Chapter IV: The Underground

69 1 0
                                    

Chapter IV: The Underground

written by: ArdeiygnZakki ©  

<Amielle's POV>

Nagmamadaling sumalubong si Gabriel sakin pagbaba ko ng sasakyan.

"MiLady, they're waiting for you inside, the meeting just ended and Lord Maron presided it." magalang na nakayuko sakin si Gabriel. Itinaas ko lang ang mukha ng magalang kong Chief of Security at ngumiti bilang tanda ng pasasalamat. At dumiretso na papasok sa palasyo.

"WHERE DO YOU THINK YOU'VE BEEN, GIRL?!" umalingawngaw ang malakas na boses ng isang binatilyo sa taas ng hagdan ng palasyo.

Inasahan ko na ang hindi kaaya-ayang pagsalubong na ito galing kay Maron, ang kilabot na apo ng organisasyon.

At sa tabi nya, ang nakawheelchair na si Don Raef Aiken, ang Grandmeister ng Underground.

"She's a part of the Underground, Maron, don't address her as just a nobody." kalmadong sabi ng Don.

"but Lolo, she's the reason why your rightful heir was dead!" pagkontra nya sa matanda. Pampam lang eh no, porket apo, maangas agad?

Habang nagtatalo sila sa harap ko ay dumukot ulit ako ng lollipop sa bulsa at nagsimulang balatan ito.

"It's not her fault, grandson, how many times do I have to tell you?" yumuko na lang ang Don at hinimas ang sentido.

"That doesn't even matter! We lost Ephraim all because of that weakling!" pilit pa din si koya oh. PMS?

Nabalatan ko na ang lollipop ko at isinubo ko ito. Sumulyap ako sa kanila at nakita ko na nakatalikod sakin si Maron at nakikipagtalo pa din sa Don.

"You have to understand that its a part of our lives. Normal people die, and so are we. I'll be dying too someday and no one can do anything about it." giit pa din ng Don sa kanya.

"But not that way lolo! Ephraim was killed! Ni hindi man lang nga sya nakalaban, dahil ano? Sa pagprotekta sa kanya! Nawalan ng pulso ang Underground sa pagkawala ng pinsan ko. At hanggang ngayon, sya pa din ang nagpapahina satin!" nanggagalaiti si Maron sa bawat binibitiwang salita.

At eto ako... Nakaupo sa harapan ng grand staircase habang nagkukutkot ng kuko. :)

Sige lang, away kayo. Haha..

Paliwanag ang Don.

Sagot si Maron.

Punas ako oily face.

Pangaral ang Don.

Sigaw si Maron.

Check ako split ends.

Cguro mga 15 minutes na silang nagtatalo at 15 minutes na din akong walang pakialam ng magulantang ako sa isang bulyaw kasabay ng paglapit ng isang tao sakin sabay higit sa damit ko upang hilahin ako patayo.

"You don't deserve to succeed the throne! Hindi ikaw ang dapat na magmana ng lahat ng ito!"

Sa bigla ng pangyayari ay hindi ko na nagawang alamin kung sino pa ang lapastangang bumaltak sakin.

Bigla kong hinigit ang kamay na nakahawak sa damit ko sabay pilipit sa braso nya ng buong lakas. Inikot ko sya patalikod sakin at saka binuhat pahampas sa sahig. Habang hawak pa din ang pilipit na braso ay nagtumbling ako sa kanyang nakalupasay na katawan, sabay bitaw sa braso at umang ng dulo ng sandals ko sa kanyang leeg.

HEART TALKS. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon