Chapter5 (Surprises)

59 0 0
                                    

(QUIEL’S POV)

February 14. Ngayon ay araw ng mga puso. Araw para ipadama sa taong special sayo ang kahalagahan niya sa buhay mo. Siguro para sa akin, sa mga kaibigan ko na lang ipapadama ito? Pwede naman yun diba? Hindi naman necessary na dapat sa ka-relasyon mo lang ipadama ito.

Masaya ako. Dahil kahit sa pait na naramdaman ko noon ay may mga taong nandyan para iparamdam sa akin na may magandang bagay ang darating pa sa akin. May mga taong nag-encourage sa akin na maging matapang at matatag. Masaya naman talaga ako e! Kaso hindi ko pwedeng itago yung katotohanan na malungkot ako. Malungkot na yung dating akala kong relasyong puno ng pagmamahalan ay puno pala ng kasinungalingan. Malungkot na sa unang pagkakataon kong magmahal ay nasaktan pa ako. Alam ko lahat ng relasyon hindi perpekto. At isa yung relasyon ko kay Marc na hindi perpekto.

Nung nakarating ako sa school ay ramdam  na ramdam ko ang Valentine’s Day. Puno ng lovers ang hallways ng school namin. Mga babaeng may hawak ng bouquet ng flowers. Mga lovers na hhww pa. Mga lovers na masaya at tila match made in heaven. At sa pagkakataong ito, hindi ko rin pwedeng itago yung katotohanan na naiinggit ako. Hinihiling ko na sana ay nasa posisyon din nila ako.

Napaisip na naman ako. Paano kung may taong lumapit sa akin ngayon at sabihing mahal niya ako? Kayang ko bang tanggapin yung pagmamahal niya ngayong alam kong masakit pa rin yung sugat na nakuha ko kay Marc? Mali naman na gawing panakip-butas ang isang tao diba? Kahit pa siguro naiinggit ako ngayon ay hindi ko pa rin talaga kayang magmahal. Hangga’t may sugat pa sa puso ko, maling magmahal ako. Kailangan ko munang kalimutan ng lubos yung sakit na nadulot ni Marc sa akin.

Habang nagmumuni-muni ako ay dumating ang mahalagang tao sa istoryang ito, si bestfriend.

“Bes. Malalim na naman yang iniisip mo a?”

“Wala to bes. Nothing serious. Nga pala, Happy Valentine’s Day!”

Nothing serious e sabi nga niya, halatang malalim ang iniisip ko. Ok nga lang ba talaga ako?

“Sus. Sa akin ka pa talaga nagtago bes uh? Kilala na kita. Alam kong may kung ano na naman ang gumugulo dyan sa isip mo. Smile na bes. Baka ma-spoil yung araw na to eh. “

“Tama! Stay positive na lang tayo bes.”

Habang naguusap kami ay lumapit ang kaibigan kong si Maybel sa akin at nagabot ng isang rosas.

Si Maybel ay kaibigan ko na simula pa lang nung bata ako dun sa probinsyang pinanggalingan ko. Kaso kailangan  kong lumipat dito sa Maynila kaya nalayo ako sa kanya pero laking tuwa ko rin nung binalita niyang lilipat na rin siya dito sa school kung saan ako nag-aaral ngayon. Kaya eto, nagkita ulit kami.

“Friend para sayo. May nagpapabigay.”

“Sino naman ang nagpapabigay nito?”

“Hindi ko pwedeng sabihin eh. Sige friend may date pa kami ni Alden! Bye.” Pagkatapos nun ay bigla na lang tumalikod si Maybel at mabilis na naglakad palayo.

OK? What was that? Hindi kaya mali ng napagabutan ni Maybel? O baka naman si bes lang ang may pakana nito?

“Bes sayo ba galing ‘tong rose na ito?”

“HUH? Hindi no bes. Alam mo naman na wala akong hilig sa mga surprises eh. Saka hindi ka ba naniniwala kay Maybel ha?”

“Kapag ba nagtatanong bes wala na agad tiwala? Hay nako!”

“O wag ka na magsungit diyan. Chill ka lang diyan malay mo magpakilala na si mystery stalker mo.”

