Chapter 2

12 1 0
                                        


THADDEUS'S POV

"Kumusta ang first day of  Class mo?" Tanong ni Mommy sakin pagkapasok ko sa bahay, nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Good" maikli kong sagot saka umakyat sa kwarto ko, good psh ang malas pinaka malas na first day na natanggap ko sa buong High School life ko.

Ikaw ba naman maka encounter ng bababe na sobrang daldal akala mo may sandamakmak na tsokolate na kinain, isama mo pa yung kaibigan niyang sobrang ingay din at tining nang boses.

Mas okay pa kung nasa Canada na lang ulit ako nag aaral, doon tahimik walang pake ang mga tao except kung kaibigan mo sila.

Dito kaliwa't kanan ang ingay, may away pa na naganap tapos kahit saan yata ako dumaan ay pinag titinginan pa ko akala mo nakakita ng artista psh, mas gwapo pa ko sa mga artista na yan.

"Akala mo kung sino tsk" nag linis na ko ng katawan at nag hilamos na para makapag advance study na ko.

Wala naman akong kaibigan pa at di ko naisip na magkaroon wala sa plano ko yon simula nang lumipat kami dito, si Daddy ay nasa Canada ba din siya kasi ang nag aasikaso sa Business ng Bible at si Lolo naman ang CEO nang main dito sa Pilipinas.

Nag text ang mga kababata ko na bakit di ko daw sila pinansin kanina sa School, Paano ko naman sila papansinin eh pinalilibutan sila ng mga babae tsk.

*knock knock*

"Come in" sabi ko kahit na alam kong si Mommy yon.

Nagulat na lang ako na may yumakap sa likod ko at ginulo naman ang buhok ko.

Mali, mga kababata ko pala. Gray Brizalde ang anak ni Tito Adrian at Tita Mara at si Ferno Calypsó  ang anak naman ni Tita Jane at Tito Paul simula pagka bata sila na mga kasama ko noong hindi pa ko pinag migrate nina mommy sa Canada.

"Thaddeus my man, kumusta na bro, nasan na ang sapatos naming galing Canada?" Pabirong tanong ni Ferno at umupo sa kama ko si Gray naman ay nasa Couch.

"Psh yan lang ba pinunta niyo dito?" Tanong ko at kinuha ang dalawang box.

"Asus nababading ka na pala Thaddeus ano ba mga kaklase mo sa Canada bro" sabi naman ni Gray at tumawa silang parehas ni Ferno binato ko sila ng tig isang box at umiling.

"Mga loko, bakit di man lang kayo nag text na dadaan kayo or di niyo sinabi sakin kanina sa School?" Tanong ko at umupo sa Swivel Chair ko at humarap sa kanila.

"Kami pa talaga? Eh tinawag ka namin kanina di ka naman lumapit sa amin" sabi ni Gray habang sinusukat ang sapatos na ibinigay ko.

Si Ferno naman ay ganun din "oo nga bro, bakit nga pala hindi mo kami nilapitan snob ka na ah" sabi niya tumawa.

"Paano ko kayo lalapitan kung yung mga babeng naka palibot sa inyo nakaharang na agad sa dadaanan ko di ba?" Sabi ko habang nag babasa ng libro.

"Sorry naman hahaha pag pasensyahan mo na alam mo naman bro binayayaan tayo ng kagwapuhan hindi naman natin pinagkakait yun" napatawa kaming tatlo sa sinabi ni Ferno at bumaba na dahil tinawag na kami ni Mommy para kumain.

Ang akala ko sina Gray at Ferno lang nandito, dumating din pala ang pamilya ng dalawang bugok na 'to.

May Adobo na paborito, Sinigang na Baka, Barbeque at iba pang nakahain sa lamesa. Masaya naman kaming nag kwentuhan nang dumating si Lolo sa kalagitnan ng kainan.

Mysterious ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon