Chapter 3

6 1 0
                                        


RED'S POV

Umagang umaga nag text ako kay Charm na pumunta sa school ng maaga dahil ngayon namin iaannounce ang Acquiantance Party at magkakaroon ng meeting. Kailangan na din kasi mawarningan nung mga bago sa school lalo na sa mga pasaway na di sumusunod sa policy.

"Ano ba yan beshy ang aga aga eh look wala pa ngang katao tao sa campus like tayong dalawa pa lang nandito" reklamo niya habang nag lalakad kami sa mga lugar na pwede namin ipost at sa bulletin board din na nasa entrance.

"Alam mo imbis na mag reklamo ka dyan tulungan mo na lang ako mag dikit para matapos tayo at makapag pahinga kahit saglit" sabi ko sa kanya at nag simula na idikit ang mga poster.

Pero mamaya kailangan ko umuwi ng maaga kasi ngayon ko i-mimeet yung new tutor ko sa Math.

Makalipas ang ilang oras ay nagsisidatingan na ang mga estudyante, madami dami na din ang tumitingin sa mga posters na naikabit namin at ngayon naman ay nandito kami sa bulletin board para idikit ang huling poster.

"Hey Charm, ano yan?"

Tanong nang isa sa mga estudyante, minsan nakakainis eh naka dikit na nga mag tatanong pa nako typical people.

"Acquiantance party remember kapag starting ng school year, pinapost ng maaga ni Ms. President para daw makapag ready na ang mga students" sabi ni Charm, ito naman mahaba pasensya kaya di basta basta naiinis di katulad sakin.

"Ganun ba? Ang active naman ng new President ng student council"

Speaking of President hindi pa inaanounce ng Principal ang new student council President, at ako lang naman yon kaya yari sakin yung San Goku na yon dahil baka pag naka ilang warning siya sakin eh maalis siya dito.

Kaso may panira na mga bubwit ang sisira sa araw ko "Look who we have here, hey Rachel" sabi ni Cooper ng Uncrowned Kings.

"Rachel your face Cooper, its Red gets mo? O tatagalugin ko pa lalo" kapal ng
pag mumukha no one can ever call me in my real name unless special kang tao sakin pero kung hindi get lost.

"Pag pasensyahan niyo na masungit ang ate niyo Red boys hahaha anyways aattend ba kayo sa Acquiantance Party?" Pag suway ni Charm samin.

"Oo naman kami pa Charmaine, ayain ka na nga nitong si Keio eh.." Binitin pa ni loko para umagree si Keio dito sa sinabi ni Dwayne tsk tsk "di ba Keio"

Kaso sorry siya natuto na si Charm na di mag paloko kahit na sino dito sa grupo ng kalalakihan na 'to sa school na ito.

"Alam mo Dwayne mag aral ka na lang ulit ng Physics balita ko kay Sir Mendez mababa ka daw sa Geometry baka daw sa subject niya mababa ka ayaw niya pa naman non"

O ano kayo ngayon bingo kayo sa sinabi ni Charm , tsk ang yayabang kasi kaya bagay tong si San Goku sa grupo nila nako.

"O tama na yan yung bago niyong recruit eh makita pa yang bad attitude niyo mahiya naman kayo kay San Goku" sabi ko sa kanila at umalis na bago pa magkagulo don sa sinabi ko hahaha.

Pero di pa rin talaga mawala sa isip ko kung sino yung new tutor ko at talagang pinag mamalaki pa ni mommy sakin kanina, nako bahala siya dyan basta ako makikinig lang ako don tapos ang usapan.

"Pero bes kailangan mo ng Vice President may napili ka na ba? Di naman ako pwede kasi mas gusto ko na secretary no tyaka di masyadong madaming iniisip" sabi ni Charm habang nasa room kami at nag hihintay ng teacher.

"Ayun na nga eh , well ang sabi naman ni Mister Principal satin na magkaroon na lang ng botohan para fair din which is right" sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Eh kailan mo sisimulan mag post din about don?" Tanong niya.

"Maybe tomorrow na din para naman may katulong na tayo sa Acquiantance party bukod sa iba pang officers" hay ang hirap maging president ng student council bakit kasi ako pa yung pinili dami dami naman dyan.

Umayos na kami ng upo dahil dumating na ang teacher namin sa history, well ang pinaka boring na subject sa buong year na 'to ni dates nga di ako matandaan yun pa kayang mga kanunununuan ng bansang ito.

*bzz bzz bzz* *1 text message*

To: Mother Earth

Be on time later susunduin ka namin ng dad mo dyan at dederetso na tayo sa dinner may dala na kong damit mo kaya wag mo na alalahanin

Geez , seriously mom nako kung hindi ko lang si magulang at kaya nilang gawin talaga lahat nang hindi ka tumatanggi. Badtrip naman >_<

"Hoy okay ka lang?" Bulong ni Charm.

Tinuro ko mukha ko at binigyan siya do-I-look-okay na mukha , tinanong naman niya kung bakit sumenyas na lang ako na mamaya na lang dahil baka mapalabas nanaman kami ng classroom.

-----------

Nandito na ko ngayon sa loob ng kotse naman at papunta na sa pupuntahan namin, si Kuya naman ay wala dahil may duty siya at kailangan bumalik sa University nila para tapusin yung requirements para sa pag graduate niya.

Nag bihis na ko sa school nang sunduin nila ako kanina, nakakahiya pa dahil may mga nakakita sakin na ang girly ng suot ko.

Isang white off shoulder na dress just above the knee at nag pony tail na lang ako para makita yung pearl earrings na pina suot din ni mommy.

Di naman ako sanay mag bihis ng ganito pero dahil business minded ang parents namin ni Kuya at talagang mga high class yung meetings nila kaya ganito na lang din ka formal yung mga suot nila.

And grabe yung heels nakooo >_<

*dug dug dug dug dug dug*

Pero kinakabahan talaga ako, I feel something is not right and ayoko malaman kung ano man yon.

Nag park na si daddy at bumaba na kami ng kotse at sabay sabay na pumasok sa restaurant.

"Table for Mr. & Mrs. Sanchez" sabi ni Daddy at agad naman ng response ang waiter sinabi din nito na andoon na ang mga guest namin.

At pagkadating namin doon ....omg!

"Mr. & Mrs. Bible we're very sorry we are late may mga tinapos pa kasi kami sa office at sinundo pa ang unica hija namin" sabi ni Mommy.

Bible.... Sino kaya sa kanila ang magiging tutor ko?

Oo, sino dahil hindi lang si San Goku ang nandito kundi mga kapatid niya kung hindi ako nag kakamali.

___________________________________________________

VOTE , SHARE , COMMENT

Nagustuhan niyo ba ang chapter na ito Follow me to be updated ^_^

Panatilihing bukas ang isipan pawang ang malawak na imahinasyon lang ang kailangan bawat chapter ng kwento, enjoy.

- mymischievousdreamer -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mysterious ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon