Chapter III - 1: BESTBUDS Amos.

58 0 0
                                    

Chapter III - 1: BESTBUDS Amos.

written by: ArdeiygnZakki © 

<Amos' POV>

*BLAM!*

"hulaan ko hinuhuli mo buddy, kundi palaka, farfarow.." bagsak si Nivlem, di ko naman sinasadya eh, napatid sya sa paa ko habang naglalakad.

At bagong kulisap sa mundo namin ang farfarow, sa english, vutterply. :))

"TAKBO!!" narinig ko na lang mula sa likuran kong sigaw nya kaya alam ko na ang susunod.

Imbes na tumakbo ay humakbang lang ako ng dalawang malaki sabay upo.

Pinatong ko pa sa ulo ko ang aking mga braso bilang proteksyon sa tatanga-tangang kapre sa likod ko.

*BLAG!*

Subsob ulit ang loko.

Hindi naman nya kinarir ang pakikipagpalit ng mukha sa lupa.

Alam ko kasing pagkasabi nya ng TAKBO ay hahabulin nya ko.

So umakto akong patakbo at saka umilag sa pagsunggab nya sakin kaya hindi nya inasahang wala syang mahahablot pagtalon nya, ayun, shoot ang nguso.

"Two points!" biro ko sa kanya. Nilapitan ko na at saka inalalayang tumayo.

"ARRGGH! Bakit ba punung-puno ng disgrasya ang buhay ko kapag kasama kita, buddy?"

wala ng ganti ang loko eh, nanisi na lang ng katangahan.

Pagtayo nya ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang braso sa mga balikat ko.

Inakbayan na nya ko at nagdesisyong dumiretso na pauwi.

"Pero alam mo buddy, hindi ako nagsisisi na ikaw ang bestfriend ko.

Kahit gaano ka kagago, alam kong sagot mo ko.

Sana lang tapos na yung pagkakataong yun sa buhay natin."

seryosong sabi ni Nivlem habang nakaakbay sakin.

At unti-unti, mula sa kawalan ay hinigop ako ng aking isipan pabalik sa mundo ng mga Nemik, makikipag reunion ako kay Picollo at sa mga tropa nyang tipaklong.

Pero joke lang un, ang naalala ko ay yung iba't ibang kaganapan sa pagkakataong tinutukoy ni Nivlem.

Ang pagkakataong nagpalalim sa aming pagkakaibigan.

**flashback**

"This is a restricted area gentlemen, I'm afraid you can't pass thru." sabi ng isa sa mga panget na security na nakaharang sa pintuan ng concert hall kung nasaan ang parents ni Nivlem.

"DAFUQ! CAN'T YOU UNDERSTAND THE SITUATION GUYS?!

EVERYONE INSIDE IS IN GRAVE DANGER!"

sigaw ni Nivlem sa kanila na bakas pa din sa mukha ang pag-alala.

"Tama na Buds, mauubos lang oras natin, let's split up, magtawagan na lang tayo kung sino unang makakita sa kanila." suggestion ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot bagkus ay tinapik na lang ng bahagya ang balikat ko at saka tumakbo sa kabilang direksyon..

**flashback #2**

*bzzt bzzt*

Calling...

Buds Niv. xD

"Kita ka dito sa taas buds, nasa harap ng stage sila Dad, sa right side mo, DALI!" pagkarinig nun ay nakipagsiksikan na ko sa crowd na nakatayo sa gilid para makarating sa kinaroroonan nila tito. Ang pwesto nila ay nasa pinakaharap at pinakagitna ng stage, sa tabi ng center aisle.

"Tito Reuben, Tita Emily, mapanganib po dito, kailangan na po natin umalis!" natataranta kong hinihila ang mga braso nila para patayuin sila, pero hindi sila natinag sa kanilang pag-upo.

"Amos? Bakit nandito ka? Asan si Nivlem? Pano ka nakapasok, bawal ka dito ah! Saka anong panganib? Anong bang problema?" bakas ang pagtataka sa mukha ni tito.

"Ladies and Gentlemen, the Star of the Night, Lady Yelle!" umalingawngaw ang voice-over sa buong concert hall.

Lumabas mula sa likod ng tabing ng stage ang isang napakagandang babae na may hawak na mikropono at lumakad papunta sa dulo ng stage. Nagsimula ng tumugtog ang pyesa ng kanyang awitin.

 (Si "Lady Yelle" sa kanyang supposed-to-be performance.) ---------->>

"TITO, TITA, I'M SORRY, PERO KAILANGAN NYO NG UMALIS!" sinigaw ko na ito na hindi na nakikiusap kundi nag uutos na sa kanila. Hinigit ko ng buong lakas ang tig isang braso ng mag asawa at napwersa ko naman silang tumayo. Dinala ko sila sa center aisle, pinagtabuyan palayo at ang sumunod ay..

*BOOM!*

*BLAMM!!*

*KRRT.. KZZT!*

Lumingon ako at nakita ko na sa harap ng mga naglabasang apoy at pagwasiwas ng mga kawad ng kuryenteng naputol, ay ang isang lalaki na tinulak yung magandang babae sa stage patalon sakin sa baba.

Bumagsak sakin yung babae at...

*POOM!*

"ARRRGGGHHH!!"

isa pang matinding pagsabog ang narinig ko kasabay ng pagdilim ng buong paligid.

**flashback #3**

*TEN DEN DEN DIN!*

"Doctor Santos, ER asap, Dr. Santos - ER please."

"Dito po sir, hanggang dito na lang po kayo."

"Nurse, vital signs please.

You, get me Dr. Santana, NOW!"

Halo-halong ingay ang naririnig ko sa paligid. Hindi ko alam kung nasan ako at sino ang mga tao sa paligid ko. Sinubukan kong gumalaw pero napakasakit ng buong katawan ko. Nakamamatay na sakit na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero sobrang sakit ng aking sentido na hindi ko maifocus ang aking paningin. Puro shadows lang ng mga tao sa paligid ko at sobrang liwanag ang rumerehistro sa isipan ko.

Narinig ko na lang na isang familiar na boses ang nagsalita sabay harap ng mukha nya sakin. Hindi ko maaninaw kung sino sya, napakasakit ng ulo ko kaya mas pinili ko na lang pumikit at indahin ang sakit na nararamdaman ko.

"Hindi na kita masasamahan sa loob pero hihintayin kita dito. Ipangako mo saking magkikita pa tayo. Ikaw lang ang kakampi ko ngayon. Hihintayin kita dito sa labas!" yun na lang ang naalala ko at kasabay nun ay nawalan nako ng malay tao.

**end of flashbacks**

---

A/N:

Sorry late update!

wala pong time mag update the last time eh, kaya hinati ko sana ang chapter na toh para hindi kayo mainip sa upadates but since hindi ko din sya na-UD ontime, ere na ho, wag na magalet!

-- double updates !!

enjoy reading guys!

sana naman yung ibang silent readers mag react. mag input baga. :P

comments and votes lang oh, pambayad effort! xD 

HEART TALKS. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon