Chapter 3: Buong Araw na Kasama Siya.
Dani's POV
It's another bad day! Ano gagawin ko dito sa bahay! Waitg mag-ffb muna ako hehehe.
Glen Castillo sent you a friend request.
Woahh siya mag-aadd sa akin? Sa yabang na iyan. Pero accept na natin yieee waffuuu.
Glen Castillo sent you a message.
Ayy taray!
Glen: zap tulo laway wahaha
Ako: pati ba naman dito?!
Glen: joke lang! Tanong mo nga kay kuya mo kung tuloy kamo alis namin.
Ako: bakit di ikaw magtanong sa kanya, pasimple ka pa eh noh? Para makausap mo ako yuckk 🙄🙄.
Glen: lol assumera toh, di ko macontact si kuya mo kaya itanong mo diyan. Isang malaking AGNAT! hahahaha.
Grabe pahiya ako dun, wag ko na lang replyan at tanungin ko na lang si kuya.
"Kuya tuloy pa raw ba lakad niyo ni salbahe?" Tanong ko.
"Sinong salbahe?!" Pagalit na tanong niya. Pfft tumawa ako ng malakas hahaha.
"Si Glen kasi! Pinapatanong kung tuloy lakad niyo!" Pasigaw na sabi ko.
"Ahh, ikaw ah may tawagan agad kayo! Anong lakad namin? Lakad natin." Paglilinaw niya. Hala ibig sabihin kasama ako?
"Kasama ako?" Tanong ko.
"Oo kayo ni ate Elyze mo kasama." Sagot niya. Aakyat na sana ako nang magsalita siya.
"Mag-gayak ka na, matagal byahe natin nyan bilis!" Sigaw niya, kaya napaakyat tuloy ako ng walang oras.
Naligo na ako at nagbihis. Nagsuot ako ng shorts at blouse. Tapos nagpowder at lipgloss. Tapos nagconverse na whiteeee. Then baba na. Pagbaba ko andun na si ate Elyze at si SALBAHE tssk.
"Hi ate Elyze!" Masayang bati ko at bineso siya.
"Hi salbahe." Walang ganang bati ko. Binelatan niya ako. Sh¡t ang cutieeee niya! Heh ano ba dani! Stop it! Binelatan ko na lang rin siya.
"Hoy! Umagang umaga nag aaway!" Saway ni kuya sa amin. Ang hilig ni kuya sa word na umagang umaga hahahaha.
"Haysst, tara na dating pwesto ha! Tulad ng kahapon!" Sabi niya, what! Katabi ko na naman siya.
Haysst, minamalas naman oh!
Inaantok na naman ako!! Antukin ko talaga haysst...
Glen's POV
Nakakagulat tong babaeng toh nagulat ako bumagsak na lang sa lap ko, sarap ng tulog tssk.
"Pagpasensyahan mo na yan, pagbigyan mo kahit sandali." Sabi ni Luke, ha pagbigyan?
"Kagagaling lang nyan sa break-up, medyo sabog pa yan." Saad niya, ahh kaya pala nung concert ganun siya.
"San ba tayo? Subic ba?" Matinong tanong ko.
"G*go nagtanong ka pa sinagot mo naman." Natatawang sagot ni Luke.