Dedicated sa aking kaibigang gumawa ng cover ng aking first ever story posted here in Wattpad. :)
Kaira's POV
Naranasan mo na bang magkagusto ng taong kahit minsan hindi ka mapansin?
Yung tipong halos lahat na ng pwede mong gawin ay ginawa mo para lamang mapansin ka niya.
Nagpaganda ka na't lahat ay wala pa din. Kahit na siguro magpacircus circus ka dyan at magtumbling ay imposibleng mapansin at magustuhan ng isang katulad niya.
Nakakatawang isipin na simula palang hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo.
Masakit diba? Maraming nagsasabing TANGA daw ako dahil hanggang ngayon gusto ko pa rin siya. Masisisi mo ba ako kung siya talaga ang nagustuhan ko?
At first place hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit siya yung pinintig ng puso ko eh. (Yuck! Corny!!!)
Btw, bago nga pala mapunta kung saang kacornihan tong storya na to, Ako muna po'y magpapakilala. Ako po si Kaira Michelle Cabrera. Aira po ang kadalasang bansag saakin. Ako'y 16 taong gulang at nagaaral sa *TOOT* Academy (A/N: Walang maisip eh. ^__^)
Dun sa intro ko kanina, totoo po lahat yun ako ay nagkakagusto sa isang lalaking nagngangalang Mark. Long-time crush ko po siya. Ilang years na ba? Hmm. Nawala ang pagiisip ko nang biglang may sumigaw.
"Hoy Aira, sige daydream ka ng daydream di mo pa tapos tong assignment na binibigay ni Sir oh!" Sabay batok ni James, ang aking dakila at poging Bestfriend. Wag kayo maingay sakanya na sinabi kong pogi siya ah, lalaki ulo nun eh. :P
"Tsk. Makabatok wagas! Ano ba kailangan mo ha?" Pinadilatan ko siya ng mata
"Hmm, wala naman naisip ko lang yayain ka sanang kumain baka sakaling gutom ka na." - James
Nagliwanag ang aking mukha dahil makakakain nanaman ako *o* "Talaga? Libre mo?" - Ako
"Wala naman akong sinabing libre ko ha! Ang sabi ko yayayain lang kita kumain. Ang bingi mo talaga." Sabi ni James habang ginugulo buhok ko.
"Tsk wag mo nga guluhin buhok ko! Baka mamaya makita pa ni Mark tong magulo kong buhok eh, di na ko magustuhan nun." Sabay pout ko kay James
"Tsk Mark nanaman! Ilang beses na kitang sinasabihang tigilan mo na yun eh, nagaaksaya kalang ng oras dun noh tsaka asdjhklghfhoghg" Hindi ko narinig yung sinabi ni James dun sa huli, may pabulong bulong pa kasing nalalaman. Haha.
"Hoy, James may sinasabi ka ba diyan ha?" Sabi ko kay James
"Wala, tara na! Ililibre nalang kita nang tumigil ka dyan sa pinagiisip mo. nagiilusyon ka nanaman diyan eh." Ani ni James habang inaabot ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Secret Love(Short Story)
Teen FictionIt hurts to love someone and not to be loved in return. Yan ang nararamdaman ni James para sa bestfriend niyang si Kaira. Kaya niya kayang ipaglaban ang One-Sided Love niya para sa babaeng minamahal niya o mananatili na lamang ito as a Secret Love?