RED'S POVTuro dito turo doon, discuss here discuss everywhere, Hay nakakapagod na buhay, naka kulong sa apat na sulok ng classroom na ito. Gigising ng maaga para makinig sa walang kwentang subject na Math. Oo, dahil I hate math at never kong naitindihan ang bawat topics hindi ko nga alam kung paano ako nakapag 4th year nang hindi bumabagsak sa Math.
Well ganyan ang pag gamit ng tamang magic na 'chamba' hahahaha joke lang syempre. Magaling naman ang teacher namin na si Miss Pacheco pero I never loved math talaga, not even a single percentage.
Aminin ko at hindi ko ikinahihiya every school year from 1st to 3rd year high school ako may tutor ako sa Math para lang makapasa at talagang sinuggest ko ito kay Mommy, no choice din siya dahil kung doon lang naman ang kasiguraduhan na maganda ang grades ko why not.
At dahil kakastart pa lang naman ng school year wala muna akong tutor pero nag hahanap na si Mommy bago mag next week.
"Ms. Sanchez are you with us?" At doon na lang ako nagising sa katotohanan na nasa school pala ako.
"Uhm yes Miss" sabi ko at pilit na ngumiti.
"Then answer the equation on the board" sabi niya at sabay turo sa equation na naka project sa board.
Kaso sorry siya hindi ko alam kaya okay lang masermonan kesa sa mapahiya naman sa harapan "I'm sorry Miss but I can't answer the question" sabi ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako ng isang mataray na tingin at umiling "go out Miss Sanchez and learn our lesson for today by yourself"
"What?! But Mi--"
"No but's go out or I'll---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng Classroom namin.
Psh akala mo naman matatawagan niya takot din naman siya sa mga yon.
Ngayon saan naman ako pupunta sa malawak na school na 'to? Hay bahala na don na lang siguro muna ako sa ilalim ng puno sa field.
Malawak as in sobrang lawak nitong school namin ang International School of Manila, ISM ang isa sa mga exclusive at foreign schools sa Pilipinas kasama niya ang BIS, SIS at iba pang school, pero nasa Laguna ang dalawang bigatin na school na iyon at itong school namin ay nasa Taguig.
Halos mayayaman ang nakakapag aral dito, depende na lang kung may sponsor ka or makapasa sa scholarship exam nila. Mala wattpad ba kung iisipin? Para sa akin hindi isa lang normal na school ito na pinaganda lang.
Hindi ko ugaling mag salita ng english katulad nung iba, Taglish kung Taglish or tagalog talaga. Ako? Mayaman? Hmm di naman parents ko lang yun o pamilya namin binibigyan lang nila ako ng pera.
"Hayy ang ganda talaga ng pwesto ko dito" sabi ko at sabay upo sa damuhan at isinandal ang likuran ko sa puno.
Di naman masyadong mainit ngayon at mahingin perfect mag relax at di mag isip ng kung anu-ano.
"Nasaan nanaman kaya yon si Charmaine di nanaman pumasok tsk" at bago pa ko pumikit bigla na lang may nang gulat sa may likuran ko "Ay hopia! Ano ba?!" Sigaw ko at laking gulat ko si Charm.

BINABASA MO ANG
Mysterious Thief
RomanceHanda ka bang malaman ang kwento niya? Handa ka bang tanggapin ang katotohanan? Mag mamahal ka pa ba? O mas gugustuhin mo na lang na maging single Kaibigan meron ka ba niyan? Tara na at basahin ang kwento ni Kiana Adeline Medina.