Chapter 2 - Her.
Ahh.!! nakakainis talaga yung lalaking yun. Hay badtrip!! alasais palang nag-aabang na ako dito sa bahay nila at ini-intay s'yang bumaba mula sa kwarto n'ya. "Tita Clary a-akyatin ko na po si Akee sa kwarto n'ya." Pag-papaalam ko sa nanay ng hinayupak na lalaking dahilan ng pag-aantay ko ng halos isang oras.
"Ahh!! nakakaasar ka talagang lalaki ka!!." Usal ko sa sarili ko habang pinapadyak ang paa paakyat ng hagdan. Hindi ba n'ya alam na kailangang maaga kami ngayon para maka-siguradong mauuna kami sa pila?? inagahan ko pa namang gumising tapos inipon ko pa ang lahat ng taglay kong Kapangyarihan na naimbak sa pantog ko para sa araw na ito. Ngayun kasi namin na pag-usapan na ngayung araw kami mag-papa urine test para makumpleto na yung medical requirement sa company namin. Ang totoo nyan after ng college graduation ay nag-umpisa na kaming mag-training. Sa umpisa hindi naging madali yung training namin kasi s'ya nag-umpisa bilang Janitor at ako naman ay Elevator Girl. Take note, Janitor at Elevator girl yung kauna-unahang pinatrabaho nila sa mga anak nila knowing na ang mga tatay lang naman namin ay ang may pinaka-malaking share sa companya. Bait nila no?? ganda eh!! akala ba nila madali yung mga pina-gagawa nila?? aba!! hindi kaya birong bumati ka araw-araw habang sinasabi ang mga katagang. "Hello Ma'am, Sir welcome to the elevator." Diba hindi madali?? tapos bawat bati mo kailangan mo pa'ng sundan ng tanong na "Ma'am, Sir sa'ang floor po tayo??" diba nakakabad-trip. Para akong sirang plakang paulit-ulit ng linya. Ok enough of dramas may kailangan pa akong bunga-ngaan dito. Inilabas ko muna yung cellphone ko kasi naka-isip ako ng bright idea. Ting!! idina-ial ko yung number ng pinsan kong si Topper para mag-patugtog ng malakas na rock song para mabulabog sa pagtulog ang hinayupak na lalaking nag-ngangalang Markee Latex. Nang marinig ko na yung malakas na tugtog na nag-mumula sa kabilang bahay kung saan ako nakatira. O diba ang galing ko mag-isip ng pampagising?? that's my revench para sa pag-papaantay n'ya sa akin na useless naman pala kasi nakalimutan n'ya na may lakad kami. Wait, teka lang nag-pakilala na ba ako?? i think hindi pa kaya ... Ako ng pala si ROSALYN ENAMEL aka ROSE 20 years old. Kagaya nga ng sinabi ko kanina fresh grad. ako--kami ni Akee kaya nga ito keaga-aga nabu-bwisit ako eh.
Ok. I hate long and dramatic introduction kaya pwede nayan, ngayon kailangan ko ng bumalik sa business ko dito which irg para gisingin ang hinayupak na si Akee.
Tok ... Tok ... Tok ...
Piste talaga 'tong lalaking to kahit pag-bukas nalang ng pinto ay napakabatugan pa.
"Hoy. Mr. Markee Latex. Bumangon ka na d'yan at tirik na ang araw sa labas. Ipa-papaalala ko lang sayo na ngayon na natin ipapasa yung urine sample na hinihinge ng clinic para matapos na yung medical natin." Talagang tinawag ko yung buong pangalan n'ya kasi alam ko na alam n'ya na kapag ginawa ko 'yon ay siryoso na ako.
"Galit agad??" Isan mapang-asar na tanong ang nagmula sa kanya. Siraulo pala 'tong lalaking 'to eh. Nakuha pa n'ya akong tanungin pagkatapos n'ya akong pag-antayin ng halos isang oras... tapos ngayon magtatanong s'ya ng ganyan?? pigilan n'yo ko masasaktan ko 'to.
"Aba-aba ang tikas mo rin boy no?? at talagang nagawa mo pa akong tanungin kung galit ako?? nag-hintay lang naman ako sayo ng halos isang oras kasi ang usapan natin alasais tayo pupunta sa clinic. Eh ang ganda eh. Lupit mo tol!! alasyete na nakahilata ka pa d'yan tapos may gana kapang magtanong?? eh kung pektusan kaya kita d'yan mga bente ay hindi trenta na para maalog yang utak mo!!." Nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Urgh!! badtrip keaga-aga eh parang nag-iinit na yung kamao ko at parang gusto nitong mangutos. Pasalamat s'ya at naka-lock yung pintuan ng kwarto n'ya dahil kung hindi ay nako, sigurado nagamit ko nanaman sa kanya yung ultimate combo ko. Ang sabay-sabay na pagsipa, suntok, tadyak, batok at kotong.
BINABASA MO ANG
MY LAST 30DAYS WITH YOU.
HumorUnang nagkita sina MARKEE at ROSALYN sa rooftop. They met under an unusual situation. Siguro kapalaran narin ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nilang dalawa. hindi inakala ni MARKEE na ang Mommy nya at ang Mommy ni ROSALYN ay "Mag bestfri...