Chapter 1: Ikaw at Ako, Wala nang Tayo
Dani's POV
Naglalakad ako papuntang mall. Kung saan ko kikitain ang boyfriend ko. Walang'ya kasi yung driver namin na-flat yung gulong ng sasakyan namin habang nasa kalagitnaan ng traffic. Maitext nga muna si Fitz.
To: ❤️Fitz❤️
Lab, paintay ako malapit na po ako sa mall.From: ❤️Fitz❤️
K.O diba, pati siya walang hiya. Hayaan niyo na lablab ko naman yun. Oh well, I'm Dani Fernandez 19 years old. 3 years na kami ni Fitz, so 16 lang ako nug naging kami. Tapos ayun we're happy naman.
"Sa wakas nasa mall na ako!" Sigaw ko.
Laki laang kasi ng mall kaya hirap niya hanapin. Habang naglalakad ako may nahagilap ang mata ko si fitz may kasamang babae, pero baka pinsan niya lang diba? Pero parang may mali?? Matawagan nga.
"Hello?" Ako.
"O?" Siya.
"Nasaan ka ba? Nasa mall na ako eh." Sagot ko.
"Ha, a-ano ah saan ka ba?" Siya.
"Bakit ka nauutal Fitz? May tinatago ka ba uli sa akin?" Tanong ko.
"Wala nasa ano ako sa CR oo tama sa CR hehehe." Siya.
"Okay." Ako.
Tapos inend ko na yung call naiiyak na ako kasi habang kausap ko siya hinahalikan siya ng babae dinaig pa ako. Masyado silang PDA.
Pumunta na agad ako sa kanya at sinampal siya nang napakalakas.
"Napakawalang hiya mong lalaki ka! G*go!" Sigaw ko na kinagulat niya.
"Dani let me explain please!!" Pagmamakaawa niya.
"Tama na! Ikaw at Ako na lang! WALA NANG TAYO!!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo papaalis habang umiiyak.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang park kung saan maraming magkasintahan, bakit ganun?! Bakit niya inulit sa akin yun!
Flashback (1 year ago)
Papunta ako sa bahay nila Fitz upang dalawin dahil siya ay may sakit, pagkarating ko sa kanila ay nakita ko siyang may kahalikang babae sa labas ng kanilang bahay.
"Fitz?" Napatigil sila sa paghahalikan.
"Dani let me explain." Pagmamakaawa niya sa akin.
"Go! Explain!" Ako, habang umiiyak.
"She seduce me!" Pagdadahilan niya.
"Nagpaakit ka naman?!" Sigaw ko
Hindi katanggap tanggap ang kanyang dahilan! And with that I go home.
End of Flashback
Matagal din kaming nagkaayos noon pero para ulitin niya ulit yon ulol na siya. Umuwi na ako sa bahay namin at naabutan ko si kuya luke na kabababa lang sa kanyang sasakyan.
"Sabi ko sayo sa simula pa lang itigil mo na yan." Sabi niya, at yinakap ako. Lalo akong napaiyak dahil sobrang protective ng kuya ko sa akin kahit na sinuway ko siya ay hindi pa rin nya ako pinapabayaan.
"Magpahinga ka na muna at sa susunod na tayo mag usap." Siya at hinatid ako sa aking kwarto.
Sana pala sinunod ko na lang si kuya noon pa lang haysst.