Jessa's pov
"Salamat kanina..." simpleng sabi nya.. one thing na napansin ko sakanya, mahinhin sya but still she's cool in her own way..
"Ano ka ba! Wala yun, wala rin naman akong balak patulan yung panget na yun kaso naginit lang talaga ulo ko sa kanya! Sabihan ba naman ako ng panget? Aba! Wala pa sya sa talampakan ko--" napatigil ako ng bigla nalang ako makarinig ng malakas na pagtawa mula sa babaeng kasama ko dito sa court.
Bakit sya tumatawa? Wala naman ibang tao dito sa loob ng court kundi kaming dalawa lang kaya nagtataka ko syang tinignan..
"Sorry-- i cant help it!" Sabi nya habang halos naghahabol na sya ng hininga sa pagtawa.. "alam mo? Mukha ka lang inosente na di makabasag pinggan pero ang totoo na kakatuwa ka at palaban, malakas din ang loob mo, alam mo ba yun?" Natatawa parin nyang sabi. Di ko sya nagets dun kaya wierd ko syang tinignan.
"Uh..huh?" Wala sa sarili kong tanong..
"Bukod kay jane, ikaw pa lang ang kumalaban kay sandra.." nakangiti na nyang sabi.
I found myself smilling at her too.. nakakahawa yung ngiti nya. She's so beautiful with her smile..
"ELAINE!"
Sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw ng pangalan ni elaine. She's wearing t-shirt and skinny jean pants. Simple but hot.
Naglakad sya papunta sa pwesto namin, she looking at me emotionless kaya di ko mabasa kung ano ang nasa isip nya.. hellya'h nababasa ba ang isip? Tsk.
"Ikaw ba si jessa?" Diretsong tanong nya. Wala manlang hello?
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni elaine at ganun din ako. Nagkatinginan pa kami bago ko sya sinagot.
"Oo, ako nga!" Nagtataka kong sabi..
"Congrats! Kalat na sa buong school ang ginawa mo kay sandra." Simpleng sabi nya.
What the hell! Is she kidding me? It was just only 10 minutes after what happen then the news spread instantly? Wow! Just wow! May pakpak talaga ang balita hane?
Gulat ko syang tinignan pero ang dalawang babae sa harap ko ay tila sanay na..
"Si Sandra pascual ang QueenB sa school na ito! Bukod sakin wala nang naglalakas loob na labanan sya..." simpleng sabi ni elaine.
Yung mukhang hipon na yun? QueenB? Duh~ hindi bagay sa kanya..
"Bukod sa mayaman sya, marami rin syang kaibigan na handang sundin kung ano man ang iuutos nya. Leader sya ng darkpeace kaya lahat ng studyante dito takot sa kanya." Paliwanag pa ng babaeng kakadating lang.. ano kamo? Darkpeace? Ano namang kacheapan yan?
"D-darkpeace?" Naguguluhan ko g tanong.
"Gang yun jessa. nga pala sya si jane, kajbigan ko at ka room mate ko sa dorm..." pakilala naman ni elaine sakin sa kaibigan nya. Nagbatian naman kami.
So kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng yun mag matapang kasi akala nya takot din ako sa kanya? Tsk... in her dreams! Wala kong pake sa gang nya! So cheap!
"Payo lang jessa, iwasan mo yung bruhang yun... madami syang kayang gawin." Paalala nya. Wala namang masamaa kung magiingat kaya ngumiti nalang ako sakanya.
Roshelle's pov
"ANO BANG KAILANGAN MONG HAYUF KA!?" Sigaw ko kay ryan na kinakaladkad ako ngayon. Wala ng tao dito kaya medyo kinakabahan nako..
Nagsisisi na talaga ako na naging kami ng lalaking to!
"Mag uusap tayo!" Blangkong sabi nya.
"Tanga ka ba? Naguusap na tayo oh! San mo ba ko dadalhin! Ano ba--AAWW!!" Napangibi nalang ako sa sakit ng bigla nya kong ipasandal sa isang locker at ipako gamit ang mga braso nya..
YOU ARE READING
SCHOOL OF BADASS
FanfictionSCHOOL OF BADASS: Date Started: 12.27.2017 Date Ended: ---------