(LESTER’s POV)
It’s been a week since that day. At masaya naman ako sa kinahinatnan ng mga bagay-bagay. Masasabi kong mas naging close kami ni Quiel. Hindi naman sa sobrang close pero atleast kahit papaano walang ilangan sa pagitan naming dalawa. Hindi katulad noon na halos isuka ako ni Quiel. Mas nakakalapit ako sa kanya ng walang alinlangan.
Syempre hindi pa rin mawawala sa akin yung pananabik sa araw na maramdaman niya na mahal na rin niya ako. Tao lang naman ako diba? Naghahangad din naman akong lumigaya. Sino bang may ayaw? Pero katulad nga ng sinabi ko sa kanya noon, hindi ko siya minamadali. Handa akong maghintay dahil mahal na mahal ko siya.
Masasabi niyo bang martyr ako? Siguro oo. E ganun naman talaga kaag nagmamahal tayo. Kahit hindi ka sigurado sa mga posibilidad, kailangan mo maging matapang. Mahal ko lang siguro talaga si Quiel kaya nagawa kong maghintay sa kanya sa loob ng 2 taon. True love eh?
“Hoy ganda. Ano ngingiti-ngiti magisa? Nababaliw lang?”
Haha! Natawa naman ako dito sa taong to. Nakalimutan ko may kasama nga pala ako ngayon.
“Ang ganda ng pasok mo pogi a. Pasensya naman. Masaya lang.”
“Eh yun lang. Ganyan na ba nagagawa ng love!? Nagiging baliw?”
“Hindi no. Pero si Quiel, siguro. Kasi baliw na baliw na ako sa kanya.”
Ang cheesy ba? Hahah! Nagiging corny na yata ako.
“Sa dami ng kababaliwan siya pa? Pwede namang...”
Hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na kasi kung anong sasabihin niyang kasunod.
“Diba pinagusapan na natin to pogi?!”
“Ha? Ah...eh, Joke lang ano ka ba! Ha-ha-ha. Eto masyadong serious. Tara na nga libre na lang kita!”
Yung mga tawang yun. Alam kong hindi totoo. Alam kong nasasaktan pa rin siya. Kahit pa ilang beses niyang itanggi, ramdam ko. At ang mas mahirap pa, wala akong magawa para pagaanin ang nararamdaman niya.
(GERLIE’s POV)
Hello! Siguro nagtataka kayo kung sino si Pogi no? Ako nga pala si Gerlie P. Delos Santos. Isang maganda, sexy, hot, charming at isang maputing nilalang. In short, PERFECT! Syempre, joke lang yon! Hahaha. I’m just a normal girl. Hindi pangit hindi sobrang ganda pero isa lang ang sure ko, binabalikan ako ng tingin ng mga guys. Yep! Guys. You think i’m a guy kasi pogi ang tawag ni Lester sa akin? Well, you’re wrong.
I’m Lester’s bestfriend.Wew! Ang sakit sabihin. Dahil hanggang dun na lang yun. Bakit masakit? Dahil I fell for him. Mahal ko si Lester. Kaso nga lang ayon may mahal siyang iba. Ewan ko ba dito sa bestfriend ko bakit sa lalaki pa nagkagusto. The last time I checked straight naman siya. Ewan ko kung anong nangyari. Pero ano pang magagawa ko? Alangan ipagtabuyan ko siya dahil dun? Masaya siya kay Quiel. Tama lang siguro na maging masaya rin ako for him.
About us? Alam niyang mahal ko siya. Kaya nga lang huli na. Ano pang silbi db? Kahit pa masakit sa akin, tanggapin na lang. Talo na ako eh. Wala akong laban. Mahirap kasi siyang ipaglaban. Lalo na ngayon, iba ang gusto niya. Mahirap kasi na ako lang ang nagmamahal.
Tama na siguro. I mourn for him for years na. Hindi ko pwedeng sabihin na manhid siya kasi alam naman niyang mahal ko siya. Masaya na rin ako kasi kahit pa alam niyang mahal ko siya ay hindi siya lumayo sa akin. We remained bestfriends. And maybe this is the right time para bitawan siya. Sa una panigurado masakit to pero para naman to sa akin diba? Makakayanan ko to. Alam kong bestfriends kami pero siguro kelangan ko muna magpakalayo. Mas magiging madali siguro yun para sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE KNOWS NO BOUNDARIES (ON HOLD)
Romansa"They say true love is for everyone. Does it mean it is also for those people who belong to the third sex? Is gender a hindrance for two person to fall in love with each other? Is love enough for you to fight for what you really love? What if the wo...