"Stalker agad bes? E isang rose lang naman to. Sus! Baka mali lang talaga siya ng napagbigyan."

"Panong mali? Wag ka na nga magisip ng kung anu-ano dyan. Buti nga may nagbigay sayo eh." Sabay tawa ng malakas ni Josh.

“Ewan ko sayo bes.”

Sabagay. Hindi nga pala mahilig sa surprises ang bestfriend ko. Gusto niya deretsahan lahat ng bagay. Pero kung hindi kay bes galing ang rose na ito e kanino? Wala naman akong kilala na may gusto sa akin dito. Malabo. Isang dahilan na lang ay dahil sa kasarian ko. Hindi na ako umaasa na mayroon. Minsan na akong nasaktan kaya hindi na talaga ako umaasa. Hayyy. Windang na ko kakaisip a!

Habang busy ako sa pagiisip kung sino yung taong nagbigay nito ay lumapit naman yung professor ko sa music na si Mr. Pablo

“O Quiel andito ka lang pala. Heto may nagpapabigay nito sayo. Mukang maswerte ka sa kanya ha?”

“Salamat po sir pero sino po ba talaga ang nagpapabigay nito?”

“Malalaman mo rin yan Quiel. Relax ka lang. Osige ako’y uuna na sa inyo.”

Chocolates? Hindi nga kay bes galing ang mga ito. Alam ni bes na bawal sa akin ang chocolates eh. Grabe naman itong mystery stalker na ito! Bakit siya ganito? Dalawang beses na may nagbigay sa akin. Ibig sabihin hindi talaga sila nagkakamali ng pinagaabutan. At ang tapang naman niya para si Maybel at Mr. Pablo pa ang pinakiusapan niya.

Aalis na sana kami ni bes ng may isa na naman mula sa mga kaibigan ko ang lumapit sa amin.

“Ano Jerico? Don’t tell me may nagpapabigay na naman sa akin?”

“Yes!” Masayang sagot ni Jerico. Hindi nga ako nagkamali.

“Sino ba kasi siya?!”

“O relax ka lang. Malapit na siya magpakilala sayo. Alis na ko ha! Bye!” Sabay takbo palayo.

AYOKO NAAAA!!! Mahirap rin pala itong mga ganito? Mahirap magisip!!

Niyaya ko si bes na pumunta sa lockers namin para ilagay muna yung mga gamit ko. Mahirap magbitbit ng kung anu-ano eh. Pagdating namin doon ay may note na nakalagay sa pintuan ng locker ko.

“Happy Valentine’s Day. Today, I will make you feel so special. Smile! I really love it when you are smiling.”

OK? Sino ba talaga siya? I admit, kinikilig na ako sa kanya. Pero paano ako kikiligin ng husto kung hindi ko naman siya kilala?! Urgh! Pero iba siya. Sweet siya. At iba rin ang pakiramdam ko sa kanya.

Siguro ay hindi na maipinta ang muka ko ngayon dahil sa pagiisip kung sino ba talaga itong taong ito? Nakakayamot!

“Ano bes suko ka na sa kakaisip?”

“Nangaasar ka ba bes? Oo suko na ko!! May kinalaman ka ba talaga dito?”

“Wala bes. Pero mukang alam ko na kung sino.” Biglang nagsmirk si bes pagkatapos niyang sabihin ito.

“Sino ba kasi!? Naiinis na ko kakaisip!!”

“Relax bes. Wag ka magmadali. Everything has it’s own time.”

“Ewan ko sayo!!!!”

“HAHAHAHA! Tara na nga bes at may aayusin pa tayong event para mamayang gabi.”

“Oo nga pala! Tara na sa Student’s Office.”

Habang papunta kami sa S.O ay ramdam talaga ang Valentine’s Day. Nagpapatugtog pa sa buong campus ng love songs at may mga dedications pa. May mga iba’t-ibang booths din na talagang nakaka-enjoy.

Habang busy kami sa pagaayos para sa event/party mamayang 6 ng gabi ay bigla na lang nawala si bes. Hmm, saan na naman kaya yun pumunta? Tss. Iniwan na naman akong magisa. Hayyy.

~~

LOVE KNOWS NO BOUNDARIES (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon