Si James nga pala --------------------------->
Sa next update si Mark naman ang Kras ko!
James' POV
Ako nga pala si James Zander Sandoval ang dakilang bestfriend ni Kaira na baliw na baliw dun sa Mark na yun. Ang pangit naman nun eh, walang wala sa kapogian ko. Diba Author? (A: Hmm. Mas pogi si Mark noh, kras ko yun eh. :P)
Aish pati ba naman ikaw Author may gusto dun? Magpalagay na nga kayo ng salamin at ang lalabo ng mga mata niyo. -___-
(A: Wooh,selos ka lang dun kay Mark kasi may gusto si Kaira sakanya diba? Aminin! :D)
Ako magseselos dun sa pangit na yun? NO WAY HIGHWAY. Mas angat ako dun. Lumayas ka na nga Author at nakakapangbadtrip ka. Iniwan na nga ako ni Kaira at sumama dun sa Mark na yun tas nakikigatong ka pa sa pagiging bad mood ko.
(A: Edi umamin ka din. Haha, sige babye na. Istorbo na ko masyado sa buhay mo eh. Balik ako sa next update.)
Eto ako ngayon, naglalakad papuntang classroom MAG-ISA. Matutulog nalang ako imbis na kumain MAG-ISA dahil ang dakila kong bestfriend ay iniwan lang naman ako diba? Pati pagkaing ililibre ko sana sakanya ay tinanggihan niya para lang sumama dun kay Mark. Aish. Asar talaga oh.
Pumasok ako sa classroom, kahit papaano naman may mga tao na dito. Yung mga naunang kumain kanina tsaka yung mga nerd na puro aral lang alam. Napapaisip din ako minsan, kumakain pa ba ang mga to?
Nawala ang pagiisip ko nang may biglang bumati saakin.
"Hi James, magisa ka atah, nasaan si Kaira? Mukhang di mo kasama ha?" Pagbati saakin ni Elise, yung patay na patay daw saakin. Well, pogi eh. Pero di ko sya type.
"Oo eh, umalis siya kasama si Mark. Sige upo na ko ha, medyo masakit ulo ko." Pagsisinungaling ko sakanya para naman manahimik na sya. For sure kukulitin lang ako nito.
"Osige, pagaling ka ha." Ngitian ko nalang siya at pumunta na sa upuan ko. Medyo matagal pa naman yung time kaya pinikit ko muna yung mga mata ko para makatulog.
*After 15 minutes
"JAMESSSSSSSSSSSSSSSS" may sumisigaw. Sino ba yun istorbo masyado ng tulog eh. Tinignan ko kung san galing yung boses na yun at nakita ko si Kaira malapit sa may pintuan at nakangiti saakin.
"Makasigaw ka ha,tigilan mo nga yan. Nakita mong nagpapahinga yung tao. Tsaka tignan mo oh, nakakaistorbo ka sakanila. Nagaaral sila." Tinuro ko yung mga kaklase kong napahinto sa mga ginagawa nila dahil sa pagsigaw ni Kaira.
"Peace mga classmates, sige balik na kayo sa mga works niyo. Don't mind me." Ngitian niya lang mga classmates namin tsaka lumapit saakin.
"Problema mo?" Pagsusungit ko sakanya. Di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya saakin kanina noh, akala niya ha nakaligtas siya.
"Ehh BFF naman eh. Sorry na sa pangiiwan ko sayo kanina, syempre si Mark yun eh. Chance ko na diba?" Pagdepensa niya saakin.
"Oonga naman si Mark yun, yung crush mo kaya kayang kaya mong ipagpalit ang Bestfriend mo." Sarkastiko kong pagkakasabi.
"Anokaba James, di kita ipagpapalit dun noh! Love na love kaya kita." Nakangiti niyang sabi saakin.
"Asus ang sabihin mo may kailangan ka saakin, kilala kita di ka ganyan saakin kung wala kang kailangan." Halata namang may favor na itatanong saakin to eh. Mga kilos palang niya nagsasabi ng may kailangan siya saakin.
