Chapter Two: His JournalLone
I slept in peace, I wish I was.
"Ate paabot ng kanin." Narinig kong sambit ni Krem. I give it to him without teasing him back. I'm not in a mood I guess.
Friday, at sa wakas, bukas ay walang pasok. Next week, may isang linggo pa kaming papasukan before Christmas party. I wish I can have my peaceful Christmas vacation right now.
Nakita kong lumabas si Mama mula sa kusina, holding three lunch boxes. Inabot nito ang akin na kulay peach at kay Kremlin naman na yellow. "O' ayan, ginawan ko kayo ng pangtanghalian niyo, ubusin niyo yan."
"Yes ma," sabay naming sabi ni Krem. Nagpatuloy lang kami sa pagnguya ng mapadako ako sa isang blue lunch box na hawak ni mama.
"Ma, kanino yan?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Ah, eto?" Turo niya sa hawak niya. "Naalala mo ba si Maricris, yung kumare ko? "
Tumango ako.
"Para sa pamangkin niya ito, naawa ako magisa lang sa bahay e' minsan napadalaw ako, ke-bait na bata, tahimik lang. Medyo mga matanda lang ng halos isang taon sayo."
"Ah.." Tanging tugon ko. Nagpatuloy ako sa pagnguya. Naalala ko ang bagong kapitbahay namin. May alam kaya si Mama?
"Ma?"
"O ano? Dedede ka?" Napabusangot ako. "Juk lang, nak. Ano yon?"
"May bago ba tayong kapitbahay?" Tanong ko.
"Bagong kapitbahay? Wala naman 'nak. Ano ba ang tinutukoy mo?" Nagtataakang tanong nito.
"Yung bahay sa tapat ng kwarto ko ma. Yung bahay dati ni Ate Maricris."
"Ay nako, nak. Walang bagong kapitbahay." Natatawa niyang tugon. "Baka ang tinutukoy mo ang pamangkin niya. Yun yung sinasabi ko kanina. Pansamantalang tumira iyon doon. Naawa nga ako sa kwento at dinanas non. Maagang naulila, tapos napakatahimik siguro dala nga noon at namuhay siya ng magisa sa sarili nilang bahay. Pangalan nga pala non ay–"
"Rid..?" Mahina kong tugon. Ngunit hindi ito nakatakas sa pandinig ni Mama.
Tinignan ako ni Mama sa kaunting pagkagulat. "Kilala mo nak? Kaibigan mo?"
"Di naman gaano ma, schoolmate lang.." Tanggi ko.
"O' kahit na, mabuti yun at nakikilala mo siya." Nakangiting sambit niya sakin. "O' siya ikaw na rin ang bahalang magbigay nitong baunan sa kanya bago ka pumasok."
Nanlaki ang mga mata ko. Hala?!
"Eh?" Bulas ko.
"Bakit? Para makilala ka rin niya."
"Ah.." Nag-aalangan kong sagot. Napatingin ako sa oras. Maaga pa, so anong ipalulusot ko? Ayoko pang makita ang taong yun!
Pasimple akong napakamot ng batok, nag-iisip ng palusot. "..eh ma late na ko!"
Tanga.
Kumunot ang noo nito. "Maaga pa nak. "
"Hindi ma.." Napatingin ako saglit sa kisame. "M-may practice kami eh. Reporting baka magalit mga kagrupo ko. Oo tama,"
Kinuha ko bigla ang bag ko ng hindi pa natatapos sa pagkain. "Una na ko, bye!"
Tumakbo ako palabas ng pinto. "Ingat nak, aral mabuti!"
Ngumiti ako pabalik at sumakay ng jeep.
××××
Nakahingang maluwag ako ng makarating ako sa school. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa. Ang tanga ko talaga, anong dadatnan ko? Dumeretso ako sa room at laking pasasalamat ko dahil may ilan na pumasok na. Siguro magaaral, at magrereview para sa quiz last subject.
![](https://img.wattpad.com/cover/132347659-288-k760701.jpg)
BINABASA MO ANG
The Deadline
Ficción GeneralThirty days before the last. Lightian Klein can't believe she just foreseen the future of her schoolmate, Riddle Alcante. But she got the bad news on it. The one she foreseen got a terrible tragic ending after thirty days from the present. And all s...