Quiels’ POV
“ARAAAAAAAAAAAAAY!!” Napasigaw ako sa sakit dahil sa bola ng volleyball na tumama sa ulo ko.
“Uhm, ok ka lang?”
E monggoloid pala tong lalaking to eh? Siya kaya tamaan ng bola sa ulo tingnan ko kung maging ok siya.
“What do you think? Sisigaw ba ko sa sakit kung ok lang ako?!” Oha! Ang taray ko ba masyado? E kasi naman masakit talaga.
“Siguro nga masakit. Sorry. Ako nga pala si Lester.” Inabot niya yung kamay niya para makipag-shakehands.
Anong akala niya interesado ako sakanya? As if!!
“I don’t care. Can you just please leave me na? Mas lalo kasi ako naiirita.” Naiinis na sabi ko.
“Sige.. Sorry ulit ha!?” Mukang disappointed siya sa pagpapa-alis ko sakanya.
“LEAVEEEEEEEEE!!!” OA na kung OA. I just want him out of my sight.
Dahil sa nangyari kanina, masasabi niyo na sigurong ang sama kong tao. Isang masungit at walang pusong nilalang. Hindi marunong magpatawad. Pero hindi! Front act ko lang yon. I promised myself na magiging strong sa harap ng ibang tao. Bakit? Simple lang. Dahil lahat ng tao sa paligid mo pwedeng maging dahilan ng sakit na mararamdaman mo. Lahat yan mabait sa umpisa pero kapag tumagal na nagbabago.
Ako nga pala si Marcus Quiel Zapanta. Just call me Quiel. 18 years old na ko. Minsan na akong nagmahal at sobra-sobrang nasaktan. Yan ang dahilan ng pagpromise ko sa sarili ko na magiging matapang na ako. Bakit ako nasaktan? Kasi nagmahal ako ng lalaki. Oo tama ang nababasa niyo. Lalaki ang minahal ko. At kahit na alam kong masasaktan ako, I took the risk. And I got hurt.
Si Marc Santos. Siya ang naging dahilan ng sakit na naramdaman ko noon. Akala ko totoo ang pagmamahal niya. Tss! Nagkamali ako. At isinusumpa ko siya. Gusto niyo bang malaman ang nangyari samin?! Here it goes.
~~
BINABASA MO ANG
LOVE KNOWS NO BOUNDARIES (ON HOLD)
Romance"They say true love is for everyone. Does it mean it is also for those people who belong to the third sex? Is gender a hindrance for two person to fall in love with each other? Is love enough for you to fight for what you really love? What if the wo...