chapter 3: Trouble

61 4 1
                                    

"So graduating kana pala?" Tanong nya habang naglalakad lakad kami dito sa campus.

"Oo nga eh!" Sagot ko naman. Nagkwentuhan kasi kaming dalawa about sa mga bulayp namin.

Nakwento nya sakin simula elementary palang ay dito na sya nagaaral pero nagstart lang sya magdorm nung nagcollege sya soo 4years na syang namamalagi dito. 4th year college na din kasi sya.

Nakwento rin nyang yung about sa bf nya at kaibigan nya. Ang saklap nfa ng ginawa sakanya dahil di manlang sya nirespeto ng boyfriend, i mean ex nya at ng kaibigan nya. Tsk! Bakit kasi kailangan pa mang agaw ng kaibigan nya ang dami namang lalaki jan sa rabi tabi! Yung tambay sa kanto namin pwede na yun sa kanya! Yung gagong ex naman nya alam nyang kaibigan ng gf nya syosyotain din! Abugh! Fago talaga. Tsk.

"Eh bakit ka lumipat? Graduaring ka naman na pala.." tanong nya pa ulit.

"Di naman talaga ako lilipat dapat kaso nagkaproblema kasi sa dating pinapasukan namin kaya lumipat kami." Sagot ko naman sa tanong nya.

"Ikaw? Sabi mo sakin kanina malapit lang ang bahay mo dito pero bakit ka pa magdorm?" Tanong ko pabalik. Ang sabi nya kasi sakin nasa pangatlong kanto lang mula dito ang bahay nya. Mga isang sakay ng trycicle lang yun pero pinili parin nyang magdorm.

"ayoko kasi tumira sa isang bahay na ako lang mag isa." Simpleng sabi nya pero parang may kirot sa bawat salitang binigkas nya kaya naman nagaalala akong napatingin sa kanya. Di ko ata dapat tinanong yun.

"Okay lang ako, wag mo ko tignan ng ganyan." Sabi nya habang tumatawa pero halata namang peke yun.

Mapait akong napangiti dahil naalala ko sakanya si rose. Parehas silang nakatira lang sa isang malaking bahay. Di ko lang sure kung same sila ng katayuan sa buhay. Sa kilos at pananamit nya kasi parang di sya mayaman...

"Parehas kayo ng bestfriend ko..." out of nowhere kong sabi.

"Sinong kaibigan?" Tanong nya.

"Yung kasama ko magtransfer dito. Ipapakilala kita mamaya sa kanya. Mabait yun may pagkakeringkeng nga lang." Sabi ko bago kami sabay na natawa..

"Sis, diba sya yung toy ng boyfriend mo?"

Nagtataka akong napatigil ng biglang tumigil sa pagtawa si Elaine na ngayon ay nakatingin ng diretso sa limang babae na nasa harap namin.

Base sa pananalita nila siguradong isa sa kanila ang kinukwento sakin ni elaine na kaibigan nyang umagaw sa boyfrien nya

"OMG! Bakit may pakalat kalat na Aso dito sa campus? At may kasama pang hipon!" Sabi naman ng isa dahilan para magtawanan sila.

Teka? Tama yung narinig ko diba? Ako ba yung hipon na sinasabi nya?

"Wait mga ateng ha! Sino naman yung tinutukoy nyo?" Maangas na tanong ko. Aba! Wag lang sila magkamali.

"Ano ba yan elaine, tanga ba tong kasama mo? Ovbious naman na kayo ang tinutukoy ng mga sissy ko eh!" Maarte naman na sabi ng babaeng nasa gitna. So sya ba yung sinasabi ni elain?

Pwe! Di naman kagandahan! Ang lakas pa sabihan akong tanga At mukhang hipon? The hell' mas mukha pa silang hipon noh! Tsaka excuse me lang, dumi ko lang sila sa kuko!

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Elaine.

"Hayaan mo na sila jessa! Wag kang papatol sa mga mabababang uri ng taong katulad nila!" Diretsong sabi nya habang diretsong nakatingin sa mata ng babaeng nasa harap nya.

Ay pak! Labayn! Okay, may point naman sya dun eh.

"Alam mo elaine, may point ka dun! Tara na baka di ako mapagtimpe at iluto ko ang mga hitong to!" Sarcastic kong sabi bago kami sabay na tumalikod sa kanila ni elaine pero napatigil din kami dahil may isang hito na naman na nagsalita.

SCHOOL OF BADASSWhere stories live. Discover now