Dedicated po sakanya dahil sya ay isa sa mga Idol ko dito.
Mahal na mahal ko ang character nya na si Cyfer pati si Calvin. :))
--------------------------------
Kaira's POV
Natapos yung canteen moments namin na walang nangyayari. Psh. Palpak! Baliw kasi tong si James eh, after namin kasing bumili ng foods eh bigla nalang nanahimik at parang malalim ang iniisip. Katulad nito.
(Flashback)
Nagkekwentuhan kami ni Elise at Mark nang mapansin kong nakatulala lang si James.
"Hoy James, problema mo?" Pagtatanong ko sakanya
"H-ha? Wala." Umiling lang sya saakin
"Eh bakit ang lalim ng iniisip mo?" Pagtatanong ko ulit
"Oonga James, pansin ko ring nanahimik ka dyan" Pagsasalita naman ni Elise
Samantalang si Mark naman, tumango lang at ibig sabihin nun sumasang'ayon sya sa sinabi namin ni Elise.
"Uhh, wala to. Wag niyo nalang akong pansinin. Sige punta muna kong washroom." Pagpapaalam ni James saamin.
Tumango nalang kami at pinagpatuloy namin yung naudlot naming paguusap.
(End of Flashback)
Weird right? Napakabipolar ng ugali ng lalaking yun. Kilala ko sya eh. Hindi naman talaga ganun yun kung walang problema or iniisip eh.
Ano kaya problema nun?
Hmm. Baka naman nabasted ng nililigawan?
Pero wala namang type yun eh. Tsaka may usapan kaming liligawan nya muna si Elise.
Ano kaya? Baka naman siguro walang pera?
Pero imposible eh, mayaman yun. Super!
Baka naman nakabuntis sya?
Ohh, wag naman sana!
Hay ewan naloloka na ko kakaisip.
Pumunta ako sa may garden para magrelax. Nakakastress magisip noh!
Umupo ako sa may isang bench dun atsaka pinikit ko mga mata ko.
"Pst" Napamulat ako sa narinig ko. Sino yun?
Tinignan ko sa left ko.Walang tao. Tingin sa right. Wala pa rin. Napakamot ako sa ulo. Mga imagination ko talaga oh.
Ipipikit ko na sana yung mata ko ng biglang may kumalabit saakin.
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Mark na nakangiti saakin. Sheez, ang pogi.
"Oh Mark ikaw pala yan. Halika upo ka dito." Tinuro ko yung bench na inuupuan ko.
Dali dali naman syang umupo pero hindi pa rin nawawala ang matatamis na ngiti sa kanyang labi.
"Bakit mag'isa ka?" Sa wakas, nagsalita na sya
"Hmm, gusto ko lang mapagisa. You know, para naman marelax yung isip ko." Ngitian ko sya.
"Oh, I see! So baka nakakaistorbo ako sayo ha, sabihin mo lang. Haha." Pabiro nyang sabi
"No, mas masaya pa rin pag may company. Nga pala, bakit ka napunta rito? Akala ko ako lang ang nakakaalam ng lugar na to eh." Pagtatanong ko sakanya
"Hmm, favorite place ko na to simula pa nung nagaral ako dito. Siguro di mo lang ako napapansin kasi nagkakasalisihan tayo." Sabi nya. May point nga naman sya.
Tumango lang ako. " Baka nga. Alam mo favorite ko din itong place na to, napakapeaceful kasi ng lugar." Pagsasalita ko
"Yeah. pano mo nga pala nalaman tong lugar na to?" Pagtatanong nya
"Hmm, nakwento kasi ni James tong lugar na to saakin eh. Mahilig daw kasi syang pumunta rito dati. Ewan ko ba dun kung bakit ayaw nya ng pumunta rito." Ako yan
"Si James?" Paninigurado saakin ni Mark
"Oo, Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko
"Hmm, wala naman. Nagtataka lang ako. Actually kasi ako at yung bestfriend ko lang ang may alam ng lugar na ito eh." Sabi nya saakin nang napapaisip
"May bestfriend ka? Bakit parang di ko naman sya nakikita." Ako yan
"Matagal na yun. Mga 7 years old ako noon nung huli kong kita dun sa Bestfriend kong yun . 16 years old na ko ngayon, kaya talagang hindi mo sya nakikita." Pagkekwento nya saakin
"Bakit hindi na kayo nagkita? Umalis ba sya?" Curious kong pagtatanong
"Nah, ako yung umalis. Pumunta kami ng States nun. Tapos bumalik kami dito after 6 years. And yun hindi ko na sya nakita. 6 years without communication ba naman eh." Sya yan
"Wala ka na bang balak pang hanapin sya? Malay mo may chance ka pang makita yung long lost bestfriend mo?" Ako
"No need. Mukhang nakita ko na sya" Ngitian nya lang ako at ginulo yung buhok ko.
Waah. Kakilig! Ang pogi talaga nitong lalaking to. Haha.
Pero teka? Nakita nya na yung bestfriend nya? Pero, sino?
-------------------------
A/N: Okay, short update po ito. Sensya na rin kung ngayon lang nakapagupdate. May WB eh. Tsaka nagulo plot ko. -____-
Nga pala sino ang Bestfriend ni Mark? Hmm. Malapit na po itong matapos. 5 or more updates to go since short story lang ito. :)
I'll try to update tom. If hindi ako busy. Okie. Byiee. Don't forget to Comment, Vote and Be A Fan. =) No hate guys!
![](https://img.wattpad.com/cover/1495590-288-k813079.jpg)
BINABASA MO ANG
His Secret Love(Short Story)
Ficção AdolescenteIt hurts to love someone and not to be loved in return. Yan ang nararamdaman ni James para sa bestfriend niyang si Kaira. Kaya niya kayang ipaglaban ang One-Sided Love niya para sa babaeng minamahal niya o mananatili na lamang ito as a Secret Love?