Chapter 4. M-W-F??
Hindi ako umimek pag-dating ng order namin. Kailangan ko talagang ukulan ng matinding konsentrasyon ang pag-kain ko kasi sobrang gutom na talaga ako.
Kain. Kain. Kain.
Inom ng tubig then . . .
Burp. Ay nakakahiya, medyo napalakas yung pag-dighay ko kay nilibot ko yung tingin ko sa paligid at buti nalang wala kaming kalapit sa table kaya walang ibang nakarinig maliban sa kan'ya. Siguro alan n'yo na naman kung sino yung tintukoy ko diba??
"Kadiri ka naman!!" Mapanglait na tingin ang pinukol sa akin ni Akee. Kapal ng muka. kung makapagsabi ng kadiri akala mo kung sino.
"Psh. Parang hindi ka dumidighay kung makapagsalita ka." Matara na sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Hehehe." Tawa lang ang isinagot n'ya sa akin.
"Ano ang nakakatawa sa mga sinabi ko??"
"Wala."
"E wala naman pala e 'bat ka tumatawa??"
"Nakakatawa ka kasi."
"E baliw ka pala e. Sabi mo walang nakakatawa sa mga sinabi ko tapos ngayon sasabihin mo na nakakatawa ako??"
"Oh. Wag kang magalit."
"E sinong matinong tao e pinagtatawanan na e makikitawa dun sa tumatawa sa kanya??"
"Hindi na promiseg Nakakatawa ka kasi, kababae mong tao tapos ang lakas mong dumighay."
"Ewan ko sayo."
"Haha. hindi na talaga promise."
"Psh."
"Teka lang may alam akong paraan para mawala yung pagka-badtrip mo." Sabi n'ya tapos tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya tapos lumapit dun sa counter.
Hmn. Akala ko pa naman mawawala na yung pagka-bad-trip ko sa kan'ya kasi nilibre na n'ya ako pero hindi pala. Nag-kamali ako, mas lalo n'ya lang dinagdagan at pinalala dahil dun sa ginawa n'yang pang-aasar kanina. Shete lang ha!!
"O poblema mo at naka-ngisi ka d'yan??" Tanong ko. Pag-balik kasi n'ya galing dun sa counter ay sumalampak agad s'ya ng upo pero para s'yang baliw na naka-ngisi.
"Antay ka lang. Nire-ready pa yung pampawala ng BV mo." Sabi n'ya. Pampawala?? utot n'yang blue. muka panga lang n'ya naka-kaasar na tapos sasabihin n'ya pampawala?? ulol. (>__<) .
"Tigilan mo ako d'yan sa ka-praningan mo!!" Singhal ko.
May lumapit biglang crew sa amin. "O eto na pala e." Sabi n'ya sabay tingin dun sa crew na may dalang tray.
"Thank you for waiting sir. Eto na po yung extra chocolate sundae at mix-in na inorder n'yo." Sabi nung crew. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapa-ngiti. Alam na alam talaga ni Akee kung anong makakapag-patanggal ng BV ko.
"O. Alam kong sweets lang ang makakapag-pagood mood sayo kaya iyan." Sabi n'ya habang inaabot ang mga sweets. Psh. Alam n'yang hindi ko ito kayang tanggihan kaya ito yung ginawa n'yang pang-peace offering.
"Itong sundae ay para sa atrasong sinasabi mo na dahil dun sa pag-aantay mo kanina." Sabi pa n'ya tapos inilagay yung spoon dun sa cup na may lamang sundae. Promise natatakam na talaga akong kainin yun.
"Tapos ito namang mix-in ay para dun sa pang-aasar ko sayo kanina. Alam kong kapag mga ganitong bagay yung ginawa kong pang-peace offering sayo ay hindi ka makakatanggi. Sorry na, bati na tayo." Dagdag pa n'ya. Wow!! ang sweet naman ni Akee. Kung siguro naging kami nito at gan'to yung ginawa n'ya pagka-tapos naming magkaroon ng tampuhan ay siguradong bibigyan ko kaagad s'ya ng Yakapsule at Kissperine para matapos na. Teka naisip ko bayun?? Erase!! Erase!! Erase!! siguro dahil lang sa mga nangyari. Tama dahil lang sa sitwasyon at nadala lang din ako ng aking emosyon kaya ko siguro naisip 'yun.

BINABASA MO ANG
MY LAST 30DAYS WITH YOU.
HumorUnang nagkita sina MARKEE at ROSALYN sa rooftop. They met under an unusual situation. Siguro kapalaran narin ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nilang dalawa. hindi inakala ni MARKEE na ang Mommy nya at ang Mommy ni ROSALYN ay "Mag bestfri...