Chapter V: A Date with Memories

55 1 0
  • Dedicated kay Jessica Masmila DeLina
                                    

Chapter V: A Date with Memories

written by: ArdeiygnZakki ©  

<Amielle's POV>

"IKAW!" bungad nyang sigaw sakin pagkakita ko sa kanya.

Bumulaga sakin ang presensya ni Maron. Halatang nag dadalawang isip sya sa paghaharap namin pero mabilis nyang nabawi ang composure nya at tumalim ang tingin sa akin.

"Oo, ako nga, alangan namang ikaw? Aking lugar to diba, kwarto ko to, gusto mo sayo?" sa isip-isip ko, pero nakatitig lang ako na may kahalong pagtataka pa din kung bakit sya nandito at kung sya ba ang nag-iistalk sakin.

Nung hindi ako umimik ay tumuloy sya ng salita. "You might have lolo's side and the next heiress of the Underground, but I still don't trust you. Keep your head on the game or lose it somewhere along the way."

Nagtama na naman ang talim ng tinginan namin. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinutol ng isang salita ang intensity ng titigan mula sa isa pang presensya.

"Is there something wrong here, MiLady? MiLord?" biglang sumulpot si Gabriel mula s hallway sa likuran ko..

Palapit sya sa amin ni Maron habang nasa likod nya ang kanyang mga kamay, ramdam ang vigilance sa kanyang presensya.

Naningkit ang mga mata ni Maron na tumingin sa kanya, pagkatapos nun ay bumalik ang tingin sa akin.

"Don't try and make any foolishness around Amielle, I'm always watching you. Bear the gravity of your responsibilities." may tonong pagbabanta sa boses ni Maron. Pagkatapos nun ay tumalikod na sya at umalis.

Nang wala na sya sa pananaw namin ni Gabriel ay binalingan ko naman ito at nginitian, sabay haplos sa kanyang mukha tanda ng pasasalamat. Nginitian din nya ako at nagbow ng bahagya, bumalik na ako sa loob ng aking kwarto at iniwan sya sa labas na nakatayo at nakamasid sa akin.

Humiga ulit ako at nag isip ng irereply sa kumag na nagtext sa akin. Naalala ko ang bilin ni Lolo -- ENJOY. Kaya wala akong pakialam sa nararamdaman ni Maron. :Þ

Nagsimula nako magtype.

To: Batman ^_^

"Hi there. Sorry kung umalis ako kaagad. I have an urgent call that I need to attend to. Know what? Let me make it up to you guys.. Why don't we meet again.. hmm.. Maybe next week? Basta treat nyo. :) Set up a date! :þ"

Ang cute ng name nya sa phonebook ko diba? Batman. Not the superhero, but the taong paniki. Hihi.. ^_^

<Nivlem's POV>

Delayed message ba? Or hindi lang talaga ko nirereplyan ni Aimee? (hehe.. FC diba? May sariling tawag..) Alam ko na it's half past ten in the evening na pero siguro naman hindi pa tulog yun diba? Alam ko iniisip pa nya ko eh. Kung pakapalan lang naman, eh lalaban nako dyan, wala namang bayad pag talo diba? Haha..

Nakahiga lang ako sa kama nun at nakatitig sa kisame ng kwarto ko kaya nainip ako sa paghintay sa text na hindi naman dumadating. Hinagis ko na lang ang phone ko sa tabi ng kama. Bumangon ako at naisipang lumabas sa veranda ng kwarto para magpahangin. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay dumampi na sa mukha ko ang ihip ng banayad at malamig na hangin. Isang animo'y mapang-akit na haplos na sumasayaw sa saliw ng nakaka-ibig na musika.

Ganito ba talaga ang utak ko?

Lahat na lang puro porn? Ultimo hangin pinagnanasahan ko pa.  ~_~'

HEART TALKS. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon