I Surrender?

173 3 0
                                    

"Wow! May mukha ka pala ngayon?! Akala ko naging naging manipis na yung mukha mo kaso lang mas lalong kumapal. Ano ba talagang kailangan mo ngayon ha? Hindi pa ba sapat yung pinaggagawa mo sa akin? Yung sampal? Wow. Bilib akong sayo" Hindi ko na matiis talaga, ang kapal ng mukha pumasok-pasok dito sa bahay KO. Akala nya sa kanya ' to. Wala man lang akong narinig ng doorbell kanina eh.

"Honey, punta na tayo doon. Mukhang nagiging dragon ang ating anak baka mabugahan pa tayo punta nalang tayo sa kwarto na?!"

"Sige!! Charles. Saan ka gustong lumabas, you are free to go out anak. Cge na, baka mabugahan pa tayo!" bulong ni mama kina kuya at papa. Okey lang! Kung anong pinagsasabi nila, alam ko namang naiintindihan nila ako eh! Dahan-dahan na silang lumakad papunta sa kwarto. Si kuya naman, lumabas punta ata ng bar?! At nagsalita na din si shayne.

"Look. Hindi ako pumunta dito para makigulo. Gusto ko lang ayusin yung pagkakaibigan natin, ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil sa isang lalaki. Lalo na't hindi na nya tayo naalala. Except Jerson"

"Ano?? Ok, whatever. Sapat na yung ginawa mo sa akin na sinampal mo ako noon. Matagal na ako nakamove-on. Alam kong alam mo na hindi ako gaano kamaldita noon at ngayon. Sana naman shayne, walang plastikan. Alam mo naman na ayaw ko sa mga plastik na tao" pagsabi ko sa kanya yun bigla syang umiyak. At sa kanyang iyak, bigla akong nakokonsensya.

"*insert huhu here* Alam mo?? Oo galit na galit ako sayo *sniff* dahil mahal ka ni wade, ginawa nya lang akong panakit-butas. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, *sniff* syempre masakit, lalong-lalo na mahal mo nang lubos ang tao. At alam kong matagal na tayong magkaibigan, at hindi rin ako nakikipaplastikan sayo sophia"

"Eh, anong ginawa mo nung sumali tayo ng pageant? Arte lang yun? Wow! Best actress ha. Congrats sayo!" sarkastikong sabi ko. Naiinis ako sa kanya eh.

"Nandito nga ako eh, para humingi ng sorry sayo. Para magkasama na tayo ulit"

" Wow! Ano yan? Plastik or plastik? Pumili ka dyan kahit magkaparehong spelling"

Silence.

Tumaas ang isa nyang kilay. Sabi ko na nga ba eh "Ang galing mo. Hindi kita nauto. Sa susunod nalang pagtanga ka na!" pagsabi nya yun. Feeling ko umuusok na yung ilong at tenga ko sa sinasabi nya sa akin. See? I told you. Plastik talaga sya icompare mo sya sa plastik, bagay tignan. Hindi masakit sa mata.

"Wow. Thank you! Ang galing mo talaga umarte. Congratulations ulit sayo, wag kang mag-aalala sa susunod hindi ako magpapakatanga na katulad mo. So, please go out?! See ya~" tas tinaasan ko sya ng kilay at padabog syang umalis. Buti sa kanya yun. Plastik eh! Ano pa bang ginagawa sa mga plastik??

**************

"Oh! Bakit ka nakasimangot dyan?" tanong ni jerson. Inirapan ko lang sya bilang sagot.

"Ganyan ka naman? Ano bang nangyari sayo?" tanong nya tapos tumabi sya sa akin.

"Wala. As if you, care jerson. Wala ka naman ibang ginagawa kundi makinig tas walang advices"

"Binigyan naman kita ng advices ah?!"

"Kailan pa ha?" tinaasan ko sya kilay.

"Nevermind. Pero, ano ba talaga ang nangyari?"

"Si shayne. Pumunta sya sa bahay KO kahapon. Akala nya mauto nya ako, sabi pa nya ' gusto na nya raw ako maging kaibigan ulit' pero hindi ako naniniwala sa kanya kahit matagal na kaming magkilala, kaya nakipagplastikan lang pala. Wag kang maniniwala sa mga taong tanga. Once tanga always tanga talaga pwera nalang kung magbabago na talaga sya" haba ng speech ko.

"Sinong may sabi sayo na 'maniniwala ako sa taong tanga?' Wala naman dba?" Hindi ko nalang sya pinansin. Sinabihan lang?! React agad?

*******

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo yung bora for our project cancel na daw yun kasi ang ibang student hindi pimayagan ang mga parents nila baka daw gumagawa ng kalokohan" Psh. Ang KJ naman ang mga magulang nila kung tutuusin pababayaan na nila yan kasi malaki na tsaka ga-graduate na kami noh! Para naman remembrance.

"Paano na yan? Naghanda pa naman ako, bago umalis sila mama at papa tsaka si kuya. Forever alone ulit ako" malungkot kong sabi eh sa gusto kong pumunta sa bora kahit project lang.

"Pag may time tayo, malapit na ang buwan ng wika noh?!" Ayy oo nga, hindi ako aattend ng Buwan ng Wika kasi boring kahit para yan sa ating kalayaan wala akong pakialam.

"Oo nga pala, kailan ang buwan ng wika?" tanong ko sa kanya tapos mukhang nag-iisip pa sya.

"Ewan ko. Iannounce lang daw sa mga teachers natin" tumango nalang ako at bigla nalang pumasok ang guro namin.

Pagkatapos ng klase break na. Excited akong pumasok sa cafeteria ewan ko kung bakit -___-!?

_

"Oy! May fre**k pala dito" sabi ni shayne tas inirapan ko sya.

"Ahmmp. Sophia, sa pagkakaalam ko ikaw ang best in talent dba? Hamunin kita ng pagkanta, kaya mo ba? Kakatahin natin I Surrender by Celine Dion!"

Hamon nya sa akin. Nako! Napakataas naman yan.

"Cge" yan nalang ang tanging sinagot ko tapos tinuloy ko ang paglakad papuntang counter.

Napaisip ko. I Surrender by Celine Dion. Ang taas naman yan. Kaya ko ba? Oo nga pala, ewan ko kung bakit sayaw ang talent ni shayne eh maganda yung boses nya. Lagot na!

******

Ang Malditang NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon