Chapter 05

27 0 0
                                    

Pagkatapos ng mahaba at malakas na pagtawa ni Aly sa cubicle ay lumabas na siya dito at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Hindi parin niya makalimutan yung mga narinig niya kanina dun sa dalawa.

Pagkatapos niyang magayos ay agad naman siyang lumabas ng cr at nagtungo sa lugar kung saan niya huling iniwan si Akee.

"Akee." Tawag niya sa binata.

"Ano Aly nailabas mo ba lahat?" Tanong naman nitong habang pinupukol ang dalaga ng mapaglarong tingin.

"Oo." Tipid na tugon ng dalaga. Pero hindi manlang sumagi sa isip niya na ang tanong pala ng binata ay may bouble meaning.

"A kaya pala. Kaya pala mabaho kasi katatapos mo lang tuma--. Aray bakit ka ba namamaltok?!" Tanong niya sa dalaga habang himas-himas ang ulong nakatikim ng malakas na batok mula sa dalaga.

"Ang bastos mo kash! tara na nga." Walang ganang sabi niya at iniwan niya ang binata at naglakad palayo. Tinungo niya ang daan papunta sa opisina ng Doktor na siyang pagpapasahan nila ng urine sample na kailangan sa trabaho.

Tuluyan siyang pumasok sa kwarto o pwede naring tawaging pinaka-opisiina ng Doktor.

Si Doktor Umber, kilala sa kaniyang kagalingan sa larangan ng medisina. Kaibigan siya ng pamilya ni Aly at ganun din ang pamilya ni Akee. Masasabing lubos na nilang kilala at pinagkakatiwalan si Doktor Umber kaya lahat ng sinasbi nito na tungko sa ikabubuti ng kalusugan nila ay kanilang sinusunod.

"Goodmorning po tito Burnt." Pambungad na bati ng dalaga sa doktor. Hindi na ikinabigla ng doktor ang prensya ng dalaga sa kaniyang opisina dahil inaasahan naman niya ang pagdating NILA.

"Goodmorning din hija. Nalate ka ata ng dating ngayon?" Tanong nito sa dalaga. Base kasi sa mga previous checkup ni Aly sa doktor ay ngayon lang ito nahuli sa kanilang usapan na labis niyang ipinagtataka.

"Hay nako tito! itanong niyo nalang po sa inaanak niyo kung bakit." kunot nuong tugon nito sa doktor. Naalala na naman kasi niya yung halos isang oras niyang pag-aantay kay Akee at tuwing mangyayari iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili niyang magalit.

"Oo nga pala Rose, nasaan nga pala ang magaling kong inaanak?" Tanong ng doktor sa dalaga.

Sasagot pa sana si Aly pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman nito si Akee.

"Im here. Sorry ninong kung late kami, alam mo na ... Nahuli ng gising." Bungad niya pagkapasok na pagkapasok niya ng pinto. Lumapit siya sa doktor at inbot ang kamay at saka nagmano. Ibinaling naman niya ang tingin kay Aly na kasalukuyang nakaupo at binibigyan siya ng isang pamatay na tingin.

"Hay nako Markee! hindi ka parin nagbabago. Tinganan mo nga yang si Rose oh. Siguro ikaw din ang dahilan kung bakit siya nahuli ngayon at kung bakit siya nakabusangot ano?" Natatawang tanong ng doktor. Simula kasi pagkabata ay kilala na niya ang karakas ni Akee. Dahil nga sa inaanak niya ito at matalik pa niyang kaibigan ang tatay nito.

Dati halos araw-araw siyang nasa bahay nila Akee para pagusapan

ang pag-einvest niya sa kopanyang pagmamay-ari ng pamilya nila Aly at Akee at sa tuwing nandon siya ay palagi niyang nakikitang nagkukumahog ang kaniyang inaanak dahil late na late na ito sa pagpasok.

Hindi naman sumagot si Akee imbis ay umupo nalang siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Aly.

"So i guess kailanga niyo ng ibigay yung mga urine sample niyo ng mabilis kayong makaalis. Mukang hindi maganda ang timpla ngayo ni Rose eh. Suzie!" Sabi pa ng doktor. Lumapit naman agad yung tinawag niyang Suzie sa kaniya.

"Pakikuha mo naman sa kanila yung mga urine sample tapos pakidala naman sa loob." Sabi pa ng doktor. Agad naman itong sinunod ni Suzie na kaniyang assistant nurse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY LAST 30DAYS WITH YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon