Chapter 30

3.1K 38 0
                                    

----------------------------

30.

Felix Pov

"Tito you said na makikita ko na si mommy at daddy. But ano pang ginagawa natin dito?" malungkot na sabi ng inaa anak ko. Or should I say, ni Justine.

Hinaplos ko ang buhok nya ng nakangiti.

"Don't worry. Makikita mo rin sila Justine."

Shit!

Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Oo, gustong gusto kong mapasakin si Joan dahil mahal ko sya. Pero wala na talaga akong magagawa at kaylangan kong sumunod sa gusto ni Maggie. The ex-fiance of Sean.

*Flashback*

Umiinom ako nun sa bar. Hindi ko talaga matanggap na wala na sakin si Joan. Mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon. At wala akong pakeelam kahit kasal na sya.

At sa mga oras na din na yun ay ang pagkawala ni Justine.

Akmang kukunin ko na sana ang baso na may lamang alak sa table ng may umagaw mula sakin at agad ininom yun.

"What the!?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Who's this shity girl ? Isang babae. Maganda at halatang mayaman. Fuck she's sexy and hot. Dahil sa sout nya.

Ngumisi lang ito sakin bago tumingin at magsalita.

"I'm Maggie. Sean's ex-fiance. And I know... you love Joan, na asawa nya na ngayon." she said then smirk.

"W-what?!" I was shock.

Alam ko na yun. Dahil nai-kwento na sakin ni Joan dati nung magkasama pa kami. At sya pala ang dapat na pinakasalan ni Sean noon.

"Tss then?" sabi ko at sa ibang direksyon tumingin.

"Gusto kong magtulungan tayo, paghiwalayin natin ang dalawa. Saakin si Sean. At sayong sayo si Joan."

"H-how??" gulat akong napatingin sakanya.

What kind of this girl ? Parang ganun na lang kadali sakanya ang mga sinasabi nya.

"Don't ask question. So... it's a deal ?" sabi nya at nakipagkamay sakin. Hindi ko sya pinansin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo sila mapaghihiwalay dahil mahal nila ang isa't-isa."

Tss. Baliw na ba sya?

"Yun ang akala mo Felix. What the Maggie wan'ts, what the Maggie gets. That's simple." at tumungga ng alak.

"Hinde! Hindi pwede. Wala na tayong magagawa." sabi ko sa malungkot na tono.

Kahit mahal ko sya. Pero mukhang wala na talaga akong magagawa.

"Nasakin si Justine. Ang anak nila. Kung gusto mo syang makuha. Pumayag ka sa gusto ko."

"A-ano?"

Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad na sya paalis.

Aba't gago. Dinamay pa si Justine. What a desperate girl.

*End of flashback*

At dahil mahal ko si Joan. Pumayag narin ako sa gusto nyang mangyari. I'm sorry Joan. And I'm sorry Justine. Saka na kita ibabalik pag nakuha ko na si Joan.

Ang sabi naman sakin ni Justine. Wala naman daw silang masamang ginawa sakanya. Dahil pag nagkataon sasaktan sya ng mga ito kaya sumunod na lang sya.

---

Maggie's Pov

Muli kong ininom ang baso na may lamang wine.

Naisasakatuparan ko na, ang mga plano ko.

"Sinasaktan nya na pala ang asawa nya."

Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Pero ngayon, gustong gusto ko na!

Para ganun na lang kadali. Ang paghihiwalay nila.

Mukhang nagawa ko talaga ng maayos ang plan ko.

Nagulat ako na parang may bumalibag sa pintuan dahilan upang bumukas yun. Iniluwal nun ang galit na mukha ni Sean.

"I-ikaw pala Se--- Aaaaacckk... b-bitawan mo ko." nahihirapan kong sabi. Bigla bigla syang nananakal.

"Slut! Ikaw pala ang nagpadukot kay Justine. Si Joan pa ang nasisi ko sa mga nangyari." nang gagalaiti pang sabi nya habang sakal parin ang leeg ko.

Damn! Hirap na hirap na ko.

Magsasalita pa sana ako ng maglabas sya ng baril.

"Nasan si Justine?"

"N-nakay F-felix... a-ayoko na Sean! H-hindi ako makahinga..." kita ko ang pag ngisi nya.

Halos hindi ako makahinga sa pagkakasakal nya sakin.

"Then I kill you."

"A-anong---"

*Bang*

"Huwag ka ng umasang mabubuhay ka pa. Unti unti ka nyang papatayin dahil sa tindi ng lason na humahalo dyan sa bala mismo."

--------------------

--------------------

Don't forget to

Comment

Vote

And

Follow

Thanks

Pregnant by Mr. Unknown(part 1)Where stories live. Discover now