Chapter 2: Meeting Him
Dani's POV
Umaga pa lang sira na araw ko haysst, ano na gagawin ko ngayon sobrang boring na ng buhay ko?! Wala na akong inaaway.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina.
"Hoy bata! Umagang umaga nakasimangot!" Sabi ni kuya Luke.
"Ano ba kuya, wag ka nga magulo OA ay!" Sabi ko habang kumakain. "Palibhasat sinagot ka na ni ate Elyze! Edi ikaw na may love life kaloka toh!" Ako.
"Oh ano naman, palibhasat wala na kayo ginaganyan mo na ako. Ano na balak mo nyan ha bata?" Nakangising tanong ni kuya. Grrr nakakainis siya, pasalamat siya swerte siya sa love life niya!!
"Ano ba kuya naman! Syempre magmumukmok na lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Gusto mo bang malaman toh nila mommy? Bata ayokong naaapektuhan ka ng walangyang lalaki. Sasama ka sa akin mamaya! Naiintindihan mo?" Tssk si Kuya bossy talaga.
"Ehh, saan tayo pupunta baka ma-op ako dyan!" Sabi ko habang nagliligpit ng pinagkainan.
"Lol kasama mo si ate Elyze mo para di ka ma-op. Pupunta tayo sa Concert ni Ed Sheeran." Sabi niya, tssk andaming tao nyan tapos siksikan pa haysst.
"Madaming tao!!!" Pagdadahilan ko.
"Eh ano naman wag ka nang maarte VIP naman tayo." Sabi niya, wow sosyal naman hahaha.
"Oo na tssk. Ano oras ba?" Tanong ko.
"Mga 5 ng hapon aalis na tayo." Sabi niya, tumango na lang ako at pumunta ng sala.
Huhuhu bakit ganun, parang di na ako masyadong nasaktan? Siguro ayaw talaga ng tadhana sa amin. Hintayin ko na lang na dumating. Ano ba yan inaantok ako...
"Dani gising na."
"Daniiii" aish sino ba yun! Pagkamulat ko nakita ko si ate Elyze.
"Uyy ate, hehehe bakit po?" Tanong ko
"4:30 na aalis tayo diba?" Paalala niya, hala oo nga aalis kami ng 5.
Di ko na siya sinagot at dumiretso na ako ng banyo para maligo, antagal ko naman yata matulog? Haysst tapos nagsuot ako ng high-waisted na shorts at sweatshirt at sapatos. Saktong 5 natapos na ako.
"Tsk tsk, baka mamaya di ka pa nakapagbanlaw mabuti." Sabi ng natatawa kong kapatid.
"Ano ba kuya nakakainis ka na ah!" Sigaw ko sa kanya at hinila na si ate Elyze papunta sa sasakyan. Si kuya yung magdadrive tapos si ate naman nakaupo sa tabi ni kuya tapos ako naman sa likuran nila.
Habang nagmamaneho si kuya, iba yata yung dinadaanan niya.
"Kuya, san ba talaga tayo pupunta?" Matinong tanong ko.
"Ayy oo nga pala di ko nasabi sayo bata may kasama pa tayo isa kong tropa." Napa-ahh na lang ako sa sinabi ni kuya.
Huminto kami sa malaking bahay mas malaki ito ng konti sa bahay namin. Halatang mayaman ang nakatira. Maya-maya may lumabas na lalaking nakashorts (yung hanggang tuhod) tapos naka 3/4 na white polo. Ang pogiii niya naman.
Tumabi ito sa akin ang bango.
"Tssk Luke kapatid mo ba yan? Malapit nang tumulo ang laway oh" sabi nung pogi. Grrr nagising ako sa katotohanan at inirapan siya. Salbahe niya naman.
"Hahahahaha, oo pre malayo sa akin." Sabi ni kuya kaya binatukan ko.
"Hahaha, nga pala ako si Glen Castillo. What's your name tulo laway girl?" Nakangising tanong niya. Grrr nakakainis na toh ah!
" FU, I'm Dani Fernandez! Wag mo akong tawaging tulo laway girl because I'm pretty okay?!" Sagot ko.
"Whoa bro, di mo sinabing lalaki pala kapatid mo masyadong matapang." Pabirong sabi niya kay kuya. Si ate Elyze naman tinutukso ako sa kanya.
"Oo nga Glen, mas malakas pa nga yan kesa akin." Isang batok uli ang natanggap ni kuya mula sa akin.
"I hate you! Oo wala akong kinakatakutan!" Sabi ko sa kanya.
"Talaga ba?" Tanong niya habang papalapit ng papalapit sa akin. "O-oo." Nauutal kong sagot wala na akong maatrasan nakasandal na ako sa bintana sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Crush mo ako noh? Ikaw ha gusto mong magpahalik sa akin." Bulong niya, at nagtawan sila kasama si ate Elyze.
"Eh! I HATE YOU! Ate Elyze naman eh! Andaya mo!" Paiyak na sabi ko buti na lang nasa MOA na kami.
Bumaba na agad ako at dumikit kay Ate Elyze.
"Bagay kayo ni Glen, ikaw ah." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Ate yoko na umasaaaa." Sabi ko.
"Naku, promise yan na yung sayo." Masayang sabi niya. Ang bilis naman dumating.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my leadI found a girl
Beautiful and sweet
I'll never knew
You were the someone
Waiting for mePagkanta ni Ed, haysst ano ba yan. Si ate pumunta kay kuya ako naman katabi ko yung salbahe.
"I know you don't feel well, ilabas mo yan." Sabi ni Glen, di ko alam bigla na lang ako napaiyak, meron din palang taong nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko.
"Yan oh panyo, baka tumulo laway mo este sipon pala." Imbis na mainis ako natawa pa ako sa pinagsasabi niya.
At natapos na ang concert ni Ed Sheeran tapos nagdrive thru na lang kami at sa sasakyan kami kumain.
I'm happy that I meet him. (Kahit salbahe).
---------------------------------------------