Chapter 2: Begin

70 4 0
                                        

Roshelle's pov



"Para saan ba to?" Tanong ko matapos kong ibigay sakanya ang mga pinafill up-an nya sakin.

"Di ko rin alam kay Mrs.Sanchez." simpleng sabi nya habang inaayos ang mga papel na hawak nya. "Pero ang alam ko para to sa profile mo." Sabi nya pero inirapan ko lang sya.

Duh~ halata namang profile yan pero bakit kailangan pa nun? Sa dating school namin NSO certificate lang pwede na.

"Sabihin mo sa kaibigan mo fill up-an din nya to." Sabi nya bago iabot sakin ang papel na kapareha ng sakin kanina.

"Sige aalis na ko." Sabi nya kaya napatingin ako sakanya. Iiwan nya ko dito? Dinala dala nya ko dito tapos di nya ko ihahated sa kwarto ko? Paano kung maligaw ako?

Napataas naman ang kilay ko ng makita ko syang bumalik sa pwesto ko. "Oh, kala ko ba aalis kana?" Mataray na sabi ko.

"Ito yung map, Malaki ang dorm na to baka maligaw ka na naman!" Diretsong sabi nya habang inaabot sakin ang isang cellphone bago tuluyang umalis.

Map daw, eh cellphone kaya tong binigay nya! Tsk. Wala na kong nagawa kundi buksan nalang iyon. Wala akong ibang pwedeng gawin sa celphone na yun kudi pa--oo nga noh? Kaya nya siguro to inabot sakin para macontact ko na si jessa at masundo nya kong saang parte man ito ng dorm.

Nasa parang bar kasi ako. Parang bar kasi may bartender dito tska mga disco light. Kompleto sila lahat dito may gym, swimming pool, sport gym at may mini restaurant din parang pangmayang hotel lang ang peg.

Tuluyan ko ng binuksan ang phone na binigay nya. Medyo nagulat pa ako ng makita kong map nga iyon. High tech na map. Wow lang ha! tinuturo na agad neto kung saan ako dapat dumaan.

Sinundan ko lang ang tinurong daan netong map na hawak ko pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si jessa patungo sa direksyon ko. di nya ko nakita dahil nakayuko sya.

"Huy! Babae!" Sigaw ko para maagaw ko ang attention nya.

Tamad syang lumingon sa akin pero agad rin syang nagulat ng makita nya ko. Tumakbo ako patungo sakanya. Mukhang naliligaw sya.

"Saan ka ba galing?!" May pagkaasar na tanong nya kaya naman nahihiya akong napatingin sakanya dahil mukhang kanina nya pa ako hinahanap.

"Ano, sa....ano--"

"Saan!?" Sigaw nya pa kaya di ako natuloy sa sasabihin ko.

"Kalma! NagCr lang ako!" Sabi ko pero parang di sya naniniwala dahil pinaningkitan nya pa ko ng mata.

"Di ako nanlaki! Promise!" Mabilis na sabi ko kahit wala naman syang sinasabi.

"Sino yung...kevin--kenji--"

"Kenjin?" Paninigurado ko. Kung iyon nga ang pangalan na itatanong nya.

"Oo, tama! Sino yun ha?!" Pasigaw pa na tanong ni jessa bago napatingin sa hawak ko.

"Ano naman to?" Tanong nya pa.

Napatingin ako dun bago ko inabit sakanya. "Para syang navigator. Ituturo nyan ang daan patungo sa kwarto natin." Paliwanag ko habang sya naman ay sinusuri iyon.

Napansin kong di naman ganun kalakihan ang dorm na to madami lang talagang pasikot sikot. Pero pinagtataka ko lang bakit sobrang daming holeway dito? Tsk. Pangulo lang yun eh!

"Oh sya! Tara na at inaantok na ko!" Sabi nya. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong oras na nfa para matulog. Ang tagal pala naming magkasama ng lalaking yun? Infairness di ko napansin.

"Tara na!" Sabi ko rin bago kami sabay na naglakad patungo sa kwaeto namin.

3rd person pov

SCHOOL OF BADASSWhere stories live. Discover now