Kaira's POV
"Teka nagseselos ka ba?" Pagtatanong ni James
"Ha? A-ano ba si-sinasabi mo dyan ha?" Nauutal kong tanong. Peste bakit ganito ako magsalita?
Lumapit ni James ang mukha niya saakin at sinabing "Nagseselos ka ba ha Kaira?"
"Di noh! Bakit naman diba? Ilayo mo nga yang mukha mo saakin. Nakakaines ka ha!" Sinabi ko habang hinahawakan ang mukha niya para ilayo saakin.
"Asus for sure kinikilig ka lang dyan." Pangaasar saakin ni James
"Aish, umalis ka na nga. Wala kang naidudulot na mabuti dito" Inis kong sabi sakanya
"Haha, joke lang. Sige uwi na ko Kaira. Salamat nga pala." Kinindatan niya ko at naglakad na paalis.
Pangasar talaga yung lalaking yun. Pumasok na ko sa loob at bumungad saakin ang nakangiting si Kuya
"Ang sweet niyo ni James kanina sa labas ha!" Pangaasar saakin ni Kuya
"He, isa ka pa! Tumigil ka nga dyan." Sabi ko
"Psh, sungit mo ha!" Sabi ni Kuya
Binigyan ko lang sya ng isang napakasamang tingin at binaling ko ang atensyon ko saaking mga magulang na kasalukuyang nanunuod ng t.v.
"Ma, Pa akyat na po ako sa taas. Magpapahinga na po ako." Pagpapaalam ko sa mga magulang ko
Binigyan lang ako ng tango ni Papa at ang Mama naman ay isang ngiti. Mukhang may problema sila ha.
Hinayaan ko na lang silang dalawa. Siguro naman, hindi gaano kalala yung problema nila. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame
Nagseselos ba ko? Pero bakit naman di ba? Tss. Si James yun, bestfriend ko. Diba dapat natutuwa ako kasi may chance na magkalovelife ang bestfriend ko eh. NGSB yun eh. Pero bakit parang may part saakin na ayaw kong magkagirlfriend sya.
HAY! Nakakagulo ng utak. :( Makatulog na nga.
Nagpeprepare akong matulog nang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko at chineck kung sino ang nagtext. May nakita akong 3 texts.
Yung isa galing kay Mika, kaklase ko GM lang naman yun, yung isa galing kay Mark my Love ang sabi nya "Goodnight and Sweetdreams" Kilig face ako. Haha. Di ko na sya nareplayan dahil expired na unli ko. At yung last na text galing kay James ang sabi naman nya " Nyt" Odiba? Ang haba? Haha. Ang tipid talagang magtext nung lalaking yun. Nagaaksaya ng load.
Nilagay ko na yung phone ko sa bedside table at nagsimula ng matulog.
*Morning
Nagprepare na kong pumasok sa school. Syempre ginawa ko yung morning rituals ko. Mga 6:30 nang matapos ako. Lumabas na ako ng bahay para intayin si James. Kung di ko pa po nasasabi sainyo. Lagi po kaming sabay pumasok ni Bestfriend.
"Anak, dumaan kanina si James dito, pinapasabi niya mauuna na daw syang pumasok. May gagawin pa daw kasi sya sa school." Sabi naman ng Mama ko na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.
"Ah ganun po ba sige Ma, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Mama. Wala na kasi si Papa, mas maagang pumapasok sa trabaho yun kesa saakin.
"Sige anak, magiingat ka." Sabi naman ng Mama ko.
Lumakad na ko papuntang school. Medyo malapit lang naman yun kung lalakarin. Mga 10 mins lang ang layo mula sa bahay namin. Pero kung sasabay ako kay James mga 5 mins lang nandun na kami since bike ang gamit nya at lagi nya kong angkas.
Nang makarating ako sa school diretso ako sa locker ko at kinuha ko yung libro ko sa Literature since yun ang 1st subject namin. After nun, pumunta na ko sa room namin.

BINABASA MO ANG
His Secret Love(Short Story)
Ficção AdolescenteIt hurts to love someone and not to be loved in return. Yan ang nararamdaman ni James para sa bestfriend niyang si Kaira. Kaya niya kayang ipaglaban ang One-Sided Love niya para sa babaeng minamahal niya o mananatili na lamang ito as a Secret Love?