"Uhm a-ano ka-kasi eh." Nauutal niyang sabi
"Ano nga?" Pagtatanong ko sakanya
"Pwede bang tulungan mo ko? Pleaseee nagmamakaawa ako sayo." Sabay pout ni Kaira.
"Ano bang maitutulong ko?" Pagiiwas ko ng tingin sakanya,syempre nakakailang yung mga pout na ganyan niya eh.
"Ano kasi, pwede bang ligawan mo si Elise para saakin?" Binulong niya saakin. Ano daw parang nabibingi ako. Si Elise? Yung patay na patay saakin?
"Anong sabi mo? Si Elise? Alam mong di ko kayang gawin ang gusto mo. Masyadong imposible yan." Sabi ko
"Kaya nga gagawin mong posible diba? Pleaseee. Para saakin." Pagmamakaawa niya.
"Wag mong sabihing gagawin ko yan para kay Mark. Umamin ka nga saakin yan ba ang napagusapan niyo ni Mark kanina?" Matiim ko syang tinignan para mapaamin ko sya.
Kinwento niya saakin ang naging usapan nila ni Mark kanina. Kaya pala gusto niyang ligawan ko si Elise para mapunta sakanya si Mark. How selfish of her.
"Di mo ba alam sa ginagawa mong yan, nagiging unfair ka saakin." Sinabi ko sakanya, gusto kong ipakita sakanyang mali yung binabalak niya. And to think na kasama ako sa plano niya.
"Eh kasi James yun lang yung alam kong way eh." Nakikita ko yung lungkot sa mga mukha ni Kaira, pero may point naman ako diba? Mali yung plano niya. Kahit naman na mahalaga saakin si Kaira ay di ko pa rin kayang manloko ng iba. Ayoko ring paasahin si Elise na may gusto ako sakanya which is wala naman talaga.
"Pero diba isipin mo din ito anong mararamdaman ni Elise kung malaman niya yung plano mo o kaya natin? Di mo ba nirereconsider yung feelings nung ibang tao?" Sabi ko.
"Kahit ayoko man gawin to, pero satingin ko di to ako sasaya eh. Kaya please tulungan mo na ko." Sabi niya saakin.
"Masyado kang desperada Kaira alam mo yun?" Sabi ko sakanya
"Alam ko, desperada na kung desperada pero kung dito ako sasaya gagawin ko to." Grabe talaga ang paninindigan nito sa sarili. Siya nga talaga si Kaira, ang babaeng di basta basta sumusuko.
"Osige, papayag ako basta sa isang kondisyon." Pagpayag ko sakanya. Handa akong magparaya para sa ikakasaya niya kahit na labag saakin ang kagustuhan niya.
Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Sige, kahit ano basta pumayag ka."
"Panindigan mo yang kagustuhan mo. At sana sumaya ka. " Ngitian ko na lamang siya at ginantihan niya naman din ako ng isang ngiti.
"Salamat ha. Pangako magiging masaya ako." sinabi ni Kaira habang pabalik sya sa upuan niya.
Kaira's POV
Yes sa wakas! Napapayag ko na si James. I'm ready for my next plan. Yohooo! ^___^
Mark magiging akin ka din *INSERT EVIL SMILE HERE*
------------------------------
(A/N:)
Hello! So here's the Chapter 1. Sorry kung may typos or kung ano man dahil minadali ko po ito. May pasok pa bukas eh. Tsaka lapit na exams kaya baka di ko maiupdate ito kaagad. So, anong masasabi niyo sa Evil plan ni Kaira at James? Magtagumpay kaya sila?
At bakit ganito ang title ng story na ito? Hahaha. Anyway keep on reading guys. Comment, Vote or Fan na din sa may gusto. ^___^ I'll promise na mas pagbubutihan ko pa po. Thankyou.
BINABASA MO ANG
His Secret Love(Short Story)
Roman pour AdolescentsIt hurts to love someone and not to be loved in return. Yan ang nararamdaman ni James para sa bestfriend niyang si Kaira. Kaya niya kayang ipaglaban ang One-Sided Love niya para sa babaeng minamahal niya o mananatili na lamang ito as a Secret Love?