya ito palalagpasin!




"Wala po sir. Huwag nyo na po kong intindihin."




Inaway kasi sya ng dalawang katrabaho nya. Labis ang inggit ng dalawa sakanya. Dahil si Joan lang ang pinapansin ng amo sakanilang lahat.




Nakaramdam ng inis ang binata sakanya. Ayaw na ayaw nya ng taong sinungaling o nagsisinungaling.




Akmang tatalikuran sya nito ng hilain nya ang braso ng dalaga.




"Aaahh... s-sir masakit po" dahilan upang mapadaing sya sa sakit.




"Alam mong ayoko ng taong sinungaling." madiing sabi nito sakanya




"Tell me what happened Joan!"


Napapikit na lang sya. At nakaramdam ng kaba.


"K-kasi po... ahm i-inaway po n-nila akong dalawa"



"Whom?"



"S-si Jessa tsaka si Marie."



"Fuck! Humanda sila sakin!!"



Kaya kanyang pinatanggal sa trabaho ang dalawang umaway sakanya. Pinigilan naman sya ni Joan, ngunit wala rin syang magagawa.



Hanggang sa. Balak nya na sanang ligawan si Joan noon.

Sobrang sya nya ng araw na iyun. Sana sagutin sya ng dalaga!

Napatigil lang ito sa pag-iisip ng mag ring ang phone nya.


"Damn!"

Inis nya itong sinagot.



"What!?"

"Son mamaya umuwi ka dito. To meet your fiance"

Napaawang ang labi nito sa narinig.


"Dad! May nililigawan ako! I'm sorry!"


"Then tigilan mo na yan! Ako ang masusunod Sean! Dahil ako ang tatay mo!!"


Pinatay nya agad ang tawag.


Hinding hindi sya papayag na makasal sa ibang tao. Dahil may iniibig at minamahal na sya.


Kaya nakaisip sya ng plano.


-----------------

----------------------------------

Don't forget to

COMMENT

Vote

AND

FOLLOW

Thanks

Pregnant by Mr. Unknown(part 1)Where stories live. Discover now