Chapter 4: Buong araw na kausap siya.
Dani's POV
Kung naalala niyo yung emergency kay ate Elyze, ayun umuwi agad kami tapos si kuya di pa umuuwi. Pero tinawagan niya ako na, baka next week pa sya makauwi dahil sa emergency na yunnn.
Fb muna ulit si ako.
Habang nags-scroll ako...
Glen sent you a message.
Hmm ano na naman kaya balak nito? Tapos clinick ko yung message niya.
Glen: hey you fine?
Fc din nito eh hahaha joke.
Ako: yah!
Glen: Inutusan ako ni Luke na bantayan ka diyan, wait for me k? Otw na ako. Byeee
Ha ano?! Punta siya sa bahay namin hala di pa ako nakakaligo. Napatakbo agad ako sa cr at naligo na...
Glen's POV
Hahaha, di naman talaga ako inutusan ni Luke na pumunta sa kanya gusto ko lang makita kung okay siya. Di ko alam kung bakit? Eto ako ngayon nasa tapat ng bahay nila. Ngayon lang ako nagkaganto sa isang babaeng ngayon ko lang nakilala. Never pa ako nagkaroon ng girlfriend. Mga flings lang, kasi ayokong matulad sa kuya ko.
Nag doorbell na ako at pinagbuksan ako ng maid nila. Sabi nila naliligo pa daw, kaya naupo muna ako. So iyon, kaya ayokong matulad sa kuya ko kasi yung mahal niya may mahal na iba. Tapos nangyayari din yun sa panahon ngayon kaya natatakot ako.
Oo lalaki ako, pero kinatatakutan ko ay ang umibig sa taong ngayon ko lang nakilala. Siguro naiisip niyo na may tinutukoy akong tao, oo meron si Dani. Nangyari sa kanya ang nangyari kay kuya pero, alam kong takot din siya.
"Oy tulala na lang diyan porebah? (Forever)"
Weh nakatulala ako?
"Ikaw pala yung isang malaking AGNAT eh! Hahahaha!" Aba pambihira tong Dani na toh ah. Nagising ako sa katotohanan dun ah hahaha mainis nga toh.
"Hoy BATA ikaw kaya yun. Nga pala BATA, wala bang pagkain dyan?" Dinidiin ko talaga yung word na bata para mainis siya hahaha.
"Hihingi ka na nga lang ng pagkain mang iinsulto ka pa ano gusto mo ha! Away o gulo?!" Pagalit na sigaw niya sa akin hahaha.
"Ikaw ang gusto ko." Bigla siyang namula, kaya napatawa ako hahaha, ang cute niya! No need to deny hahaha.
"Ano ba! Stop playing jokes around me!" Hala nagalit na siya wawa naman hahaha.
"Eto naman joke lang naman sorry na tara ipagluluto kita." Pag aaya ko sa kanya. Biglang nagliwanag yung mukha niya.
Dani's POV
"Talaga?!" Excited na tanong ko. Nakakaturn on kaya yung mga lalaking marunong magluto.
"Oo talagang talaga halika na!" Sabay hatak sa akin papuntang kusina. Ano kaya iluluto niya? Maitanong nga,
"Ano iluluto mo?" Masiglang tanong ko.
"You're favorite, lasagna and carbonara." Sabi niya, wow wait paano niya nalaman?!
"Paano mo nalaman na favorite ko yan?" Nagtatakang tanong ko.
"I have my own ways." Nakangising sagot niya sabay kindat sa akin.
Enebeyen kanina pa ako namumula sa pinaggagawa at pinagsasabi niya. Grabe ang graceful niya gumalaw parang professional. Take note yung suot niyang apron yung apron kong minnie mouse hahaha.