(JOSH’s POV)
Busy kami ni Quiel sa pago-organize sa party/event mamayang gabi. Hassle din pala maging part ng ganito kalaking event no? Ang hirap kasi ang dami kailangang ayusin. Ang daming dapat isipin para mas mapaganda yung program.
Pero habang busy kami ay mas pinili ko umalis. Hindi naman ako sa tumakas pero may mas importanteng bagay akong dapat asikasuhin. Ang surprise ni Lester kay Quiel.
Hindi na rin ako nagpaalam kay Quiel para hindi na siya magtanong pa. Just wait bes, makikilala mo na rin siya. Kilala ko si bes. Paniguradong matutuwa siya sa surprise na to. Though hindi ako favour sa mga surprises, ito ang gusto ni bes. Kaya nga kami naging bestfriends diba? Kasi opposite do attract. Haha! Pero sana! Sana talaga maging masaya si bes. I’ll just hope for the best mamaya.
Dumiretso na ako kung saan kami magkikita ni Lester. Ok naman pala siya kausap. Sumusunod sa oras na napagusapan. Atleast hindi ko na kailangan maghintay pa.
“Oh Josh anjan ka na pala.” Salubong agad niya sa akin.
“Kanina ka pa ba?”
“Hindi naman sobra. Mga 20 minutes pa lang. So ito na yung plano ko para mamaya..”
Sinabi na sa akin ni Lester ang plano niyang surprise para mamaya. Natuwa naman ako sa naisip niya. Wala na akong sinuggest na gawin niya o idagdag niya. Mukang maganda naman talaga yung naisip niya eh. Ako na lang bahala tumulong sa kanya mamaya.
(QUIEL’s POV)
It’s 5PM na. 1 hour to go before yung event namin. Maayos na yung gym. Lahat ng designs at stuffs nakalagay na. May photobooth rin.pati stage nakaayos na. Punong-puno ng hearts at mga bagay about Valentine’s Day ang aming gym. Well for me I can say that we did a great job in designing it. Sana magustuhan ng lahat.
Habang haggard na ako ay dumating ang aking bestfriend.
“Uy bes. Salamat sa pagalis a? Ang dami mong natulong oh.” I said it sarcastically.
“Welcome bes. Haha! May inayos lang ako.”
Hmm? Ano naman kayang inayos ng lalaking ‘to? Ay jusko nac-curious ako!
“E ano naming inayos mo para kalimutan mong magsabi manlang sa akin?”
“Ano ka ba bes. Kaya nga hindi ako nagpaalam sayo para di ka na mangulit eh.” Then he grinned.
O-K?! Anong sabi niya? Para wag na ako mangulit? E adik pala tong isang to eh.
“At bakit naman? Gaano ba kahalaga yan para itago mo sa akin”
“Well, para sa akin hindi ganon kahalaga. Pero sa 2 tao sa buhay ko, mahalaga.”
“Alam mo bes ang weirdo mo! Ano ba nakain mo? Ha?”
“Wala pa nga ko kinakain eh. You’ll see bes. Just wait.”
Adik talaga to! Bt ang weird ni bes? Tsch. At wait.. Hindi pa siya kumakain? Monggoloid talaga!!
“BBBBEEEEEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!”
“O ano bakit nanggagalaiti ka jan?”
“Anong sabi mo? Hindi ka pa kumakain? Alam mong ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom!!”
“Ayiiee ang sweet mo talaga no? E nakalimutan ko kasi eh. Tara na nga. Let’s grab some snack muna habang may oras pa. Libre kita.”
“Hindi mo na ko kailangan akitin ng mga salitang libre kita bes. Kasi kahit wala kang balak kumain ako pa manlilibre sayo kumain ka lang. Tara na!!”
At ayon nga we grabbed some snack muna bago pa magstart yung event. Ok din lang naman na wala kami dun kahit start na. Since hindi lang naman kami ni bes yung nasa team.
Habang nasa canteen kami ay naririnig na namin yung emcee na nagsasalita na which signalled the start of the program.
“Tara na bes balik na tayo.”
Hinila ko na siya pabalik ng gym. Ang kulit kasi ayaw pa niya bumalik! E ayoko naman na mamiss yung event diba? Kami yung isa sa mga nagisip nun tapos kami yung wala diba? Hhe.
Pagbalik naman ay tumutugtog na ang band ng school namin. Syempre panay love songs. Nakakatuwa rin kasi napuno yung gym ng mga lovers. Kitang-kita ko yung saya sa mga muka nila. Pati yung mga nasa photobooth. At syempre ang mga muka ng mga taong forever alone. Hindi rin mawawala syempre. Paano mawawala e maski akong bida ng storyang to e single?! Haha. Pero ok lang.
Maganda naman yung naging flow ng program namin. Though syempre hindi maiiwasan ang technical difficulties, ok pa rin. It went well.
Nagsasalita ngayon yung emcee.
“Are you having fun guys?”
“Yes!!!” Sigaw naman ng crowd.
Tama nga ako. I was relieved na kasi nalaman kong masaya naman sila at hindi rin sila nabo-bore.
“And just like anything in this world, everything has its end. Pero bago matapos ang gabing ito ay may isa tayong special na kaibigan na may gagawing extra-special sa isang taong super-special daw sa buhay niya.”
Wow! Ang lakas naman ng loob nung taong yun. Habang busy ako sa pakikinig ay niyaya ako ni bes na maupo sa gitnang chairs. 2 pa kasi yung vacant nun.
“Uy bes. Ayun 2 vacant seats oh. Tara dun tayo umupo!”
“Since nakakapagod tumayo, tara bes upo na tayo dun.”
Pero pagdating namin sa chairs ay nagulat ako ng makita kong nakareserved talaga yung seats for us.
“Uy oh para sa atin pala to. Tara upo na us.”
Sa sobrang busy namin ni bes sa pagupo ay hindi ko na namalayan na anjan na yung special na kaibigan na tinutukoy nung emcee.
Wait, parang nakita ko na siya? I just can’t remember when or where? Hmmm.
“Ehem.. Goodevening everyone.I would like to sing this song for someone who is very special to me. Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko ngayon pero this song fits perfectly what my heart wants to tell you.”
Naks ang cheesy niya! Kinikilig ako.. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla na lang namatay ang ilaw.
“O-M-G bes ang dilim!! Anong gagawin natin?”
“Don’t panic bes. It’s part of it. Chill.”
Ano raw?! Part of it?! Part ng anoooo?
And the next thing I know, may ilaw na nakatapat sa akin. Tumingin ako sa paligid ko pero madilim. Bigla siyang nagsalita. At hindi ko alam ang ire-react ko sa mga nangyayari sa ngayon. Lalo na sa mga sunod niyang sinabi which I did not expected...
“Marcus Quiel Zapanta, this song is for you.”
~~
This chapter is just the introduction of the next chapter. Hindi ko kasi alam paano ipasok agad yung serenade thing kaya ganitong intro yung ginawa ko! PLEASE Vote naman po and Comment! Para alam ko whether to continue this story or not. L Salamat!
BINABASA MO ANG
LOVE KNOWS NO BOUNDARIES (ON HOLD)
Romantik"They say true love is for everyone. Does it mean it is also for those people who belong to the third sex? Is gender a hindrance for two person to fall in love with each other? Is love enough for you to fight for what you really love? What if the wo...